Kabanata 18

2080 Words
Kabanata 18 Sabrina's POV Isa lang naman ang kilala naming Sixto ni Tonyo. Si Father Sixto. Ngunit kahit kaunti ay hindi ko naisip na maaaring galing siya sa nakaraan. Ngunit maaari din naman na ibang Sixto ang tinutukoy ni Lola. "Sixto? Sino pong Sixto?" tanong ko. Walang idea si Lola Herminia na mayroong nagngangalang Sixto ang parehas na tumatakbo sa isip namin ni Tonyo. "Siya si Sixto Solomon, ang aking naging kaibigan. Parehas kaming hindi na nakabalik pa sa aming panahon dahil pinili kong iligtas siya. Mas ninais kong mabuhay rito kaysa mamatay siya sa aking harapan." Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ni Lola Herminia sa sinabi niya. Ngunit ang sakit sa mga mata niya ay nagpapatunay na hindi basta-basta ang pinagdaanan niya para lamang sa kaligtasan ng kanyang kaibigan. Naalala ko ang nabanggit niya noon tungkol sa kanyang kaibigan. Mga pambihirang pangyayari na hindi niya akalain. Ito nga marahil iyon. Ganito rin tulad ng sa amin ni Tonyo ang kanilang pinagdaanan. At alam ko sa sarili ko na hindi ito biro. "Sixto Solomon po, Lola? May kakilala kaming Sixto sa panahon ni Sab ngunit hindi namin batid ang kanyang buong ngalan," Tonyo utters. This caught Lola Herminia's attention. "May kinalaman ba siya para mapunta sa inyo ang orasan?" tanong ng matanda. Tiningnan ako ni Tonyo para ako na ang sumagot. Ako kasi ang nakakaalam ng lahat. "Opo, Lola Herminia. May-ari si Padre Sixto ng isang antique shop kung saan nagbebenta siya ng mga lumang kagamitan." Kaya pala ganoon na lamang ang mga binibenta ni Father Sixto. Kaya pala marami siyang nalalaman sa ganoong bagay ay dahil nakaranas siyang gumamit ng mga iyon. "Kung gayon ay malaki ang posibilidad na siya nga ang Sixto na aking tinutukoy." Ngumiti si Lola Herminia. " Nakatutuwang isip na siya ay nabubuhay pa. Nakasisiguro ako na tulad ko ay nasa dapit-hapon na rin siya ng kanyang buhay." Muling sumilay ang magkahalong lungkot at tuwa sa mga mata niya. Lungkot dahil naaalala niya ang kaibigan at maaaring nami-miss na niya ito. At tuwa dahil nalaman niyang buhay pa rin ito. "Ngunit Lola Herminia, posible rin po ba na makabalik dito si Padre Sixto?" tanong ni Tonyo at naalala ko ang isang pagkakataon na makita ko si Father Sixto. "May isang beses ko po siyang nakita rito, Lola," sabi ko at tumango siya. "Ganoon talaga, mga apo. Kaya kayo nandito ay dahil muli niyang inayos ang orasan. Pinakialaman niya ang bagay na iyon. Hindi niya ako pinakinggan." Hindi malinaw ang sinabi ni Lola kaya nakita ko ang pagkunot ng noo ni Tonyo. "Hindi po pinakinggan?" tanong niya. "Oo, Tonyo. Batid namin parehas na sa ikatlong beses ay hindi na kami makakabalik pa. Kung aayusin ito ay nay ibang taong madadamay at makakaranas din ng sumpa. Inayos niya marahil iyon upang muli siyang makabalik dito at kayo ni Sab ang nadamay." Huminto si Lola Herminia. He smiles apologetically. "Alam kong may dahilan po si Padre Sixto kaya niya iyon ginawa." Tonyo tried to lessen the guilt she'e feeling right. Halata kasi sa kanya ang disappointment. She's sorry for everything. Ngunit wala naman siyang kasalanan. "Hindi pa rin niya dapat ginawa. Alam niyang may madadamay ngunit ginawa pa rin niya. Akala ko ay pinakinggan niya ako. Ngunit naging makasarili si Sixto. Idinamay niya ang mga walang muwang na kabataan." Hinawakan ng kanang kamay ni Lola ang kamay ko at sa kaliwa naman ng kamay niya ay ang kay Tonyo. "Ako na ang humihingi ng tawad sa nagawa ni Sixto." "Hindi po, Lola Herminia. Napadpad man ako sa ibang panahon ay hindi ko iyon pinagsisisihan. Wala po kayong kasalanan. Alam ko po na may dahilan din si Padre—" "At ano ang maaari niyang idahilan, Tonyo?" Nagulat si Tonyo sa bigla kong pagsasalita. Maging si Lola Herminia ay nakitaan din ng pagkabigla. I just can't help not to react on what Tonyo utters. "Sab..." He tenses. "Ano man ang dahilan niya, hindi iyon kailanman magiging katanggap-tangap!" Napatayo ako dahil sa galit. I never thought Tonyo would invalidate my feelings by saying that the man why I am here had his own reason. "Sab, huminahon ka, apo..." Lola tries to calm me pero ang hirap. "Pasensya na po, Lola. Hindi po kayo ang sinisisi ko kundi ang kaibigan ninyo. Paano niya nagawang mandamay ng ibang tao sa sumpang mayroon kayo?" "Sab!" Napapitlag ako nang halos mapasigaw si Tonyo dahil sa pagsuway sa akin. Lola Herminia looked hurt but I am hurt, too. Hindi ko siya sinisisi. And I feel guilty rin naman of what I've said but then again, I am hurt, too. "Madaling sabihin sa iyo, Tonyo, na mayroong dahilan si Father Sixto. Na maaari mo siyang maintindihan. Madali para sa iyo na hindi siya sisihin dahil ikaw, nandito ka na sa panahon mo. Eh ako? Halos isang taon na ako sa lintik na panahon na ’to pero hindi pa rin ako nakakabalik sa amin! Ang tagal ko nang nandito! Ang tagal ko nang naghihintay na makauwi. Nagtitiis sa mga mapang-abusong espanyol!" Huminto ako para huminga. "Naiintindihan ko ang nararamdaman mo, Sab—" "Naiintindihan? Hindi, Tonyo! Hindi mo maiintindihan ang nararamdaman ko dahil isang linggo ka lang napadpad sa ibang panahon!" Naramdaman ko ang pag-iinit ng gilid ng magkabila kong mata dahil sa nagbabadya kong mga luha. "Alam ko naman, Sab na mas mahirap ang iyong pinagdaraanan—" "Alam mo naman pala pero bakit kung makapagsalita ka parang ayos lang ang ginawa ni Father Sixto? Madali ’yong mapalagpas sa parte mo kasi tapos na ang paghihirap mo. Pero huwag mo ’yang sasabihin sa harapan ko kasi hanggang ngayon nagdurusa pa rin ako!" "Sab naman—" "Alam mo ba ang buhay ko sa panahon ko? Alam mo ba ang kinaibahan ng pamumuhay ko rito? Alam mo ba lahat ng pagtitiis ko? Huwag mong sabihing ayos lang ang lahat ng ’to dahil hindi ayos sa akin ’to!" Tinalikuran ko si Tonyo at tumakbo ako palabas ng bahay. "Sab!" tawag niya pero narinig ko siyang pinigilan ni Lola Herminia. Mabuti na lamang at hindi na niya ako tinangka pang habulin dahil ayokong sa kalsada pa kami magtalo. Ayoko munang makausap o makita man lamang si Tonyo. He's so insensitive. I still couldn't believe he just said those. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Kung nasa panahon ko siguro ako, madali lang mag-walkout. I have my car kaya malakas ang loob kong bigla na lamang umalis sa isang lugar kapag may hindi ako nagustuhan. Pero iba sa lugar na ito. Wala akong sasakyan kaya kung may gusto man akong takasan ay kinakailangan ko pang tumakbo. But I don't mind. Kahit pa maghapon akong tumakbo ay ayos lang basta makalayo kay Tonyo at hindi niya ako masusundan. Marami akong nakakasalubong. All of them are looking at me. I can feel my face soaking. Huminto ako sa pagtakbo para saglit na magpunas ng luha. Ayokong makakuha ng mas marami pang atensyon. Baka pati kastila ay mapansin ako. Kinalma ko ang sarili ko. Nagpalinga-linga ako sa paligid and there's no sign of Tonyo kaya nang magpatuloy ako sa paglayo ay naglakad na lamang ako. Habang naglalakad ay pinag-isipan kong mabuti kung saan pupunta. Hanggang sa dinala ako ng mga paa ko sa puno ng soberanya. Tanghaling tapat na at kay Soberanya ako nakakuha ng lilim. This is the first time I got mad at Tonyo. Hindi ko alam pero of all people, sa kanya pa ako makakaramdam ng invalidation. He was so inconsiderate. For him, it's just fine. At feeling niya lang ang iniisip niya. Hindi ko alam kung gaano katagal na akong narito sa lilim ni Soberanya but I find comfort here. Hindi pa siya ganoon katayog pero may lilim na siyang naibibigay sa akin. Ilang oras din akong nanalagi rito at hindi pa ako kumakain. I waited for the sun to come down. Nang hindi na ganoon katirik ang araw ay minabuti kong magpatuloy na sa paglalakad. Hindi ako makauwi sa bahay dahil nahihiya rin ako kay Lola Herminia. Baka isipin niya na hindi ko siya nirespeto kanina. Pero hindi naman talaga siya kasama sa galit ko kanina. I am mad at Tonyo for invalidating my feeling. And Father Sixto for being the one who's responsible for all of these even if he had an option of not involving us in their drama. Mas mabuti pa sigurong bigla na lang kami nag-time travel ni Tonyo out of nowhere kasi walang may gusto nun. Pinaglaruan lang kami ng tadhana. But knowing that everything happened to us is a choice, that would be unacceptable. That's too selfish. Nananahimik ako sa panahon ko then someone dragged me here. "Sab?" Napalingon ako nang may tumawag sa akin na isang pamilyar na tinig. Hindi ko namalayan na nandito na pala ako sa Anyahan. "Mahabaging langit! Anong nangyari sa iyo?" Halos takbuhin ni Oriang ang distansya naming dalawa para lang masigurong ayos lang ako. "Ayos lamang ako, Oriang." I tried to smile but she shook her head. "Batid kong kagagaling mo lamang sa labis na pag-iyak. Halata sa iyong mga mata." Hindi na ako nakapag-deny pa at napayuko na lamang. "Halika sa loob ng aming tahanan." Sinubukan niya akong hilahin papasok sa kanilang bahay ngunit hindi ako nagpatangay. Marahas akong umiling. Nakakahiya kung darating ako nang walang pasabi. Nakakahiya kay Andres. Paano kung nagpapahinga pala siya at maistorbo ko ang dapat sana'y oras nila nilang mag-asawa. Ngumiti si Oriang at umiling nang tila ay mabasa ang iniisip ko. "Huwag kang mabahala, Sab. Wala ang aking kabiyak." Saka lamang ako nagpatangay sa kanya papasok sa kanilang bahay. True enough, Andres isn't around. "Nasaan si Ka Andres?" tanong ko nang paupuin niya ako sa may bintana. "Hindi ka pa ba nasanay, Sab? Si Andres ay abala sa palihim na pagpapalaganap at pagpapayabong ng Katipunan." Hinawi ni Oriang ang magulo kong buhok para ayusin. Bigla tuloy akong nahiya dahil sa hitsura ko. I know I look like a total mess right now. Gustuhin ko mang mag-ayos ay alam kong huli na dahil nakita na niya ang worst kong hitsura. "Huwag kang magagalit sa tanong ko, Oriang, ngunit wala pa ba sa plano ninyo ang pagbuo ng pamilya?" Natawa si Oriang sa tanong. Did I sound very chismosa? I was just curious since parehas silang abala sa Katipunan. Is it okay in this century to ask about that? Okay lang naman siguro kung ang tatanungin mo ay ang babaeng may asawa na. So I think she doesn't mind. "Bakit naman ako magagalit sa iyong tanong, Sab? Ngunit sa ngayon ay ang Katipunan ang siyang higit na pinagtutuunan namin ng pansin." Tumango ako sa sagot niya. "Ayaw rin namin na isilang sa mundo ang aming magiging anak nang walang kasarinlan. Hangga’t maaari ay nais namin magkaroon ng anak kapag tiyak nang kalayaan." "Naiintindihan ko, Oriang. Ngunit kung dumating man ang araw na ikaw ay magsilang, hangad ko ang malusog niyang pangangatawan." Natawa siya sa sinabi ko. "Salamat, Sab. Ngunit kung magsalita ka ay tila hindi mo ako makikitang magsilang." Pilit akong ngumiti. Hindi ko rin kasi masasabi kung nandito pa ako sa oras na magkaroon na siya ng anak. Kung wala pa pala silang plano sa ngayon ni Andres ay baka matagalan pa. "Anong malay natin, Oriang. Maaaring sa pagsiklab ng digmaan ay—" "Sab, huwag kang mag-isip nang ganyan. Hangga’t maaari ay ayaw kong may mawala sa sinumang malapit sa akin." Umiling ako sa sinabi niya. "Sab, ang digmaan ay digmaan. Maraming buhay ang mawawala. At kinakailangan na maging handa tayo." "Alam ko iyon, Sab. Handa ako. Handa ang buong Katipunan. Ngunit ang sinasabi ko lamang au huwag tayong panghinaan ng loob. Ang isipin natin ay mapagtatagumpayan natin ito nang hindi masasawi." Tumango ako sa sinabi ni Oriang. Handa sa kamatayan ang Katipunan ngunit mas makakatulong kung magiging positibo sila. Wala rin akong idea kung kailan magsisimula ang digmaan pero sana ay makatulong ako. Ang kinakatakot ko ay baka kung kailan magsisimula na ang digmaan ay saka naman ako mawawala sa panahong ito. Paano kung hanapin ako ni Oriang? Ayoko namang isipin niya na iniwan ko sa sila sa ere. Ayokong mawala nang may ganoong pagdaramdam sa akin si Oriang. She's too good to feel left behind. "Sandali lamang, kumain ka na ba, Sab?" Sa tanong niyang iyon ay saka lamang ako nakaramdam ng gutom. I smiled awkwardly at umiling. Umiling din siya at sinamaan ako ng tingin. Hanggang sa tumayo siya at naglakad papuntang kusina para ikuha ako ng makakain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD