Kabanata 15

2055 Words
Kabanata 15 Sabrina's POV Hindi ko rin alam kung paano, pero iyon talaga ang nakita ko. Nagsalubong ang mga kilay ni Tonyo dahil sa pagtatakha. "Anong mayroon kay Padre Sixto?" "He's here, Tonyo. Nakita ko siya rito! Nandito siya..." Mas lalong nagsalubong ang kilay niya nang marinig iyon. Hindi ko alam kung paano iyon ipaliliwanag pero totoong nakita ko si Father Sixto na siyang may-ari ng antique shop sa Claro M Recto sa Maynila. "Paano mangyayaring nandito ang isang Prayle mula sa panahon mo?" tanong pa nito pero wala rin akong mahanap na sagot. Kung ang pagpunta ko nga rito ay hirap din akong hanapan ng sagot. "Tonyo, napadpad ako rito nang hindi ko alam kung paano. Maaaring ganoon din si Father Sixto. Hanapin natin siya." Hindi ko alam kung naniniwala ba siya sa akin pero tumango si Tonyo at naghiwalay kami para mas mapabilis ang paghahanap. Nagkasundo kami ni Tonyo na hahanapin ko si Father Sixto sa paligid nitong simbahan ng Quiapo para hindi na siya mahirapang hanapin ako mamaya. Si Tonyo na lamang daw ang maghahanap sa mga kalyeng maaari niyang daanan. Sinuyod ko ang mataong simbahan ngunit walang Father Sixto akong nakita. Pinasok ko na rin ang loob ng simbahan pero hindi ko na ulit siya namataan. Inisa-isa ko ang bawat taong nakakasalubong ko pero wala siya. Ayokong sumuko sa paghahanap dahil dadagdag na naman ito sa aking iisipin. Palaisipan na wala namang kasagutan. Ilang sandali pa ay nasa harapan ko na ang humahangos na si Tonyo. He shook his head and I squint. Parehas kaming hinihingal ni Tonyo at pinagpapawisan dahil sa pagod sa paghahanap. Nasaan na ang paring iyon? Bakit siya nandito? Paano siya napadpad sa panahong ito? Dahil din ba sa orasan? "Sigurado ka bang si Padre Sixto ang nakita mo?" tanong ni Tonyo at tumango ako. "Hindi ako puwedeng magkamali, Tonyo. Siya ang nakita ko." Tumango siya. Mabuti na lamang at naniniwala siya sa akin. "Pareho nating naranasan ang mapadpad ibang panahon. Hindi imposibleng si Padre Sixto nga iyon. Ngunit saan natin siya hahanapin?" tanong niya. Mabuti na lang talaga at nagkakaintindihan kami Tonyo. Kung wala ni isa man lang akong makakausap tungkol sa situwasyon ko ay baka mabaliw na ako dahil hindi ko kakayanin ito nang mag-isa. Minabuti na muna naming umuwi ni Tonyo. It's dusk when I get home. Naabutan ko si Lola Herminia na nag-aayos ng bahay. Nilapitan ko siya para sana tulungan. "Nariyan ka na pala, Sab. Nais mo na bang maghapunan?" I smile at umiling. "Mamaya na po. Hindi pa naman po ako nagugutom. Tutulungan ko na lang po kayo riyan." Pinunasan ko ang ilang kasangkapan na nililinis niya. Napansin kong may baul na nasa tapat ng isang kuwarto. Napasok ko na ang kuwartong iyon na marahil ay storage room. Magulo kasi roon at maraming gamit na inaagiw na. Nagpaalam si Lola Herminia kaninang umaga na lilinisin niya iyon. I told her that it's not needed dahil nakakahiya pero nagpumilit siya kaya pumayag na rin ako. "Hindi ko pinakialaman ang mga nasa baul dahil baka mahahalagang bagay iyan ng inyong pamilya. Inilabas ko lamang upang linisin ang labas ng lalagyan." Ngumiti ako at tumango para sabihing ayos lang. Hindi ko rin naman kasi alam ang laman nun. "Salamat po." Hindi ko alam kung paano sasabihin na wala akong pamilya rito at mas lalong hindi namin pag-aari ang bahay na ito. I just woke up here and sort of owning this house. Paano kaya kung dumating ang may-ari ng bahay at mapalayas kami ni Lola Herminia? We will be homeless at magpapalaboy-laboy sa kalye. No way! Hindi ko na iyon kakayanin. Kanino kami tutuloy? Kina Tonyo? E baka hindi pumayag ang mga magulang niya. Kina Oriang? Bago pa lamang sila nagsisimula ni Andres kaya nakakahiya kung makikisiksik kami. Bahala na nga. Matagal nang walang tumatao sa bahay na ito at hindi naman siguro sila basta-basta na lamang babalik. Saka ko na lamang siguro iyon poproblemahin. Mabilis kaming natapos ni Lola Herminia. Nang ibabalik na niya ang baul sa loob ng storage room ay pinigilan ko siya dahil may naisip akong gawin. "Ako na po, Lola Herminia. Sa kuwarto ko na lang po iyan." I carry it at dinala sa kuwarto ko. May kabigatan din ito kaya pagpasok ko ng kuwarto ay inilapag ko agad at tinulak malapit sa higaan ko. I sit down there at binuksan ang baul. There's a chance that the house owner might have left some traces of who are they. At gusto ko silang makilala. Kaya sorry kung pakikialaman ko ito. Gusto kong malaman ang history ng bahay na ito at kung bakit dito ako nagising. Naubo ako nang alikabok ang bumungad sa akin. Naghintay ako nang ilang sandali bago muling tiningnan ang laman nito. Punong-puno ito ng gamit. May baril, tabak at ilang mga larawan. Una kong kinuha ang baril. I saw Tonyo having this kind of gun and it's a revolver. Ang tabak ay tulad din ng mayroon si Tonyo. And I feel like wanting to own some, too. Mukha namang gumagana pa ang mga ito. Inilapag ko ang baril at tabak sa higaan at sunod kong tiningnan ang mga larawan. It's a portrait of several people. Ang dalawa sa portrait ay may mga edad na. Marahil ay mag-asawa? Samantalang ay isa pa ay larawan ng isang ginoo. I think it's their son? Kinuha ko ang pinakamalaking portrait and it's their family picture. I look again at the young man's picture when I realized that he looks familiar. Parang nakita ko na ang mga matang iyon somewhere. Hindi ko lang maalala kung saan. I tried to recall where did I see him before, but my mind doesn't function well. Siguro ay dahil gutom na ako. Ibinalik ko ang mga larawan sa baul pero kinuha ko ang revolver at tabak. I get the leg holster I see at sinuot. Saka ko sinuksok ang revolver na imposibleng makita dahil sa haba ng saya ko. Ang tabak ay nilagay ko lang sa drawer sa gilid ng higaan ko in case of emergency. I'll ask Tonyo's help to teach me how to shoot. Sanay naman ang katawan ko sa mga training dahil sa mga sports na sinasalihan ko. I know how to ride a carabao and a horse dahil sa malawak naming taniman sa Cavite. Nangangabayo kami sa tuwing naglilibot doon. And I think horseback riding is an advantage here. Lalo pa’t sooner or later ay sisiklab na ang himagsikan. Tumutol si Tonyo sa pagpapaturo ko sa paggamit ng baril. He keeps on saying na hindi naman daw namin kinakailangan na sumali sa digmaan kahit pa kasapi kami ng Katipunan. Ang tungkulin lang daw namin ay magtago ng mahahalagang dokumento ng samahan. Kailangan kami upang hindi mabuko ng grupo at makapag-recruit pa sila nang mas marami para sa mas malakas na himagsikan. Pero sa paglipas ng mga araw at dahil na rin sa pangungulit ko kay Tonyo ay sumuko siya. Sinimulan na rin niya akong turuan ng pagbaril. Mas mabuti na rin daw ’to, at least kaya kong protektahan ang sarili ko. "Natututo ka na sa paghawak ng armas, Sab. Hindi magtatagal ay magiging mas mahusay ka na sa akin," sabi ni Tonyo at naupo kami sa ilalim ng isang puno malapit sa Puno ng Soberanya. We choose to have a training here since hindi naman matao ang lugar na ito. May kuweba rin sa ’di kalayuan na puwede naming tambayan at pagtaguan. Inabutan ako ni Tonyo ng tinapay. Every pain and hardship of my training is all worth it dahil maalam na akong gumamit ng mga armas. Para sa akin, kaming mga Katipunera ay kinakailangan din matutong lumaban. Paano namin maipagtatanggol ang mga sarili namin oras na magkabulgaran? Hindi naman ako papayag na mamatay nang walang laban. Ilang linggo na rin kaming ganito ang takbo ng bawat araw. Pagtapos ng trabaho ay magsasanay. At tuwing gabi ay pupunta naman kami sa nilipatang bahay nina Oriang at ’Ka Andres sa Anyahan. Doon isinasagawa ang panunumpa ng mga gustong sumapi sa Katipunan. Sa bawat gabi na may sumasapi sa Katipunan ay nadaragdagan ang pag-asa nila. Magkatuwang kami ni Oriang sa pagtatago ng mahahalagang dokumento ng Katipunan. At hindi biro ang gawaing ito dahil buhay namin ang magiging kapalit oras na mabuko ang grupo. Tulad ko ay nagsasanay rin si Oriang na makipaglaban. Tinuturuan siya ni Andres. "Alam mo bang sumapi na rin ang kaibigan kong si Emilio sa Katipunan?" mayamaya ay sabi ni Tonyo. "Sa wakas!" I said. Isa sa hinihintay ko ay ang pagsapi ni Emilio Jacinto. Well, dahil isa siya sa iilang bayaning pamilyar sa akin ang pangalan at kanilang role Katipunan. Sila ang may pinakamalalaking ambag sa Katipunan. "Tila alam mo ang tungkol doon? Bahagi ba siya ng kasaysayan?" Tonyo asks. He's obviously curious. "Oo, Tonyo. Malaking bahagi ng kasaysayan si Gat Emilio Jacinto." Hindi ko rin naman siya masyadong kilala. Basic lang ang alam ko tungkol sa kanya. He's the well-known ‘Brains of the Katipunan’. Tumatak din siya bilang isa sa pinaka-naging tapat na Katipunero. Labis siyang pinagkakatiwalaan ni Gat Andres. Nagsilbi rin siyang tagapayo ng Supremo dahil sa kanyang talino. I know these informations ’cause my dad is a fan of him. Lagi raw noon ikinukuwento ng aming mga lolo ang buhay ni Emilio. My Lolo's lolo had an encounter with him Emilio Jacinto. Hanggang magpasa-pasa na sa pamilya namin ang kuwentonh iyon. I never had interest before. Pero ngayon ay gusto kong malaman kung paano sila nagkilala ng ninuno ko. "Hindi na nakakapagtakha dahil tulad ko ay huminto rin siya sa pag-aaral upang ituon ang oras at atensyon sa Katipunan. Isa siya sa pinakabatang Katipunero." He seems so proud of his friend. Nakaka-proud naman kasi talaga sila. They are too young to join the revolution. Ngunit mas pinili nilang itaya ang kanilang buhay kaysa mamuhay bilang isang normal na teenagers. Bukas ang mga mata at pag-iisip ng mga kabataan sa panahong ito. They are aware about everything. Ang mga kabataan sa panahong ito ay armas pandigma ang laging hawak at inaaral. Ano bang alam hawakan ng mga kabataan sa panahon ko? Computers? Smartphones? Makeup kits? I know, I was one of them. I'm as guilty as f**k. At kinakahiya ko rin na kinailangan ko pang mapadpad rito para lang ma-realize na inaabuso na namin ang modernisasyon. We became selfish. Nabuhay ang mga ninuno natin nang walang gadgets, pero sa panahong kinabibilangan ko? Ginawa naming buhay ay social media at internet. Most of the millennials are taking it for granted. But the truth is we can actually live with it. "Tila malalim ang iyong iniisip?" puna ni Tonyo nang matahimik ako. Hangga't maaari, ayokong isipin ang panahon ko kapag si Tonyo ang kasama ko. I smile and shook my head. This realization makes me space out. I feel so guilty. "Halika na," yaya ko. Nauna siyang tumayo at naglahad ng kamay. I took his hand at nagpagpag na ng damit. We started walking home. Sa paglalakad namin ni Tonyo ay nakasalubong namin si Ginoong Emilio at binati niya kami. Parang kanina lang ay pinag-uusapan namin siya. "Tamang-tama, magtutungo sana ako sa iyong tahanan, Sab," sabi niya. Bakit naman kaya? Anong gagawin ng isang Emilio Jacinto sa aking bahay? "Bakit?" it was Tonyo na inunahan pa ako sa pagtatanong. "May ilang dokumento lamang akong nais mahiram. Inutos ni ’Ka Andres," aniya kaya pinatuloy ko siya. Tonyo enters their house just to change clothes. I left Emilio Jacinto in the receiving area to get the documents he needs. Isa-isa kong hinalungkat sa isang baul ang sinabi niya. Marami akong hawak na mga papel kaya medyo natagalan ako sa paghahanap. Nang sa wakas ay makita ko ang kailangan niyang ilang dokumento ay iniabot ko sa kanya ang papel at ilang sandali rin niya iyong binasa. Then he handed it back to me. May mga kinuha lang pala siyang impormasyon. Hindi na niya ito kailangang kuhanin dahil kaya niyang kabisaduhin. He really is that smart. "Magtutungo ba kayo ni Tonyo kina ’Ka Andres? Sabay-sabay na tayo. Doon ako kasalukuyang tumutuloy." Siguro ay kinupkop siya pansamantala ng mag-asawa kaya roon siya tumutuloy. Saktong dating ni Tonyo kaya lumakad na kami papunta kina Oriang at isinabay nga namin si Emilio.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD