Kabanata 12

2209 Words
Kabanata 12 Sabrina's POV Maaga akong nag-abang kay Tonyo dahil nangako siyang sasamahan akong maghanap ng pagkakakitaan. Pero tumitindi na ang sikat ng araw ay wala pa rin siya. He told me not to leave this house hangga’t hindi siya dumarating. Pero kung hihintayin ko siya ay hindi na ako makakahanap ng trabaho. Ilang minuto pa ang lumipas nang mapagpasyahan kong umalis na kahit wala si Tonyo. Sa pagtanaw ko sa aking nilalakaran ay nakita ko kung gaano kahirap ang situwasyon ng mga ninuno natin. Banat ang kanilang mga buto. Ganito kahirap kumita ng pera noon. Nakahilera sa daan ang mga nagtitinda ng kung anu-ano. "Magandang umaga," bati ko sa babaeng nagtitinda ng gulay. "Magandang umaga rin naman." "Baka po nangangailangan kayo ng tindera. Puwede akong mamasukan." Kahit anong trabaho ay papasukin ko na. Kaysa naman mamatay sa gutom. "Paumanhin sa iyo ngunit hindi ako nangangailangan ng tao." Nabigo ako sa sinabi niya. Nagpatuloy na lamang ako sa paghahanap ng mapapasukan. Malayo-layo na rin ang aking nilalakad nang makita ko ang isang gusali. "Magandang umaga po. Baka po nangangailangan kayo ng tauhan?" Abot-abot ang panalangin ko na sana ay hiring sila. Pero umiling ang lalaking napagtanungan ko. "Hindi kami nangangailangan ng babae. Lalaki ang hinahanap namin," masungit na sabi ng lalaki. "Pero kaya ko naman pong gawin ang gawain ng lalaki—" "Hindi nga kami nangangailangan ng babae. Doon sa daungan, may ilang babae akong nakikitang nagtatrabaho roon bilang kargador." Tinalikuran ako ng lalaki at nag-alangan sa sinabi niya. Kargador? Magtatrabaho ako bilang kargador? Kung wala akong ibang mahahanap na pagkakakitaan, wala akong magagawa kundi ang maging kargador sa piyer. Huminga ako nang malalim at sinundan ang daan na itinuro kanina ng lalaki. I'm into sports. Siguro naman ay kaya ng stamina at katawan ko ang gawain sa piyer. Narating ko ang daungan na sinabi ng lalaki. Maraming lalaking kargador pero may ilan ding babae. At first, pinanood ko muna sila. It is really a tough job. Ang iba sa kanila ay matatanda na. "Anong kailangan mo?" an accented voice asked me. Nilingon ko siya at hinarap ang kastilang nagbabantay rito. "Nais kong magtrabaho bilang tagabuhat," sabi ko at hinagod niya ako ng tingin. "Sigurado ka?" Tumango ako at ganoon din siya. "Walang kaso. Ngunit ang kabuuan ng kikitain mo ay kailangang hatiin." Napakunot ang noo ko. "Kailangang hatiin? Bakit?" "Ang kalahati ay sa iyo, ang kalahati ay sa akin." What? He can't be serious. Pinanood ko ang mga taong may mabibigat na bitbit. Ganito ang pamamalakad rito? Nakikihati sila sa pinagpaguran at pinagpawisan ng mga kargador samantalang sila ay nagpapalakad-lakad lang? "Kung ayaw mo—" "Sige, hahatian kita." Ngumisi siya at tumango. "Patingin muna ng iyong sedula, pagtapos ay maaari ka nang magsimula." Iniabot ko sa kanya ang sedula ko. Wala na akong magagawa kundi ang sumunod. Wala na talaga akong panggastos kaya kailangan ko na itong pagtiyagaan. Siguro naman sa mga susunod na araw ay makakahanap ako ng maayos-ayos na trabaho. Matapos i-check ang sedula ko ay ibinalik ito sa akin ng kastila at iniwan ako. "Ano pong tinitingnan ninyo?" tanong ko sa isa sa mga nakatanaw sa dagat. "Ang barkong dadaong dito. Narinig kong nais mong magbuhat? Maghanda ka at sasalubungin natin ang mga pasahero, pati na rin ang mga manlalakbay at kanilang mga bagahe." Dahil sa sinabi niya ay naghanda ako. Ilang minuto lang din ay dumaong ang barko na galing pang Cuba. Mabilis akong lumapit sa isang kabababa lang na pasahero. Hindi pa man ako nagsasalita ay iniabot na niya sa akin ang kanyang bagahe. Doon ko lang na-realize na ibang-iba ang kanilang pananamit. Ang ginoong kaharap ko ay naka-coat. May hawak itong baston. Kung tawagin ni Tonyo ang ganitong uri ng tao ay ilustrado. Ibang-iba sa pananamit naming mga indio. Noon pa man pala talaga ay may discrimination na. Binitbit ko ang may kabigatang bagahe ng ginoo hanggang sa makahanap siya ng masasakyang kalesa. Inabutan niya ako ng barya. "Maraming salamat," I said. Bumalik ako sa piyer at marami pa rin ang pasaherong nangangailangan ng tulong para sa pagbubuhat. Ilang beses akong nagpabalik-balik sa piyer at nagbuhat ng mabibigat na bagahe. Hindi ko lubos maisip na mararanasan ko ang ganitong uri ng pamumuhay. Even though we have maids in 21st century, gumagawa pa rin naman ako ng mga gawaing bahay. Pero magaan lang na trabaho ’yon, hindi tulad nito. Nang maubos ang pasahero ay saka ko lamang naramdaman ang pagod. I stretch my neck and arms and I heard a crisp. Parang babagsak ang katawan ko sa sobrang pagod. Nabigla yata sa dami at bigat ng mga binuhat ko. I wipe my sweat at dumukot sa bulsa ng saya ko. Barya lamang ang aking kinita at kailangan ko pang hatian ang kastilang nakausap ko kanina. Pagod na pagod akong naupo kasama ang ilang kargador. Nag-abot na kami ng lagay sa mga kastila kaya nagbibilang na sila ng kanilang maiuuwing pera. "Kumusta ang iyong kita ngayong unang araw?" tanong ng babaeng nakausap ko kanina. "Ayos naman po. Pandagdag din ’to sa panggastos." Tumango ang babae at tumayo na. "Mauuna na ako. Hindi pa kumakain ang aking mga anak." Matapos magpaalam sa mga kasama ay umalis din siya agad. Isa-isa na silang nag-uuwian samantalang nanatili ako sa pagkakaupo. Hindi mawala sa isip ko ang mga nakita kong pagod sa kanilang mga mukha. Ngunit kahit na ganoon ay nakukuha pa rin nilang ngumiti at magpasalamat sa mga baryang kinita. Few minutes later, I decided to go home. Papalubog na ang araw nang matanaw ko ang bahay. Tila hinihila na ako nito para magpahinga. Namataan ko si Tonyo sa tapat ng pintuan. He is pacing back and forth. Bakas sa mukha niya ang pagkainip at pag-aalala. Nahinto lang siya sa kakapabalik-balik ng kakalad sa tapat ng pintuan nang maramdaman niyang papalapit ako. Bumuntong hininga siya at inilang hakbang ang pagitan namin. "Sabrina Anya, saan ka ba nagtungo? Nilibot ko na ang bawat sulok ng Azcarraga ngunit hindi kita mahanap." Natulala ako kay Tonyo dahil sa tanong niya. Doon ko lang na-realize na kaninang umaga pa pala ako umalis. At wala rin akong kain ng tanghalian. Napahawak ako sa tiyan ko nang makaramdam ng gutom. "Mamaya na ako magkukuwento, Tonyo. May makakain ba sa bahay ko?" tanong ko. "Oo. Nang hindi kita mahanap ay naisipan kong bumili ng pagkain upang may makain ka sa iyong pag-uwi. Bakas sa iyong mukha ang labis na pagod. Halika na sa loob, ipaghahain kita." Pinauna ako ni Tonyo sa paglalakad at sumunod naman siya. Pagdating sa kusina ay pinaghain nga ako ni Tonyo. Pinanood niya lang naman ako sa pagsubo. Nasa kalagitnaan na ako ng pagkain nang magawa kong magsalita. "Nagtrabaho ako, Tonyo. Nagbuhat ako sa daungan." Nanlaki ang mga mata ni Tonyo sa sinabi ko. Nilapitan niya ako at nahinto sa pagkain. "Bakit?" tanong ko. "Totoo ba? Ngunit batid kong hindi ka sanay sa ganoong klase ng gawain. Kumusta ang iyong lagay? Masakit ba ang iyong katawan?" Tumawa ako at tumango. I slightly shove him so I could continue eating. Masyado kasi siyang malapit sa akin. Bumalik siya sa kaninang kinauupuan niya. "Masakit nga ang katawan ko, Tonyo, pero keri—kaya ko namang tiisin. Wala na akong pagpipilin kaya nagtiyaga na ako roon. Bakit kasi wala ka kanina? Sabi mo ay sasamahan mo akong maghanap ng pagkakakitaan?" "Paumanhin, Sab, kinailangan ko lamang samahan si ’Ka Deodato sa pag-aayos ng mga bagay-bagay tungkol sa pagpapalawig ng Katipunan. Kulang na kulang pa kami sa bilang." I can see desperation in him. Hindi ko alam kung paano makakatulong sa kanila. "Ganoon ba? Wala na bang gustong sumapi?" I asked. "Natatakot pa ang iba na kalabanin ang mga espanyol. Ngunit alam namin na darating ang araw na mapapapayag namin silang sumapi sa Katipunan." "Sana nga, Tonyo. Pero tumutulong ka pala sa kanila kanina, bakit ngayon ay nandito ka?" tanong ko. "May gamit akong hindi nadala kaya binalikan ko. Naabutan ko si Lola Herminia na nag-aayos sa inyong bakuran. Nang tinanong kita, ang sabi niya ay maaga mo raw umalis. Kaya nagpaalam ako kay ’Ka Deodato na sa gabi na lamang ako tutulong upang hanapin ka." Nakonsensya ako sa sinabi niya. Parang kasalanan ko pa na hindi siya nakatulong sa Katipunan. "Babalik ka pa ba roon?" tanong ko. "Oo. Naipangako ko sa kanila na magtutungo ako roon oras na mahanap kita." Sinubo ko ang natitirang pagkain at nagmadali. "Para makabawi naman ako sa iyo, sasamahan kita roon." Mabilis na umiling si Tonyo sa suggestion ko. "Hindi na kailangan, Sab. Magpahinga ka na lamang dito. Batid kong pagod ka at—" "No, I insist. Sasamahan kita, Tonyo. Magpapalit lang ako ng damit." Tumakbo ako paakyat sa kuwarto at nagpalit ng damit. Pagbaba ko ay nag-aabang na si Tonyo sa pintuan. "Tara na?" "Sadya ngang matitigas ang ulo ng kabataan sa ika-dalawampu't isang siglo." Naiiling niyang sabi pero pinagbuksan pa rin naman ako ng pinto. Naglakad kami papunta sa kanilang headquarter. Mukhang isang malaking pagpupulong ang magaganap dahil sa naabutan namin. Maraming kalalakihan ang mga nag-aabang. Namataan ko sa isang table sina Andres, Teodoro, Ladislao at Valentin. Doon kami dumiretso ni Tonyo. "Takipsilim na, bakit isinama mo pa ang dilag?" tanong ni ’Ka Andres. Nagkamot ng batok si Tonyo. Sana ay hindi niya sabihin na nagpumilit ako. Baka isipin nila na matigas ang ulo ko. Which is matigas naman talaga. "Kung maaari’y paupuin ko muna siya sa isang tabi hanggang sa matapos ang pagpupulong?" Tumango si ’Ka Andres at itinuro ang bakanteng upuan sa ’di kalayuan. Dinala ako roon ni Tonyo na nagpaalam din para makisama sa table nina ’Ka Andres. "Magandang gabi," bati sa akin ng isang babae. Bukod sa akin, siya lang ang makikitang babae. "Magandang gabi." "Nakita kong kasama ka ni Tonyo. Ako nga pala si Panggoy. Ano ang iyong ngalan?" tanong niya kaya nginitian ko siya. "Sabrina Anya, Sab na lamang," I said. "May kakilala ka ba sa mga Katipunero?" tanong ko. "Alam mo ang tungkol sa Katipunan?" Halos makalimutan kong iilan nga lang pala ang nakakaalam dito. Bumuntong hininga siya. "Nais ko sanang sumapi ngunit kalalakihan lamang ang kanilang tinatanggap," bigo nitong sabi. She really wants to join the revolution? Are women this century capable of being armed? I admire this girl's bravery. Dumating ang isang lalaki na siya yatang kanina pang hinihintay. Pumuwesto siya sa unahan para simulan ang meeting. "Kilala mo ba iyan?" tanong ni Panggoy at umiling ako. "Siya ang may-ari nitong bahay. Siya ang kasalukuyang tumatayong pinuno ng Katipunan—si Ginoong Deodato Arellano." Tumango ako kahit nahihiya. Ilang beses na akong nakakapunta rito pero ngayon ko lang nakilala ang may-ari. Pero hindi pala si Supremo Andres ang unang pinuno ng Katipunan? Magkasama kaming nakinig ni Panggoy sa meeting na umikot sa kung paano mapapalago ang iilang miyembro ng Katipunan. Ngunit nagpaalam na rin siya agad kaya naiwan akong mag-isa. Binalikan ako ni Tonyo nang isa-isa nang naglalabasan ang mga katipunero. "Si Panggoy ba ang iyong kausap kanina?" tanong ni Tonyo. Sa labas ng bahay ay nakita kong nakatayo sina ’Ka Andres. Hindi pa yata sila tapos sa usapang Katipunan ng kanyang mga kaibigan. "Oo. Kilala mo siya?" "Kapatid siya ni Ginoong Rizal. Ang kanyang totoong ngalan ay Josefa." Nanlaki ang mga mata ko. Nakaharap ko ang kapatid ni Dr. Jose Rizal? Kaya pala ganoon na lamang ang tapang niyang sumapi sa Katipunan dahil nasa dugo niya ang pagiging bayani. "Sa tingin ba ninyo ay nagagawa ni ’Ka Deodato ang kanyang tungkulin? Walang pag-usad ang bilang ng ating mga kasapi." Ilang dipa ang layo namin mula sa kanila ngunit narinig ko ang boses ni Ladislao. "Bigyan natin siya ng panahon. Hindi biro ang magpalawig ng pangkat." Tumango sila sa sinabi ni Andres. "Ano ang iyong sunod na hakbang?" tanong ni Teodoro. "Ipagpapatuloy ko ang pagkumbinsi kay Ginoong Rizal na sumapi sa Katipunan." Nagpatuloy ako sa pakikinig sa kanilang usapan. Kinunutan ako ng noo ni Tonyo nang mahalata ang pakikiusyoso ko. "Ngunit alam na natin ang magiging sagot ni Rizal. Ang nais niya ay isang payapang himagsikan. Malayo sa binabalak nating madugong pag-aalsa." Tonyo pulls me away so that I couldn't eavesdrop anymore. Nagsimula kaming maglakad pabalik sa bahay. "Ayaw sumapi ni Rizal sa Katipunan?" I ask while walking. "Naniniwala si Ginoong Rizal na kayang mapalaya ang Pilipinas sa isang mapayapang pag-aalsa. Alam mo ba ang tungkol sa La Liga Filipina? Nabuo ang Katipunan nang maisiwalat ang La Liga. Ipinagpatuloy ni ’Ka Andoy ang adhikain ni Rizal ngunit sa madugong paraan. Hindi kasi kuntento si ’Ka Andoy sa repormang iminumungkahi ni Rizal. Ang nais ni ’Ka Andoy ay mapasakamay ng mga Tagalog ang bawat lupa ng bayang ito." "Mukhang hindi susukuan ni ’Ka Andoy si Rizal." "Tama ka riyan, Sab. Naniniwala kaming malaki ang maiiambag ni Rizal sa pangkat. Paano, bukas na lamang ulit? Sasamahan kitang maghanap ng mas maayos na pagkakakitaan." Tumango ako at pumasok na sa bahay. "Salamat, Tonyo. Good night..." paalam ko. "Good...night." Natawa ako nang mag-good night din siya. That's how I say goodbye to him at nakasanayan na niya. Isinarado ko na ang pinto. I badly need to rest. Let's call it a day. —
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD