Kabanata 17

2075 Words
Kabanata 17 Sabrina's POV "Lola Herminia..." Hindi ako makapagsalita dahil sa tanong ni Lola Herminia. I was caught off guard. Naintindihan niya ang mga nakasulat. Siguro ay nakapag-aral siya kaya ganoon. Hindi sa minamaliit ko si Lola pero may kakayahan ba siyang makapag-aral? Base sa ilang buwang pananatili ko rito ay napansin ko na tanging mga lalaki lang ang may privilege na makapag-aral. Halos lahat ng nakilala kong babae rito ay hindi nakapag-aral. Ang mga babae ay lagi lamang nasa bahay. Except if you were born with a golden spoon. But who knows? Malay natin kung lumaki si Lola Herminia sa maginhawang buhay. But that would be worst kasi isipin na lang natin ang pinagdaanan niya para lang makasanayan ang maghirap. "Sumagot ka, Sab. Bakit dos mil bente-dos ang nakasaad rito? Sino ka ba talaga? Ikaw ba ay galing sa ganitong siglo?" Hindi pa rin ako makapaniwala sa tanong ni Lola Herminia. So does it mean na binibigyan niya ng possibility ang ganoong pangyayari? But why? Kasi kung ako ang tatanungin, kahit may makita akong isang ID na ang taon ay taon sa hinaharap, hindi ko pa rin iisipin na galing siya sa anumang taon na nakalagay sa ID...unless I knew some instances na nangyari ’yon in reality. Napatitig ako kay Lola Herminia. She is looking at me directly to my eyes. Hindi ko kayang tagalan ang mnlga titig niya pero buong tapang ko iyong sinalubong. Pinagdududahan ako ni Lola. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagkwestiyon sa pagkatao ko. "Bakit po, Lola Herminia? Tingin niyo po ba ay maaaari iyong mangyari?" tanong ko at hindi nakasagot si Lola. Sinubukan kong basahin ang mga mata niya ngunit nananatili itong blangko. "Maaari po bang mapadpad sa panahong ito ang isang tao na galing sa hinaharap?" Muli ay hindi nakasagot si Lola Herminia. "Oo, Sab. Maaari," sambit ni Lola matapos ang ilang sandaling pananahimik. Natulala ako sa sagot niya. I didn't expect that. Hinintay ko ang pagbawi ni Lola sa sinabi niya at umaasang nagbibiro lang siya pero hindi niya binawi. She's serious about what she said. Nagtindigan ang balahibo ko sa biglang pananahimik ni Lola Herminia. If she believes in it, does it mean she knows someone who time-travelled, too? So tama nga ang hinala ko noon na maaaring hindi lamang sa amin ni Tonyo nangyari ang ganito. Maaari nga kayang may kakilala si Lola Herminia na galing sa hinaharap? Or...could it be her? "Lola Herminia..." Hindi ko maituloy ang nais kong itanong. Natatakot ako. Natatakot ako sa katotohanan na maaaring tulad ni Lola Herminia ay dito na rin ako tumanda. Nakatitig pa rin ako kay Lola Herminia dahil nagdadalawang isip pa ako kung itatanong ko ba ang mga tanong na nasa isip ko. Nang tila ay mabasa ang nasa isip ko ay napaatras ako nang marahang tumango si Lola Herminia. Hindi maaari. "Mil nuventa sientos sisenta’y singko ang taong kinabibilangan ko nang mapadpad ako sa taong mil otso sientos trenta’y singko, Sab..." Hindi na dapat ako nagugulat pa dahil nangyari na ito sa akin. Pero iba pa rin pala talaga kapag narinig mo iyon sa ibang tao. Kung ako ngang nararanasan ang ganoon ay hindi agad makapaniwala, paano pa kaya ’yong mga taong wala karanasan sa ganito. They would surely think that I'm insane. Baka agad-agad ay ipadala ako ni daddy sa mental hospital para ipagamot. "Halika, Sab..." Niyaya ako ni Lola para maupo sa may mesa. Doon ay hinarap niya ako nang maayos. "Sabihin mo, Sab, ikaw ay nagmula sa anong taon?" unang tanong ni Lola Herminia. Bumuntong hininga ako bago sumagot. "Twenty-twenty two po, Lola." Marahan siyang tumango. Lola Herminia doesn't seem bother. Pero ako, kahit pa alam kong parehas kami ng sitwasyon ni Lola ay hindi ko magawang kumalma. I still have doubts dahil ngayon pa lamang ako may makakausap tungkol dito maliban kay Tonyo. Speaking of Tonyo, I'm sure he will be surprised, too if he ever found out that Lola Herminia had a fate like ours. Ngayon pa lang ay nakikita ko na ang gulat sa kanyang mga mata. "Sab..." As if on cue, I heard Tonyo's voice outside our house. He is knocking at the door. I was about to stand up to let him in but Lola Herminia holds my arm. "Hayaan mo na muna si Tonyo, Sab. Tayo muna ang mag-usap." Tumango ako kay Lola bilang pagsang-ayon pero tumayo pa rin ako. "Pag-usapan po natin ito Lola nang kasama si Tonyo," sabi ko. "Ngunit—" Kusang nahinto si Lola nang marahil ay ma-realize niya ang nais kong mangyari. "Huwag mo sabihing..." Hindi ko alam kung ang iniisip ba niya ay kung galing din ba si Tonyo sa hinaharap o alam na niya na may nanggaling dito at napunta sa taon ko kaya ako napadpad rito. At na-gets niyang si Tonyo iyon. If it's the latter, then sino ang nanggaling dito na napadpad sa hinaharap? At bakit nagtagal dito si Lola Herminia? Para mabigyan na ng kasagutan ang mga tanong ko ay minabuti kong labasin na muna si Tonyo dahil baka umalis pa siya kapag inakala niyang walang tao sa bahay dahil walang nagbubukas sa kanya. Mas mabuti na rin na nandito si Tonyo para sabay kaming maliliwanagan kung may makuha man kaming idea mula kay Lola Herminia. Ayoko na ring ulitin pa sa kanya ang anumang pag-uusapan namin ni Lola dahil baka hindi ko ma-absorb lahat. Kung may makaligtaan man ako, naroon si Tonyo. And I'm pretty sure he has a lot of questions, too na nais niyang mabigyang kasagutan. Hindi lang talaga siya nagpapahalata sa akin dahil ayaw niya akong panghinaan ng loob. "Nariyan ka pala, Sab. Inakala kong walang tao sa loob kaya halos umalis na ako." I smile a little at him at nahalata niya iyon. "May suliranin ka ba, Sabrina? May mga bumabagabag ba sa iyo? Nais mo ba ng makakausap? May maitutulong ba ako?" sunud-sunod na tanong niya kaya napangiti ako. I shook my head. "Ayos lamang ako, Tonyo. Ngunit kakausapin daw tayo ni Lola Herminia." Napakunot ang noo niya. "Bakita daw?" "Basta, Tonyo. Halika na." Hinila ko na siya papasok ng bahay at ini-lock ko ang pinto. Just to make sure na walang ibang makakapasok na maaaring makarinig sa mga pag-uusapan namin. Tinaasan ako ng kilay ni Tonyo matapos kong i-lock ang pinto. Nginitian ko lang siya at muling hinila papunta sa kusina. Doon ay naabutan namin si Lola na umiinom ng tubig. Nginitian niya si Tonyo nang makita ito. Tonyo smiled back ngunit may pagkailang sa kanyang mukha. Nararamdaman niyang hindi lamang basta-basta ang pag-uusapan namin. Tiningnan ako ni Tonyo na tila nagtatanong pero tinanguan ko lang siya. Bumuntong hininga siya at muling ibinalik ang tingin kay Lola. "Magandang umaga po, Lola Herminia."Lumapit siya sa matanda at nagmano. "Yayain ko po sanang mag-agahan si Sab ngunit nasabi niya na mayroon daw po kayong nais ihayag?" tanong ni Tonyo. Tumango si Lola at ngumiti. "Maupo kayong dalawa." Itinuro niya ang upuan sa tapat niya. Tonyo and I sit next to each other across the table. Katapat namin si Lola Herminia na seryoso ang hitsura. Naramdaman ko ang mga palad ko na namamasa. The anticipation for the answers is killing me. "Kayong dalawa ba ay parehas..." unang tanong ni Lola Herminia. Marahan akong umiling kaya napatingin sa akin si Tonyo. "Parehas ano, Sab?" naguguluhan niyang tanong. "Parehas galing sa hinaharap." Namilog ang mga mata ni Tonyo dahil sa gulat. I know. Kahit ako man ay hindi ko akalain na maaari kong masabi ang katotohanan maliban kay Tonyo. "Alam ni Lola Herminia?" tanong niya at nilingon ang matanda. Tumango si Lola bilang tugon sa tanong ni Tonyo. "Tulad ninyo ay ganoon din ang aking sinapit..." Napaawang ang bibig ni Tonyo dahil sa inamin ng matanda. I couldn't blame him dahil sino ba naman ang mag-aakalang galing pala si Lola sa taong 1965? "Paano po iyon nangyari, Lola? At sa anong taon po kayo nagmula?" tanong ni Tonyo. I can feel that he wants to throw more questions but he doesn't want yo overwhelm her. "Mil nueve sientos sisenta’y singko ang taong kasalukuyan nang ako ay mapadpad sa taong mil otso sientos trenta’y singko." I tried to compute the differences. And we both have 130 years gap. Parehas kaming napadpad sa tanong nangyari na 130 years ago mula sa kasalukuyan naming taon. "Sa tingin po ninyo Lola, paano ito nangyayari?" tanong ko. I have been dying to ask that question. Sana naman ay magkaroon na ng kasagutan. Para kahit iyon man lang ay makabawas sa mga iniisip ko. "Mayroong mahiwagang orasan." Nagkatinginan kami ni Tonyo. Tama nga ang hinala namin na dahil iyon sa orasan. "Sa tuwing nasisira at naaayos ang orasan ay nagkakaroon ng ganitong insidente, Sab, Tonyo." Sabay kaming tumango ni Tonyo. So that's explain why kung bakit napadpad si Tonyo sa panahon ko. Marahil ay hindi nasira ang orasan dahil sa impact nang pagpreno ko noon. Nasira lamang iyon nang kusa kaya sa isang iglap lang ay nasa harapan na ng sasakyan ko si Tonyo. At nang maayos ang orasan ay nakabalik siya sa kanyang panahon. Kaya nang muling masira ito ay nagkaroon ulit ng conflict at ako naman ang napadpad rito. "Ibig po bang sabihin nito, Lola Herminia, na kapag muling naayos ang orasan ay may isa ulit sa atin ang maaaring makaranas ulit ng ganito?" tanong ko at tumango siya. "Tayong tatlo lang po ba ang makakaranas ng ganito?" tanong ni Tonyo at saglit na natigilan si Lola Herminia. "Sa totoo lang, hindi ito mangyayari sa inyo kung wala ang taong iniisip kong dahilan kung bakit kayo nandito." Bumuntong hininga si Lola Herminia. "Ano pong ibig niyong sabihin, Lola? Sinong tao po ang tinutukoy ninyo?" tanong ko. I'm eager to know ang dahilan ng lahat ng ito. "Tulad ninyo ay mayroon din akong nakatulad ng sinapit. Magkasama kaming naghanap noon ng kasagutan sa kanyang panahon." Hindi ko alam kung mamamangha ba ako dahil may nakatulad kami ng sinapit ni Tonyo o matatakot dahil ang katandaan ni Lola ay nagpapahiwatig na maaari din akong tumanda rito. "Ano po ang kinalaman niya rito, Lola?" tanong ni Tonyo sa matanda. "Malaki, Tonyo," sagot ni Lola. "Ikaw ba ay nakarating na sa panahon nina Sab?" tanong sa kanya ni Lola Herminia. "Opo, Lola." Tumango si Lola at ngumiti. "Ilang beses na?" "Isa pa lamang po, Lola." Tonyo and I were both clueless kung saan ba papunta ang mga impormasyong kinukuha ni Lola. "Kung gayon ay isang beses ka na lang maaaring makabalik sa panahong iyon dahil dalawang beses lamang kayong maaaring bumalik sa panahon ninyo." So does it mean na oras na makauwi ako sa panahon ko ay may chance pa ulit akong makabalik dito? "Ngunit paano po Lola kung dalawang beses na kaming nakabalik ngunit muling nasira o naayos ang orasan?" Mabuti na lamang at nandito si Tonyo. Nagagawa niyang itanong ang lahat samanatalang ako ay inuunahan ng takot. The more we know the more it became scary. Still better than being clueless, though. "Sa ikatlong ulit ay hindi ka na makakabalik pa sa iyong panahon kahit pa muling masira o maayos ang orasan. Halimbawa, ikaw Sab, kung makarating ka rito sa ikatlong pagkakataon ay hindi ka na muling makakabalik pa sa iyong panahon. Mananatili ka na sa panahong ito." "Paumanhin, Lola, ngunit tulad po ba ng nangyari sa inyo?" I really feel sorry about my question but I badly need to know. I want to know kung tulad ng iniisip ko ay dito na rin ba talaga siya tumanda. I'm relieved that Lola Herminia didn't look offended about my question nor saddens her. Siguro ay tanggap na niya na ito ang kanyang kapalaran. Marahan siyang tumango at nakuha pa niya g ngumiti. I can't even see any regret that she's still here. Walang anumang bumabagabag sa kanyang mukha o anumang panghihinayang. "Oo, apo. Tulad ng nangyari sa akin...sa amin." Seryoso kaming napatingin ni Tonyo kay Lola Herminia. Ngayon lamang muli nagkaroon ng emosyon ang kanyang mga mata. She became happy reminiscing a specific part of her life. "Sa amin? Sino po ang tinutukoy ninyo, Lola?" tanong ko. "Ang kaibigan kong tulad ni Tonyo na galing sa nakaraan at nakilala ko sa aking taong kasalukuyan...si Sixto." Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang marinig ang pangalang binanggit ni Lola. Nagkatinginan kami ni Tonyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD