Kabanata 14

2095 Words
Kabanata 14 Sabrina's POV ILANG linggo matapos sabihin ni Oriang ang tungkol sa kanilang magiging kasal, sa wakas ay mangyayari na ito. Inihanda ko ang pinakamagandang kasuotan na nakita ko sa kuwarto. Pumasok si Lola Herminia para tulungan ako sa pagbibihis. Medyo kinakailangan ko kasing mag-ayos dahil hindi ito normal na araw lamang. This is one of my closest friends' wedding. At ito ang unang kasal na dadaluhan ko sa panahong ito. "Napakaganda mong dilag, Sab. Sige na, nariyan na si Tonyo sa tanggapan." Tumango ako at lumabas na ng kuwarto. Naabutan ko si Tonyo at napangiti ako sa suot niya. He is wearing a white long sleeve na Y neck ang style. And it suits him. He looks like a complete gentleman. Tumayo siya nang makita ako. Sinalubong niya ako ng ngiti at ganoon din ako sa kanya. "Ayos lang ba 'tong suot ko?" tanong ko nang magkaharap kami. Para sa akin ay ok na ito pero hindi ko alam kung okay ba ito sa paningin ng iba. "Oo naman, Sab. Ubod mo ng rikit." Natawa ako sa sinabi niya. We go to Binondo Church to witness the ceremony. May ilan nang tao sa simbahan na katulad ng suot namin ni Tonyo. Lahat ay pinaghandaan ang araw na ito. Namataan ko si Teodoro Plata at 'Ka Andres. "Isang malugod na pagbati sa inyo ni Oriang, 'Ka Andres. Nawa'y maging matiwasay ang inyong pagsasama," sabi ni Tonyo. I greeted Andres, too. Hanggang sa dumating si Oriang at sinimulan ang misa. Oriang looks really beautiful. Siya ang pinakamagandang babae sa lugar na ito ngayong kasal niya. After the wedding, their happiness were very evident. And I can't help but cry. Nilingon ako ni Tonyo nang magpunas ako ng luha sa pisngi habang naglalakad palabas ng simbahan. "Bakit ka lumuluha?" nag-aalalang tanong niya. "Natutuwa lamang ako, Tonyo." These great heroes truly deserve love and happiness. DAHIL may bahay na siya ni Andres, naging abala si Oriang. Isang linggo na rin kaming hindi nagkikita. I miss her around pero natutuwa rin naman ako na ginagampanan niya ang kanyang tungkulin bilang asawa ni Andres. Hanggang sa isang araw ay puntahan ako ni Tonyo sa bahay at naabutan niya ako sa kusina. "Oh, bakit? May problema ba?" I asked. Wala naman kaming usapan na pupunta siya rito ngayon. Inalala ko rin kung may usapan ba kami na magkikita sa isang lugar pero wala rin naman. "Nagkausap kami ni Oriang, ipinapaabot niya ang isang paanyaya." "Paanyaya?" Kumunot ang noo ko. "Oo. Muli silang ikakasal ni 'Ka Andres. Sa pagkakataong ito ay sa ilalim ng Katipunan. Makadadalo ka ba?" "Oo naman. Wala naman akong trabaho ngayon. Mag-aayos lang ako." It's my dayoff today kaya sakto lang din ang invitation ni Oriang. Iniwan ko saglit si Tonyo sa kusina para mag-ayos at magbihis. Matapos ang ilang minuto ay umalis na kami ni Tonyo. "Saan ba gaganapin?" "Sa tahanan ni Ginoong Restituto." Narating namin ang sinabi ni Tonyo at naabutan ang mga konseho ng Katipunan. Ang lahat ay naghahanda. Sinalubong ako ng yakap ni Oriang pagdating na pagdating namin. "Masaya akong narito kang muli, Sab." Idinaos ang seremonya na isinagawa ni Ginoong Restituto. Katabi ko sina Marina, Trining at Panggoy na mabuti na lamang at naalala ako. Kinailangan nilang ikasal sa ilalim ng Katipunan rites dahil ito ang kasal na kikilalanin ng kanilang samahan at hindi ang sa simbahan. Matapos ang seremonya ay nilapitan kami ni Oriang. Ang kanyang asawang si 'Ka Andres ay kausap ang mga lalaking bisita na halos lahat ay kasapi ng KKK. "Sab, ako'y magiging ganap nang bahagi ng Katipunan." Nagulat ako sa sinabi ni Oriang. For real? How? "Pero lalaki lang ang tinatanggap nila, 'di ba?" "Magbubukas na ang Katipunan para sa mga piling kababaihang nais sumapi. Sina Trining, Panggoy at Marina ay ilan lamang sa mga umanib na." Nilingon ko sila at isa-isa nila akong tinanguan. "Mamaya ay manunumpa rin sila. Nais kitang tanungin, Sab... Nais mo bang sumapi sa Katipunan?" I was caught off guard with her question. Oriang was asking me to be part of the historical group, KKK. What the actual fudge? "O-oo naman. Bakit hindi?" I said at ngumiti sila. Walang pag-aalinlangan akong sumagot. Because I really want to, I just don't know if I'm capable enough. This is crazy! Niyakap ako ni Oriang bilang pasasalamat sa pagsapi ko. Nang sumapit ang gabi ay muling nagkaroon ng salu-salo at ginanap ang paghirang kay Oriang. "Ikaw, Gregoria de Jesus ay ganap nang kasapi ng Kataas-taasan, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan. Ikaw rin ay kikilalanin bilang Lakambini ng Katipunan." "Binabati ka namin, Lakambini." Hell freakin' yes... Gregoria de Jesus was hailed as the 'Lakambini ng Katipunan'. Matapos niyang manumpa ay sumunod naman kami. And yes, I vow to be a faithful member of KKK. At totoong sumusumpang gagawin ang lahat para sa inang bayan. Ako si Sabrina Anya Barrientos, isang ganap na Katipunera. — "Sigurado ka ba sa naging desisyon mo, Sab? Nais mong maging bahagi ng Katipunan?" tanong ni Tonyo kinabukasan matapos kong sumapi sa Katipunan. He still couldn't believe I just did. "Oo, Tonyo. Wala namang masama." Nagkibit balikat ako at tinalikuran na siya. I want him to support me in my decision. Sana ay gawin niya iyonn Kailangan ko pang magtrabaho. Ganoon din si Tonyo dahil sasama siya sa kanyang ama sa pagsasaka. Mabilis lang na lumipas ang maghapon. Bandang alas-tres ay naubos na ang aming paninda. Mabuti na lamang at naging mabili kami. Hindi na minsan inaabot ng padilim na. "Magmula nang magtrabaho ka rito, mabilis nauubos ang aking paninda. Bumibili sila upang sumimoy sa maganda kong tindera." Hindi ko maiwasang matawa sa sinabi ni Aling Miding. Habang nag-aayos ng aming puwesto ay may lumapit sa akin na pamilyar na espanyol. "Anong kailangan mo?" tanong ko nang makilala si Sergio. Ilang beses na rin kaming nagkikita pero ngayon lang siya lumapit sa akin. "Pauwi ka na ba? Nais sana kitang makausap." I raised an eyebrow. Ano naman ang itatanong sa akin ng lalaking ito? Alam kong may utang na loob ako sa kanya dahil isa siya sa dahilan kung bakit malaya akong nakakapaglibot dito. Pero wala akong nakikitang dahilan para kausapin niya ako. Unless babawiin niya ang sedula ko? Pero sorry, wala ako planong isauli. "Pauwi na ako—" "Mabuti kung gayon. May ilan lamang sana akong katanungan." Hindi pa man ako pumapayag ay sinabayan na niya ako sa paglalakad. He's so kulit. Sergio looks young. Matanda lang siguro siya sa akin ng dalawa o tatlong taon. "Ano na naman ba 'yon?" I gave up. I need to entertain him para matapos na ang pangungulit niya sa akin at hindi na humaba pa. Hindi ako komportable sa presensya ng isang kastila. "Nasaan ka noong ika-dalawampu't isa ng Hulyo ng nakaraang taon?" Nahinto ako sa itinanong niya. His accented voice was as if I am in an interrogation. Binalikan ko ang petsang binanggit niya at iyon ang petsang hindi ko malilimutan. Malinaw pa rin iyon sa akin. That was the night I first met Tonyo. But why is he asking me this? At anong isasagot ko? Nasa C.M Recto ako noon, hindi puwedeng iyon ang isagot ko dahil hindi pa naman iyon ang pangalan ng avenue na 'yon dito. If I'm not mistaken, it was Azcarraga since iyon ang sinabi ni Tonyo na nilalakaran niya noon. At iyon din ang nakita ko sa google. "Nasa Azcarraga yata ako noon? Hindi ko na maalala, matagal-tagal na rin kasi." I continue walking to avoid eye contact with him. Naramdaman ko ang muli niyang pagsabay sa akin. "Totoo ba?" "Oo. Bakit mo ba tinatanong?" I can't hide annoyance in my tone. Totoong naiinis na ako sa kanya. Bakit ganito ang mga tanong niya? "Huwag kang magalit, binibini. May mga bagay lamang akong ipinagtatakha." "Tulad ng?" masungit kong tanong. Sa pagdaan namin sa bukid ay natanaw ko si Tonyo. Nahinto siya sa pagtatanim ng palay nang mamataan din niya kami. Naglakad siya para umahon at lapitan kami ni Sergio. I watch as his muddy feet walk towards us. Hinubad niya ang kanyang salakot at binalingan si Sergio. "Maaari bang malaman kung bakit kayo magkasama?" tanong ni Tonyo. I thought he's talking to me but he's talking to Sergio. "May ilang bagay lamang akong itinanong, Tonyo. Mauuna na ako." Tinalikuran na kami ni Sergio kaya naiwan kami ni Tonyo. Sumaglit siya sa ilog at naghugas ng paa. Pauwi na rin pala siya kaya minabuti na naming magsabay. Hinintay ko siya. Bago maglakad ay isinuot niya sa akin ang salakot. "Isuot mo, Sab. Mainit sa daraanan natin." I pouted. "Paano ka?" "Sanay ako sa init, Sab. At nakasisigurado akong hindi sanay ang iyong balat..." We started walking at napangiwi ako sa komento niya sa aking balat. "Ang tagal na nating magkasama ngunit hindi pa pala kita natatanong, may lahi ka bang banyaga? Hindi kayumanggi ang iyong kulay, hindi kulay ng isang indio." Na-conscious tuloy ako sa balat ko kaya tiningnan ko ang braso ko. Ibang-iba nga ang kulay ko kung ikukumpara sa ibang kababayan natin ngayon. "Purong indio ako, Tonyo." Wala kaming ibang lahi. Siguro ay dahil na rin sa siglong kinabibilangan ko. May mga trabahong hindi kailangan magbabad sa initan. We have air conditions there. May mga treatment din at whitening products. I didn't undergo any treatment, though. "Kulay banyaga ka, Sab." Kahit ang mga bago kong nakikilala rito ay iniisip na isa akong mestiza kaya minsan ay nagtatanong sila kung bakit kailangan ko pang magtrabaho sa palengke. But the truth is, I want tan skin. I want to be a morena even noong nasa 21st century pa ako. Lalo na ngayon, mas gusto kong maging kulay indio. Nang madaanan namin ang simbahan ng Quiapo ay kumapal ang mga taong nakakasalubong namin. Kaya minabuti kong kumapit sa braso ni Tonyo para hindi kami magkahiwalay. Napalingon siya sa akin kaya nginitian ko siya. Kinunutan niya ako ng noo at tinanggal ang kamay ko sa kanyang braso. And... I felt offended. Huminto siya at nginitian ako. "Paumanhin, Sab, ngunit nakararamdam ako ng hiya sa mga ganiyan mong kilos. Ayokong—" "Pero sanay naman akong kumakapit sa braso ng mga kaibigan kong lalaki. Hinahalikan ko pa nga sila sa pisngi at—" "Humahalik ka sa pisngi ng iyong mga kaibigang lalaki?" gulat niyang tanong. "Oo—" "Tunay ba?" seryoso niyang tanong at napangiwi ako. Mukha ba akong nagbibiro? Way of greeting kaya iyon. "Oo nga!" Tonyo, the softest Katipunero I know, has now an eye of a devil. The softness of his face was completely gone. Well, guwapo pa rin naman siya pero nakakakilabot ang aura niya ngayon. Parang ibang tao ang kaharap ko. Ngunit hindi rin nagtagal ang mood niyang iyon dahil muli siyang lumambot. "Sab, nais kong isaisip mo na ang paghalik sa panahong ito ay tanda ng pag-iibigan. Ang paghalik sa hindi kasintahan ay isang kahalayan." Natawa ako sa sinabi niya. I'm sorry, I just can't help it. "So, ang paghalik ko sa iyo noong kaarawan mo ay isang kahalayan?" Ibinuka ni Tonyo ang bibig para sana magsalita pero wala siyang naisatinig. "Is that kahalayan?" I tip toed para magpantay ang mga mukha namin. Binunggo ng kanyang noo ang harap ng suot kong salakot kaya napalapat sa lupa ang mga paa ko. Inirapan ko siya sa kanyang ginawa at ngumisi siya. "Wala tayo sa iyong panahon, Sabrina Anya. Nais kong kumilos ka nang naaayon sa panahon ko. Ngunit huwag kang mag-alala, kapag muling nagkagulo ang oras at mapadpad tayo sa siglong kinabibilangan mo, kikilos tayo nang naaayon sa iyong panahon. Halikan mo ako hanggang sa nais mo," aniya habang inaayos ang pagkakasuot ko ng salakot. I was about to hit him ngunit habang inaayos niya ang salakot ay napalingon ako sa pintuan ng Quiapo church. Hinawi ko ang kamay ni Tonyo para mas makita ang namataan ko. Hindi ako maaaring magkamali sa nakita ko. Gising na gising ang diwa ko kaya imposible ring nagha-hallucinate ako. "Anong problema, Sab?" tanong ni Tonyo at nilingon ang tinitingnan ko. Nawala ito nang mapahalo sa dagat ng mga tao. Tinakbo ko ang simbahan para mahanap siya. "Sab!" tawag sa akin ni Tonyo at hinabol ako. Nang marating ko ang puwesto kung saan siya eksaktong nakatayo ay hinanap ko siya sa paligid. Nabubunggo na ako ng mga lumalabas at pumapasok sa simbahan pero nagpatuloy ako sa pagpapalinga-linga. Hindi ko na siya matanaw. "Sab, anong nangyayari?" tanong ni Tonyo nang mahabol ako. Nandito kami sa mismong pintuan ng Quiapo church. "Si Father Sixto," tanging sagot ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD