Kabanata 16

2056 Words
Kabanata 16 Sabrina’s POV Nang marating namin ang bahay nina Andres ay apat na tao lamang ang naabutan namin doon na manunumpa. Masyadong kaunti kaya naghintay pa kami. Hindi maganda ang lagay ng Katipunan sa ngayon. Nitong mga nakaraang gabi ay kakaunti lamang ang mga nais sumapi. Kaya hindi na nakakapagtakhang bagsak ang balikat ng mga Katipunero sa ngayon dahil sa iilang umaanib. Habang naghihintay pa ng ibang sasapi ay nilapitan ako ni Oriang. Batid kong may nais siyang sabihin. "Sab, ikaw na muna ang maghawak nito..." Iniabot niya sa akin ang ilang kasulatan na may pirma ng ilang tao. Hindi ko alam kung ano ang mga ito pero agad ko itong tiniklop at sinuksok sa aking dibdib. Kailangan ko itong ingatan dahil sa akin niya ito ipinagkatiwala. Ayokong masayang ang tiwala nila sa akin. Kaya hangga't maaari at hanggang sa makakaya ko ay mag-iingat ako. Sa kasamaang palad ay hindi na nadagdagan pa ang apat na nagpahayag ng pakikiisa. Kaya nang maidaos ang panunumapa at makaalis sila ay halata sa mukha ni ’Ka Andres ang disappointment. "Mag-iisang taon na rin tayong naghahanap ng mga kasapi. Ngunit tila hindi nadaragdagan ang ating bilang." Iilan na lamang kaming natitira dito sa kanilang bahay at nagkatinginan kami dahil sa saloobin niya. It's not healthy if the one who founded this society would lose hope. Andres Bonifacio is our hope. "Dahil wala pa rin silang tapang na kumalaban sa mga kastila," sabi ni Teodoro Plata. Tama siya. Karamihan sa mga indio ay inuunahan ng takot. Maging ako man ay natatakot. Ngunit batid kong walanh patutunguhan ang takot na nararamdaman namin. "Ngunit walang mangyayari kung mananatili silang sunud-sunuran sa mga espanyol," sabi ni ’Ka Procopio, kapatid ni Andres. "May saysay pa ba ang lahat ng ito?" bigong tanong nito. Ayokong makitang ganito si Andres. Minsan din pala siyang napatanong kung makakaya pa ba ito ng bayan. Nilapitan ni Oriang ang asawa at hinagod sa likod para pagaanin at palakasin ang loob. "Hindi lahat ng Tagalog ay sing-tapang mo, Andoy. Ngunit pasasaan ba’t mamumulat din ang ating mga kababayan sa kalabisan ng mga mananakop." Oriang tried to give back the hope to her husband. Tipid na ngumiti si Andres sa sinabi ng asawa at nagpasalamat sa pagpapalakas ng loob nito. "Kung darating nga ang araw na ang lahat ay makikiisa sa Katipunan, sana naman ay hindi sa panahong huli na ang lahat," wika ni Ladislao at malakas ang pinakawalang buntonghininga ni Andres. Sana nga ay hindi pa huli ang lahat. Marami pang plano si Tonyo. Nais pa niyang bumalik sa kanyanh pag-aaral. At hindi ko yata kakayanin kung hindi matupad ng aking kaibigan ang kanyang pangarap. All I want for my friends are their happiness. Kaya sana ay matapos na ang lahat ng ito. Matapos ang maikling usapan ay nauna na kaming maglakad pauwi ni Tonyo. Ngayon ko lamang nakitang walang pag-asa si Andres Bonifacio. Sana naman ay hindi siya panghinaan ng loob. Sa paglalakad namin ni Tonyo ipinagpatuloy ang pag-uusap tungkol sa Katipunan. "Hindi maaaring mawalan ng pag-asa ang nagtatag ng samahan," he said na sinang-ayunan ko. Parehas pala ang iniisip namin ni Tonyo. "Ano kaya ang puwede nating gawin?" Sa totoo lang, maging ako ay nahihirapan mag-isip ng paraan para mapalawig ang samahan. Pero if ever na makaisip man ako, dapat ko bang sabihin? Baka magulo ang kasaysayan. I will let them think dahil baka maaaring makagulo kung anuman ang isa-suggest ko. "Masyado ka nang abala sa trabaho at Katipunan. May oras ka pa ba sa paghahanap ng orasan?" Huminto kami sa tapat ng pinto ng bahay ko. "Hindi ko alam kung saan magsisimula, Tonyo. Hindi ko na rin muling nakita si Father Sixto." He sighs and smiles a little. Sa totoo lang ay mas gusto ko pang makita si Father Sixto kaysa sa orasan. "Huwag kang mag-alala, Sab. Hindi naman ako humihinto sa paghahanap ng orasan. Makikita rin natin yaon. Magtiwala ka lamang sa akin, ibabalik kita sa iyong panahon." Kahit parehas kaming walang ideya kung saan magsisimula ay hindi kami tumitigil ni Tonyo sa paghahanap ng orasan. He knows how I badly want to go back home. At sana nga ay matupad ang kanyang pangako na ibabalik niya ako sa taong kinabibilangan ko. Pumasok ako sa kuwarto ko at nahiga na. Sa kalagitnaan ng aking pag-iisip ay napatingin ako sa puting kumot na tumatakip sa isang upuan. Tinakpan ko talaga iyon para hindi masobrahan sa alikabok. That was the rocking chair na inupuan ko noon sa shop ni Father Sixto kung saan ako nakatulog. And when I woke up, nasa rocking chair pa rin naman ako...ngunit nasa iba nang panahon. Binuksan ko ang drawer sa gilid ng papag ko at kinuha ang cellphone ko. I turned it on. Pinapatay ko talaga ito para hindi masayang ang battery. I go to my phone's gallery and scroll on my camera roll. I really miss my family. But everytime I miss them, all I can do is to look at our family pictures. Kung saan ayos pa ang lahat. Kung saan nakakasama ko pa sila. Kumusta na kaya sila roon? Siguro ay hinahanap na nila ako. Sampong buwan na rin akong hindi nakakauwi. For sure, my father already pulled every string he has just to find me. But I hope they know that I'm doing fine here. Kung maikukuwento ko ito sa kanila, siguradong magiging proud sila sa akin. Pero sobrang imposible ’yon dahil alam kong hindi naman nila ako paniniwalaan. And Cleo and Riri, I can't wait to share my experience with them. I don't think they would believe me too but I still want them to hear it. Lalo na ang tungkol sa katapangan ng mga Katipunero. Gusto kong ipagmalaki sa kanila ang mga nagawa ng mga bayaning iyon sa ating kasaysayan. I want them to honor their heroism. Dahil hindi basta-basta ang sinakripisyo at pinagdaanan nila. I can't wait to be back home. There, there's no abusive Spanish, no colonizers, no civil guards. Hence, there's no Oriang... and no Tonyo. Napabalikwas ako ng upo nang pumasok iyon sa isip ko. No more Tonyo in the 21st century. Yes, I know that fact, of course. I was aware of that. Isa sa pagkakaibigan namin ni Tonyo ang maiiwan ko sa siglong ito. Maiiwan ko rin naman ang pagkakaibigan namin ni Oriang, ngunit magkaiba ng level ng panghihinayang ang nararamdaman ko sa katotohanang maiiwan ko rito si Tonyo. Ibinagsak ko ang likod ko sa papag at napangiwi ako sa sakit. Sampong buwan na ako rito pero lagi kong nakakalimutang papag nga pala ang hinihigaan ko at hindi ang malambot kong kasama. I sigh. Gusto ko nang umuwi, pero ayokong iwan ang kaibigan ko rito. Isama ko na lang kaya si Tonyo? No. That's too selfish. May buhay siya rito at kailangan din siya ng bayan. Alam kong hindi rin siya papayag dahil ang mapalaya ang Pilipinas ang kanyang top priority. Nang magising ako kinabukasan ay mataas na ang sikat ng araw. Sanay ako sa ganitong oras ng gising sa panahon ko kapag walang pasok. May maids kami na siyang gumagawa ng mga gawaing bahay. Ngunit dito ay wala akong katulong. Nakakahiya naman kung iaasa ko kay Lola Herminia ang lahat ng gawain. Matanda na ito at ayoko namang mapagod siya nang husto. Kaya kahit araw ng pahinga ko ngayon ay bumangon na ako. Like I was thinking, naglilinis ng kusina si Lola. She is always like that. Parang mas napapagod pa siya kapag hindi siya kikilos. Ganoon siguro talaga kapag nakasanayan na ang gawaing bahay o anumang gawain basta naging bahagi na ng buhay at pang-araw-araw mo. "Gising ka na pala, Sab. Dinalhan ka ng mga tinapay ni Tonyo." Itinuro niya ang supot sa ibabaw ng mesa at napalapit ako roon. Tiningnan ko ito at bigla akong nagutom dahil sa amoy nito. Mainit-init pa ito kaya mas mabuti pa kung kakainin ko na. "Kumain na po ba kayo?" tanong ko kay Lola Herminia. "Maaga pa lamang ay kumain na ako," sagot nito. Mabuti na lamang dahil nakakakonsensya kung naglilinis siya ng bahay nang walang kain. "Kakain lang po muna ako. At pagtapos ko ay tutulungan ko na po kayo." "Hindi na, patapos na rin naman ako. Lilinisin ko ang silid mo habang nag-aagahan ka para pagtapos mo ay makabalik ka sa pagpapahinga." Gusto ko sanang tulungan siya pero patapos na rin naman pala si Lola. Tumango na lamang ako at nagsimulang kumain. Hindi pa nakatikim ng linis ang kuwarto ko kaya puro agiw na. Kaya gusto ko sanang ako ang maglinis dahil nakakahiya. Baka isipin ni Lola na sobrang dugyot ko dahil sarili kong kwarto ay hindi ko malinis. Pero alam kong di ko rin mapipigilan si Lola kaya hinayaan ko na siya. Nang matapos sa kusina ay nagpaalam na si Lola Herminia para simulang linisin ang kuwarto ko. Nagmadali ako sa pagkain para makatulong kahit papaano dahil baka hindi niya makaya ang alikabok. After few minutes, I go back to my room. I covered my nose when I see dust all over my room. May kapirasong tela naman sa mukha ni Lola Herminia na siyang pantakip niya sa kanyang ilong. Nang humupa ang alikabok ay nilapitan ko siya. "Pasensya na, Lola. Ngayon pa lang po ito malilinis." Kumuha ako ng basahan at nagpunas ng mga naka-display sa kuwarto ko. May mga frame at jars. I am busy wiping out dirt here while Lola Herminia is busy fixing my bed. Hindi ko mapigilang mamangha sa mga nahahawakan ko. I never had a chance to give a glance in every single thing here. I find it boring before. Even though my dad is a collector or antiques, I never had any interest with it. Hindi ako pumapasok sa collector's room niya dahil puro luma ang nakikita ko. Nagtatakha pa nga ako noon kay daddy kung bakit siya nagko-collect ng ganito if we can afford to buy techies. But now, I get it. Iba sa pakiramdam. Maaaring normal na bagay lang ang mga gamit na ito ngayon, but when it comes to my century, it will be valued. Maaaring dahil ang mga gamit na ito ay naging saksi sa pag-usad ng panahon. Mga piping saksi sa mga tunay na nangyari sa ating kasaysayan. ’Cause let's all be honest here, Philippine History is one of the uncleared one. Isang patunay ang iba’t ibang version ng history ng ating bansa dahil maraming haka-haka. At ang mga haka-haka lamang noon, itinuturing na kasaysayan ngayon. Ito siguro ang dahilan kaya nawalan ako ng interes sa history. Iba-iba ang sinasabi ng historians. "Sab..." Naputol lang ang aking isipin nang tawagin ako ni Lola Herminia. Nilingon ko siya at nakita kong tinanggal niya pala ang kumot na pinantatakip ko sa tumba-tumba kaya na-expose ito. Hawak niya sa kaliwang kamay ang school uniform ko at sa kanan naman ay ang school ID ko. Ipinatong ko sa rocking chair na iyon ang mga gamit ko sa 21st century. Hindi ako natakot kahit pa makita iyon ni Lola ’cause I don't think na maiintindihan niya ang mga nakasulat. Naglakad ako papunta kay Lola Herminia. "Batch 2022 to 2023?" hindi makapaniwalang sabi niya nang lapitan ko siya. I was shocked that she was able to read it. "Sab, anong ibig sabihin nito?" tanong ni Lola. I stayed calm and normal. Nginitian ko siya. "Lola Herminia, wala po iyan—" Nagulat ako nang inilayo niya sa akin ang mga gamit ko sa tangka kong pagbawi rito. "Mil otso sientos nuventa’y tres ang taon ngayon. Bakit dos mil bente-dos ang nasa iyong pagkakakilanlan?" Bigla akong nataranta. "Itatabi ko na po iyan, Lola." Binawi ko ang school ID ko kay Lola Herminia. Mabuti na lama g at hinyaan niya akong makuha iyon. Gusto kong makalayo sa mapanuri niyang tingin ka naglakad na ako palabas. "Nagmula ka ba sa ika-dalawampu’t isang siglo?" Nahinto ako sa paglalakad dahil sa tanong niya. Ni hindi nga nagtonong patanong iyon. She asked it, yes. Ngunit mas nanaig ang kasiguraduhan dito. Tila ba kilala niya ako. Agad akong napalingon kay Lola Herminia. "Po?" tanging naisatinig ko. Hoping that she won't ask anything anymore. "Ikaw..." sambit ni Lola Herminia. "Ikaw ang ipinadala ng iyong siglo." Wait... What? What does she mean by that?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD