Kabanata 11

2072 Words
Kabanata 11 Sabrina's POV Andres' birthday went smooth. Matapos naming mag-usap ni Tonyo ay sakto namang dumating si Oriang dahil tapos na rin sila mag-usap ni Andres. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin malimutan ang katapangan na sinabi ni Tonyo. At the very young age, he's willing to risk his life for our freedom. People in this century are so selfless. Nakakahanga. Naghiwalay kami ni Oriang noong pauwi na kami. Napauntong hininga na lamang ako. I checked my coin purse. Halos wala na itong laman. Naubos ko na yata ang perang naabutan ko noon sa bahay na ito. "May problema ba?" tanong ni Lola Herminia nang maabutan akong nakatayo sa may mesa. Magluluto sana ako ng hapunan pero wala na pala kaming gulay. "Napag-isip-isip ko lang po, Lola, na kailangan ko nang maghanapbuhay." Na-i-imagine ko ang mukha nina Riri at Cleo kung naririnig nila ang sinabi kong magtatrabaho ako. "Sandali, heto..." Dumukot si Lola Herminia sa bulsa ng kanyang saya at inabutan ako ng barya. "’Yan lamang ang mga naitago kong salapi. Paumanhin, Sab, ’yan lamang ang maiaambag ko." "Naku, Lola, hindi na po. Sa inyo po iyan. Gamitin na lamang po ninyo sa mga pansariling pangangailangan—" "Ayos lamang. Tanggapin mo na." Kinuha ni Lola Herminia ang kamay ko at inilagay ang pera. Nahihiya akong ngumiti at nagpasalamat. Bukas na bukas ay pupuntahan ko si Tonyo para magpatulong na maghanap ng trabaho. Siguro naman ay may tatanggap sa akin. ’Yon nga lamang ay baka mangailangan sila ng documents. Wala akong mapapakita. Bahala na. Gagawan ko na lang ng paraan. Baka si Sergio ay matutulungan ako. Napagdesisyunan kong bumili ng masarap-sarap na hapunan. Habang nasa palengke ay may lalaki akong nakabunggo. Nang mag-angat ako ng tingin ay namataan ko si Teodoro Plata. "Magandang hapon, Sab," bati niya. May bitbit siyang bayong at sa tingin ko’y namimili rin siya. "Magandang hapon, Ginoong Teodoro," ganting bati ko. "Tila may hinahanap ka?" tanong niya. Hindi ko masabing hinahanap ko si Tonyo. He might be with him, but no sign of Tonyo. Gusto kong magbaka-sakali na itanong ang tungkol sa orasan ngunit batid kong hindi papayag si Tonyo. Kaya sasamantalahin ko ang pagkakataong ito na wala siya. "Maaari ba akong makisabay sa paglalakad pauwi?" tanong ko. "Oo naman, Sab. Halika, pauwi na rin naman ako. Upang masiguro na rin na ligtas ka sa daan." Nang makalayo-layo sa mataong palengke ay saka ako naglakas loob na kausapin si Teodoro. "Ginoo, maaari bang magtanong?" panimula ko habang patuloy kami sa paglalakad. "Ano ba ang iyong katanungan?" tanong niya. Go, Sabrina Anya. It's now or never. "Mayroon ka bang orasan sa inyong tahanan?" tanong ko na ikinakunot ng noo niya. Alam kong weird kung bakit ko iyon naitanong. Like what the fudge? Anong pakialam ko sa orasan nila? "Mayroon, Sab." Kahit naguguluhan ay nagawa pa rin niyang sumagot. "May bago kaming orasan. Bakit mo naitanong?" he asks. "Bago? E luma po, mayroon?" Mas lalong nangunot ang noo ni Teodoro Plata. Hindi ko rin naman siya masisisi. Pero hindi ko na kasi talaga mapigilan ang magtanong. Gusto ko nang malaman ang kinaroroonan ng orasan. "Mayroon kaming lumang orasan ngunit ipinagbili ko." Nagulat ako sa sinabi niya. Mas lalo na akong nawalan ng pag-asa na makitang muli ang orasan. "Kanino po?" "Sa isang matandang pari. Hindi ko pag-aari yaon. Binili lamang daw ng aking ama ang orasan na ’yon sa isang babae noong siya ay binata pa. Bakit mo itinatanong ang bagay na ito, munting binibini?" pabiro niyang tanong ngunit halatang nagtatakha na rin siya. Natatanaw ko na ang bahay ko kaya kinakailangan ko nang makakuha ng sagot—o kahit clue man lang mula kay Teodoro. "Gusto ko lang pong malaman. Paumanhin kung kayo ay naguguluhan sa akin. Ngunit maaari po bang malaman kung sinong pari ang bumili?" Madali na sigurong hanapin ang pinagbentahan kung malalaman ko ang pangalan niya. "Paumanhin, ngunit hindi ko siya kakilala. Nagmamadali siya noong araw na ipagbili ko sa kanya ang orasan. Batid kong taga-ibang nayon siya sapagkat noon ko lamang siya nakita." Biglang naglaho ang kaunting pag-asa ko na makita ang orasan dahil sa sinabi niya. Kaninong pari niya kaya iyon binenta? "Bakit po ninyo naisipang ibenta?" usisa ko pa. "Sira na iyon, binibini. Mabuti nga at may bumili pa," aniya. Sira na iyon? Pero paano nangyaring ayos siya noong naipanalo ni daddy sa auction? Ang dami ko pang gustong itanong kay Teodoro Plata pero narating na namin ang bahay ko. Sa tapat ng pinto ay nakatayo si Tonyo. Sa tingin pa lamang niya ay alam kong alam na niya kung bakit kami magkasama ni Teodoro Plata. At alam kong tutol siya. "Ikaw pala, Tonyo. Nagkita kami ni Binibining Sab sa pamilihan. Minabuti kong ihatid na siya pauwi upang masiguro ang kanyang kaligtasan," sabi ni Teodoro at tumango si Tonyo. "Salamat, ’Ka Teodoro." "Walang anuman. Mauuna na rin ako, inihatid ko lamang ang binibini." Tumango kami ni Tonyo at tinalikuran na niya. Nang tuluyang mawala si Teodoro sa aming harapan ay saka ako hinarap ni Tonyo. He was about to open his mouth to surely preach me but I raise my hand to stop him. Naudlot ang dapat sana’y pagsasalita niya. "Ipinagbili na raw niya ang orasan," bigong sabi ko bilang pag-amin sa hinala niyang nag-usisa nga ako tungkol sa orasan. "Hindi ba siya naghinala kung bakit ka nagtatanong tungkol sa orasan?" nag-aalalang tanong niya pero umiling ako. "Marahil ay kaunti. Tonyo, anong gagawin ko? Mas lalong lumiit ang pag-asang makabalik ako panahon ko." "Huwag kang mabahala, Sab, hahanapin natin kung kanino ipinagbili ni ’Ka Teodoro ang orasan. May nabanggit ba siya kung kanino?" tanong ni Tonyo nang makapasok kami sa bahay. "Hindi niya alam ang pangalan pero sa isang pari daw?" Naglakad kami papunta sa kusina at inayos ang mga pinamili ko. Tumango si Tonyo at naupo sa may mesa. "Kung gayon ay kailangan nating mahanap ang paring yaon. Bukas na bukas, sisimulan natin ang paghahanap," sabi niya pero umiling ako. May iba akong plano bukas kaya imposible ’yon. "Hindi ako puwede bukas, Tonyo. Maghahanap ako ng pagkakakitaan. Nauubos na ang panggastos ko." Biglang nag-alangan si Tonyo sa sinabi ko. Alam kong wala siyang tiwala kung makakayanan ko ba ang magtrabaho sa panahong ito. Pero wala rin naman akong ibang pagpipilian. Kailangan kong magtrabaho para makaraos. "Nakasisiguro ka ba riyan, Sab? Naranasan ko ang maghanapbuhay sa panahon ninyo kina Padre Sixto. Madali at magaan lamang ang trabaho roon. May mga kasangkapang nagpapadali ng gawain. Hindi tulad rito sa panahong ito." "Alam ko naman ’yon, Tonyo. Pero kailangan kong kumita ng pera para may panggastos dito. Huwag kang mag-alala, kaya ko naman siguro." "Kung iyan ang iyong nais. Ihahanap kita ng mapapasukan." Napangiti ako sa sinabi ni Tonyo. "Maraming salamat, Tonyo. Kahit hindi kita pinaniwalaan noong nasa panahon kita—worse, pinagtawanan kita, hindi mo pa rin ako pinabayaan sa panahon mo." I said sincerely. Totoong sobra ang pagpapasalamat ko sa kanya. "Walang anuman, Sab. Sino pa ba ang magtutulungan kundi tayong iisa ang sinapit. Ngunit sa tingin mo ba ay hindi lamang sa atin ito nangyari?" biglang naitanong niya na nakapagpa-isip din sa akin. Posible nga kaya? Posible nga kayang may iba ring nanggaling sa ibang panahon? "Hindi malabong mangyari iyon. Anong malay natin, may nakakasalubong na pala tayong galing sa panahon ko." Who knows? Hindi lang ako ang galing sa 21st century. "Sandali, kailangan mo ba ng tulong?" mayamaya ay tanong ni Tonyo. "Hindi na." "Maaari ka bang magsalaysay ng tungkol sa inyong panahon? Nais kong malaman kung anong uri at paraan ng pamumuhay ang mayroon doon. Hindi kasi ako nakapamasyal noong ako’y nasa ika-dalawampu’t isang siglo." "Halos wala namang pinagkaiba, Tonyo. Talamak din ang krimen at p*****n sa panahon namin. Mas malala nga lamang dahil kapuwa Pilipino ang naglalaban-laban." Seryoso akong tiningnan ni Tonyo na may bahid ng disappointment. Nakakaramdam tuloy ako ng kahihiyan dahil sa mga kapuwa ko Pilipino. Ipinaglaban ng mga bayaning ito ang kalayaan at kapayapaan ng bansa para sa mga susunod na henerasyon ngunit kami rin ang sumisira. Maybe this is the reason why I'm not comfortable to meet heroes here. Wala akong mukhang maiharap sa kanila dahil sa pagkakawala ng saysay ng mga buhay na kanilang inalay. "Ako na ang humihingi ng tawad para sa aking henerasyon." "Wala naman na kaming magagawa sa suliraning iyan, Sab. Ngunit sana ay hindi mabalewala ang bawat dugong pumatak at bawat buhay na ibinuwis. Nagtitiwala akong may mga kabataan pa rin sa inyong panahon ang magbibigay halaga sa makulay na kasaysayan ng ating bayan." I smiled at tumango. "Sana nga, Tonyo. Sisimulan ko sa aking sarili oras na makabalik ako twenty first century." "Sana ay magsilbing ehemplo ang Katipunan sa pagkakaisa ng bawat indio. Walang mabuting maidudulot kung kayo-kayo rin ang maghaharap-harap." I would take that words from a hero. I nodded at iyon talaga ang tatandaan ko. "Sandali, nandiyan ba ang mga magulang mo? Gusto mo bang dito na maghapunan?" mayamaya ay pag-iiba ko sa usapan. "Tila kakailanganin ko ngang maghapunan dito. Wala ang aking ama’t ina, nasa kalookan." Dahil sa sinabi ni Tonyo ay minabuti kong dagdagan ang aking inihahanda. "Ganiyan din ba ang mga inihahain sa inyong panahon, binibini?" Hindi ko maiwasang matawa. It feels good to be called as ‘Binibini’. "’Yong iba. Sa susunod na araw, ipagluluto kita ng paborito kong spare ribs." Ngumiti si Tonyo at dumampot ng sitaw. Tinulungan niya akong putul-putolin ito. "Unti-unti ka nang nasasanay sa panahong ito, Sab. Maaaring dumating ang araw na hindi mo na naisin pang bumalik sa inyong panahon," biro ni Tonyo kaya inirapan ko siya. "Boring dito, Tonyo," pabulong kong biro na tila ba may makakarinig at ma-o-offend. Kumunot ang noo niya. "Nakakabagot." "Ganoon ba? Paumanhin, Sab, malayo talaga ito sa iyong buhay na nakagisnan. Ngunit ganito talaga rito, payak ang aming pamumuhay." "Nagbibiro lang ako, Tonyo. Masyado kang seryoso." Humalakhak ako nang malakas na ikinagulat ni Tonyo. Natatawa siyang umiling. "Ganiyan tumawa ang mga kabataang pinahihintulutang pumasok ni Padre Sixto sa tindahan ng mga lumang kagamitan sa inyong panahon. Tila nakakabagabag kung tatawa ka ng ganiyan dito." Mas lalo akong natawa sa sinabi niya. "Sab, tunay ang aking sinasabi. Iisipin ng iba na ikaw ay nahihibang oras na marinig ang ganiyang pagtawa." Tinikom ko ang aking bibig at pinigilan ang pagtawa. "Dapat ba ay ganito?" Tinakpan ko ang aking bibig ng palad ko at marahang tumawa. I don't know why but Tonyo stared at me like I was some kind of an art. I batted my lashes while still laughing demurely. Kumurap-kurap si Tonyo at tumikhim. "Ganiyan dapat, Sab." Nagpatuloy siya sa pagpuputol ng sitaw at hindi na muling nagsalita pa. Pinagtulungan namin ni Tonyo ang pagluluto ng hapunan. Sa hapag ay nakasalo namin si Lola Herminia. "Kay sarap ng iyong niluto, Sab," komento ni Lola Herminia. "Halos si Tonyo po ang nagluto, Lola Herminia." Wala pa ako gaanong alam na lutuin kaya ang ending ay si Tonyo ang nagluto. Taga-abot lamang ako ng ingredients at gamit. "Ganoon ba? Nakatutuwa ka naman, Tonyo. Napakapalad ni Sab kung ikaw ang kanyang makakaisang dibdib." Sabay kaming nasamid ni Tonyo sa sinabi ni Lola Herminia. Sanay naman akong ganito ang sinasabi sa amin ni Tonyo dahil sa pagiging malapit namin, pero tila nag-iba bigla sa pandinig ko ang bagay na ’to. I look at Tonyo and I know for a fact that he feels the same way. "Lola—" "Ako’y nagbibiro lamang. Natutuwa lamang ako sa tuwing nakakakita ng isang babae at isang lalaki na magkaibigan. Naaalala ko ang aking pagkabata." "May naging kaibigan din po kayong lalaki?" tanong ni Tonyo. Ngumiti si Lola Herminia na tila inaalala ang nakaraan niya at tumango siya. "Oo, Tonyo. Sa maiksing panahon na kami ay nagkasama, naging mabuti kaming magkaibigan." Nagkatinginan kami ni Tonyo at napangiti. "Nasaan na po ang inyong kaibigan, Lola?" tanong ko. "Hindi na kami muling nagkita, Sab. Isang mahaba at hindi kapani-paniwala ang kuwento naming dalawa." Sa mga nangyayari sa akin, kahit ano na yata ay paniniwalaan ko na puwedeng mangyari. Wala yatang imposible sa mundong ito. Nagkapalit kami ng kalagayan. Marahil ay hindi ninyo kailanman mauunawaan." Hindi na kami nagtanong pang muli dahil halata rin kay Lola Herminia na ayaw na niya iyong pag-usapan. Wherever his friend is, they both moved on, that's for sure.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD