Kabanata 13

2003 Words
Kabanata 13 Sabrina's POV Tulad ng napag-usapan namin ni Tonyo, maaga pa lang ay nasa bahay na siya. He was this early just to make sure that I won't be gone alone. He really wants to accompany me. I'm kind of feel guilty dahil feeling ko ay nahahati ang oras niya sa akin at sa Katipunan. Huminto siya sa pag-aaral para mag-focus sa KKK, pero heto siya at ako ang inaasikaso. Napakarami na niyang nagawa para sa akin pero parang wala pa akong nagagawa para sa kanya. "Halika na?" yaya ko at lumabas na kami ng bahay. Ang sabi niya ay may kilala siyang may-ari ng tindahan sa palengke at nangangailangan ito ng tindera. Kaya doon niya muna ako dadalhin. Hindi hamak na mas magaan ang trabahong iyon kaysa sa pagkakargador. Pasikat pa lang ang araw pero busy na ang mga tao. Dumaan kami sa malawak na bukirin at may mga magsasaka nang nagtatanim doon. Nahinto kami ni Tonyo sa paglalakad nang makarinig ng sigawan. Isang boses ng lalaking espanyol at isang boses ng babaeng indio ang naririnig namin. Hinila ako ni Tonyo palapit doon at nakita naming yakap ng isang babae ang nakabulagtang lalaki. The woman is crying out loud, shouting a name 'Ramon'. "Diyos ko, ang anak ko!" paulit-ulit na sigaw ng babae. Humakbang ako para lapitan siya pero pinigilan ako ni Tonyo sa braso. Umiling siya sa akin at ipinuwesto ako sa kanyang gilid. Tiningnan niya ang kastilang may hawak na revolver. Nakakuyom ang kabilang kamao ni Tonyo at ang kamay niyang nakahawak sa akin ay nanginginig. Batid kong dahil iyon sa galit at pagkamuhi. "Maawa kayo sa amin—" "Oh my God!" sigaw ko nang makitang barilin ng kastila ang babae. Muli sana akong hahakbang palapit doon pero hinila ulit ako ni Tonyo. I look at him at seryoso siyang nakatingin sa akin. Hindi ko mapigilang lumingon sa paligid. Ang mga tao ay nanood lang nang may takot sa mga mata. Hindi sila nangingialam dahil natatakot na madamay. I look back at Tonyo. "What? Natatakot ka sa kastilang 'yon?" I taunted him at itinuro ang dayuhang naglalakad papalayo na tila walang nangyari. "Hindi, Sab. Kailanma'y hindi ako matatakot sa kanila. Ngunit hindi ako makapapayag na makaranas ka ng pangmamalupit ng mga espanyol. Hayaan mong ako ang unang lumapit." Nilapitan ni Tonyo ang mag-inang biktima. Sumunod ako sa kanya at ang ibang kanina ay nanonood lamang. Wala ng buhay ang babae at ang anak niya. Lumuhod si Tonyo at hinagod ang mukha ng lalaki para pumikit ang mga mata nito. Mulat siyang namatay. Pinanood ko ang mga taong kanina ay takot na takot ngunit ngayon ay awang-awa sa sinapit ng mag-ina. "Hindi lumaban..." sabi ko sa tonong maririnig ng lahat ng narito kaya nabaling ang atensyon nila sa akin. Lumuhod ako sa tabi ni Tonyo at tumunghay sa dalawang bangkay. "Sab," bulong ni Tonyo. "Nakita n'yo na? Hindi sila lumaban pero pinatay pa rin ng mga walang awang espanyol. Lumaban man tayo sa kanila o hindi, papatayin nila tayo. Mas mabuti nang mamatay nang lumalaban." Nilingon ko si Tonyo. Tumango siya at inilahad ang kanyang kamay para isabay sa kanyang pagtayo. "Huwag tayong matakot sa mga dayuhan. Sa atin ang bayang ito. Pag-aari nating mga Tagalog ang bawat lupang kanilang tinatapakan. Iisang lahi lamang ang kinakailangang maghari dito. At hindi sila 'yon," sabi ni Tonyo. Nagkatinginan ang mga tao at napuno ng bulungan ang paligid. "Ngunit wala tayong laban sa kanila. Armado ang kanilang hukbo," sabi ng isang lalaki. "Kung buo ang ating loob, makakaya natin sila. Kinakailangan lamang nating magkaisa. Tatlong daang taon tayong alipin sa ating sariling bayan. Palayain natin ang ating bansa para sa mga susunod na henerasyon. Huwag nating ipadanas sa kanila ang pagmamalupit na ating nararanasan sa kasalukuyan. Ngayon pa lamang ay ilayo na natin sila sa kamay ng mga kastila. Hayaan natin maisilang ang ating mga magiging anak, apo, apo sa tuhod at apo talampakan nang may kalayaan. Putulin na natin ang pananakop ng mga banyaga." Muling napuno ang paligid ng bulungan. Nagkatinginan kami ni Tonyo at tumango ako sa kanya. "Ayoko nang magpaalipin sa mga kastila. Nais kong lumaban para sa magiging anak ko," a man said. There's a pregnant woman beside him and I guess she's his spouse. "Ako rin. Ayoko nang maging sunud-sunuran sa mga mananakop. Sabihin mo kung paanong paraan kami makakatulong." I smiled at Tonyo. Malaking tulong sa Katipunan ang mga nakuhang member ni Tonyo. I am so glad that they are now willing to fight for our rights. Maraming miyembro pa ang kakailanganin pero alam kong marami pa silang makukumbinsi. Alam kong kaya nilang makumbinsi ang iba pang nayon na makiisa sa himagsikan. At handa akong tumulong sa abot ng aking makakaya. SA paglipas ng mga araw at buwan ay naging abala ako sa trabaho kung saan ako ipinasok ni Tonyo. I have a kind boss, Aling Miding. Magaan lang ang trabaho sa palengke. It's February at maging ako ay hindi makapaniwalang pitong buwan na pala akong naninirahan dito. "Sab, ako na riyan. Nandiyan na si Tonyo upang kuhanin ka." Nilingon ko agad ang tinuro niya at nakita ko nga si Tonyo na nakatayo sa tapat. Nagpaalam na ako kay Aling Miding at pinuntahan ko agad si Tonyo. "Kumusta? Anong ginagawa mo rito?" tanong ko. Hindi naman niya ugaling pumunta rito dahil busy rin siya sa Katipunan. Dumadayo sila sa ibang lugar para magtayo ng mga chapter. "Wala naman, Sab. May mga bagay bang nakaplano mong gawin ngayong araw?" Tumaas ang kilay ko. "Hmm... Wala naman. Why? Bakit?" "Nais ko sanang ipasyal ka. Kung nais mo lamang naman at hindi ka pagod sa trabaho?" "Oo Tonyo. Gusto ko ring mamasyal. Isasama ba natin sina Oriang at—" "Nais ko sana ay tayong dalawa lamang..." putol niya sa akin at hindi ako nakaimik. Naiwang nakabuka ang bibig ko at ilang sandali pa bago ko ito naisarado. "Tayong dalawa lamang..." I almost whispered as I slightly nod my head. "Alright, tayong dalawa lamang." Ngumiti si Tonyo at nagsimula na kaming maglakad. "Saan ka galing bago pumunta rito?" tanong ko nang mapansing may mga papel siyang hawak at bag na yari tulad ng banig. "Sa pagpupulong. Napag-usapan ng konseho na palitan si Ginoong Deodato bilang pinuno ng Katipunan. Si Ginoong Roman Basa na ang kasalukuyang pinuno." Tumango ako. I wonder kung pang-ilang pinuno ba si Gat Andres. Sa paglalakad namin ni Tonyo ay maraming kakilala ang nakakasalubong namin. Karamihan sa kanyang mga kaibigan ay nakilala ko na rin. "Magandang hapon sa inyong dalawa. At maligayang bati ngayong kaarawan mo, Tonyo," sabi ni Rosa at nilagpasan na kami. Nilingon ko si Tonyo. "Birthday mo? Kaarawan mo?" I asked at tumawa siya. "Oo, Sab. Bakit?" What? "You should have told me!" sabi ko. "Dapat sinabi mo sa akin para napaghandaan ko." Why didn't I even bother to ask when his birthday is? "Hindi na kailangan, Sab. Hindi naman ako nagdiriwang ng kaarawan. Ayos na sa akin itong pamamasyal. Halika na. Baka abutin pa tayo ng dilim." Nagpatuloy kami sa paglalakad ni Tonyo. I really feel guilty dahil hindi ko man lang napaghandaan ang birthday ni Tonyo. He's always there for me and that was my chance to express how grateful I am to have a friend like him. Tatandaan ko na lang ang araw na ito. February 17, 1893. Kailangan sa susunod na taon ay mapaghandaan ko na ang kanyang kaarawan. Wait—what did I say? Shouldn't I be in the 21st century already by that time? I sounded like I want to stay here for another year just for his birthday. No! Sorry, Tonyo. I won't be able to make it up to you. I'll be back in my original timeline on your next birthday. Sa bayan kami namasyal ni Tonyo. Ang huli naming pinuntahan ay ang burol kung saan niya tinanim ang buto na kanyang nakita. "Unti-unti na itong yumayabong," komento ni Tonyo. "Oo. Ano kaya kung pangalanan natin 'yan?" sabi ko at tumawa siya. "Kung iyan ang iyong nais. Ano ba ang pangalan na iyong naiisip para sa munting punong ito?" tanong niya. Nag-isip ako pero wala pa akong maisip na pangalan. "Wala pa akong maisip, Tonyo. Ikaw? Anong gusto mong ipangalan diyan?" "Ano kaya kung Soberanya? Tatawagin natin itong puno ng Soberanya." Hindi ko napigilan ang mahinang pagtawa. I remember the time he misheard my name. He thought it was Soberanya. "Puwede rin. Sige, simula ngayon, siya na ang Puno ng Soberanya." Nag-apir kami ni Tonyo. Naglabas siya ng isang empty bottle at kapirasong papel. Hinanda rin niya ang tinta at panulat na nasa bag. "Anong gagawin mo?" "May ilang mahahalagang bagay lamang akong nais isulat." Nagsulat siya sa papel at sinilip ko iyon. Akala ko ay iiiwas niya ang papel para hindi ko makita. Ngunit nag-angat lang siya ng tingin at ngumisi sa akin. "Nakasisiguro akong hindi mo ito mauunawaan. Baybayin ito, Sab." I roll my eyes. That's why he lets me peek. He knows I don't understand baybayin. Does he think I'm a dumbass? How dare he? Tonyo enrolled the paper at isinuksok sa maliit na bote. Naghukay siya at tinabunan iyon. Pinanood ko siya sa kanyang ginagawa. I badly want to know what was he wrote. My curiosity is killing me. Sayang! Kung may signal lang sana rito, puwede ko iyong i-google para mabasa. Ang cellphone ko kasi ay useless dahil walang signal. Pero may naisip akong gawin. I get my phone from my saya's pocket at binuhay ito. Pumunta ako sa camera at inihanda iyon. Pumuwesto ako sa tabi ni Tonyo at tinaas ko ang hawak kong cellphone. "Ngiti ka, Tonyo." Hindi ngumiti si Tonyo. "Bilis, ngiti!" Kahit napipilitan ay ngumiti pa rin naman siya. "Happy birthday..." Kasabay ng pag-capture ko ay ang paghalik ko sa pisngi ni Tonyo. When I look at the shot, his eyes were wide open. Natatawa akong lumingon sa kanya na bakas pa rin ang pagkabigla. What? Ngayon lang ba siya nahalikan ng isang babae? Parang na-harrass ko siya. At mas lalo akong natawa. Namumula ang magkabilang pisngi ni Tonyo at hindi niya ako matingnan. Habang naglalakad pauwi ay hindi tumigil si Tonyo sa pangangaral sa akin. Hindi raw dapat ako humahalik sa lalaki. Huwag ko na raw iyon uulitin. Mas lalo pa siyang nagalit dahil tawa lang ang sinasagot ko sa kanya. NAGING mabilis ang paglipas ng bawat araw. Ngayon ay araw ng aking pahinga. And I'm expecting Oriang today. Nagkaroon kami ng usapan na magkikita kami at magkukwentuhan dahil may ilang araw na rin kaming hindi nakakapag-usap. I miss sharing stories and girly stuff with her. "Sab?" Narinig ko ang katok sa ibaba kaya pinagbuksan ko agad siya. I let her in at sa kusina kami dumiretso. "Ang saya mo yata?" puna ko. She's smiling from ear to ear and it's kinda scary. I grasp the glass of water and drink it. "Sab, ikakasal na kami ni Andres." Halos maibuga ko ang iniinom ko dahil sa sinabi ni Oriang. Ngumiti siya at hinawakan ako sa kamay. "Ikakasal na kami. At nais kong naroon ka..." Napatulala ako kay Oriang. I waited for her to say it's a joke pero hindi nangyari. Tuwang -tuwa siya at totoo ang tuwang iyon. Ikakasala na nga talaga sila. "Totoo ba 'yan? Anong sabi ni Ginoong Nicolas?" tanong ko. Hindi ako makapaniwala dahil parang kailan lamg at tutol na tutol pa rin ang kanyang ama. "Nakuha na namin ang pagpayag ng aking ama. Batid niyang hindi kami magpapapigil ni Andres." Hindi ko alam kung may nagawa ba ako para mangyari ito o sadyang bahagi ito ng kasaysayan. Bakit ba hindi ako nag-focus sa history class dati. I'm so clueless about this one. Ilang beses kong tinulungan sina Andres at Oriang na magkita. Baka may nagulo ako sa kasaysayan. Wala naman sana. Naging mag-asawa ba talaga sina Andres Bonifacio at Gregoria de Jesus? I hope they were. 'Cause if not, napakalaking conflict nito sa history.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD