Kabanata 10

2073 Words
Kabanata 10 Sabrina's POV Nang iwan kami ng lalaki ay saka ako hinarap ng matanda. Nginitian ako niya ako at iniabot sa akin ang sentimong ibinayad ng kastila para sa pagbubuhat. "Mas mahaba ang iyong pagbubuhat. Sa iyo na lamang ito, mabuting dilag." I smiled back pero agad rin akong umiling. "Sa inyo na po iyan. Saan ho ba ang bahay ninyo? Ihahatid ko na po kayo," I insist pero umiling siya. "Ayos na ako rito. Wala rin naman akong tahanan." Mas lalo akong nakaramdam ng awa sa matanda. Tinanaw ko ang malaking bahay na pinasukan ng kastilang nagbayad sa amin. Hindi lamang pala sa matanda ako naaawa, kundi sa lahat ng Pilipinong inaalipin nila. Mas may kalayaan at karanyaan pa sila kaysa sa amin. "Sumama na lamang po kayo sa akin. Kukupkupin ko na lang po kayo." Hindi yata ako patatahimikin ng aking konsensya kapag hinayaan ko lang ang isang matanda na magpagala-gala. Ngayon ko lang talaga na-realize kung gaano ako ka-suwerte dahil may tinutuluyan ako sa panahong ito. "Hindi na. Baka makaabala pa ako sa inyong pamilya." Pinigilan ko ang sarili ko na hindi maapektuhan sa sinabi niya. Sana nga ay may pamilya ako rito. Ngunit wala rito ang pamilya ko. At hindi ko rin hihilingin na makasama sila rito dahil ayokong maranasan nila ang kalupitan ng mga espanyol. "Ako lang po mag-isa ang nakatira doon. Gusto ko rin po ng makakasama sa bahay." Matagal-tagal na rin akong nandito at hindi ko alam kung may sapat pa ba akong halaga para panggastos sa araw-araw pero magagawan naman siguro namin iyon ng paraan ni lola. Makakaraos naman siguro kami. Pumayag siya sa alok ko kaya dinala ko na siya sa bahay. Mas mapapadali siguro ang buhay ko rito kung may makakasama ako kahit papaano. Mukha namang magaan kasama sa bahay si Lola Herminia—that's her name. "Sab." Narinig ko ang boses ni Tonyo sa tapat ng pintuan kaya pinagbuksan ko siya. "Magandang umaga, Sab... May panauhin ka pala." Namataan niya si Lola Herminia na nakaupo. Nginitian siya ni Lola. "Oo. Si Lola Herminia. Nakilala ko siya kanina sa labas. Wala siyang matutuluyan kaya pinatuloy ko na muna rito." Tumango si Tonyo at dinala ako sa may bintana, malayo sa kinauupuan ni Lola Herminia kaya alam kong mayroon kaming mahalagang pag-uusapan. "Nagtungo kami kanina sa tahanan nina Teodoro. Ngunit hindi ko namataan doon ang orasan." Hindi na siya nagpaliguy-ligoy pa at diretsong sinabi ang kanyang pakay at kung ano ang kanyang natuklasan. "Bakit hindi na lang natin itanong?" I suggested. Para matapos na rin. I just hope Teodoro Plata wouldn't mind. "Hindi maaari. Lalo pa’t tila wala na talaga iyon sa kanilang pangangalaga. Maaari siyang magduda sa ating pagtatanong." Napabuga na lamang ako ng hangin. Tumango ako at ngumiti siya. "Bakit?" taas kilay kong tanong. He looks at me as if he wants something. "Naisip ko lamang, matagal-tagal ka na ring nandito ngunit hindi ka pa namin nakakasama sa isang pagdiriwang," sabi niya. "Bakit? May magaganap bang pagdiriwang?" tanong ko. I have this feeling that he's going to invite me somewhere. I can sense it in his tensed eyes and restless hands. I can't help but laugh at the back of my mind. Gaano ba kahirap mag-invite ng isang babae sa panahong ito? "Kaarawan ngayon ni ’Ka Andoy. Lubha naming ikasisiya kung ikaw ay makakasalo sa isang munting piging mamayang gabi." Hindi ko na napigilan ang pagngiti, bagay na ikinatakha niya. "Sorry. Susubukan ko, Tonyo. May usapan kasi kami ni Oriang na pupunta siya rito mamaya." Tumango na lamang si Tonyo at hindi na nagpumilit pa. He respect a girl's answer, huh? In our generation, most boys don't take no for an answer. Pero sana ay makapunta ako. Nalaman kong mag-isa si Tonyo ngayon sa kanilang bahay dahil nasa kalookan ang kanyang mga magulang. Lola Herminia wants to cook for us so I invited Tonyo to have his lunch here. Nag-offer naman siya na samahan akong bumili ng gulay. "Como esta, binibini?" Nahinto kami sa paglalakad nang lapitan ako ng isang pamilyar na kastila. Sino nga ito? "Magandang umaga?" nag-aalangan kong bati habang inaalala siya. "Ano ang iyong sadya, Sergio?" tanong ni Tonyo. Umiling lamang ito at nilagpasan na kami. Tiningnan ko si Tonyo nang maalalang isa siya sa mga gwardya sibil na sumita sa akin noon. "Huwag kang matakot sa kanya. Malaki ang utang na loob natin kay Sergio. Siya ang gumawa ng paraan upang magkaroon ka ng sedula." What? "Humingi ka ng tulong sa isang creoles?" pagalit ko sa kanya dahil baka mamaya ay singilin siya nun. "Huwag ka nang mabahala pa, Sab. Mapagkakatiwalaan si Sergio." Hindi na ako nagsalita dahil halata ngang pinagkakatiwalaan niya si Sergio. I trust Tonyo so I have to trust Sergio, too. Sa paglalakad namin ni Tonyo ay marami kaming esyudyante ang nakakasalubong. Nakaka-miss mag-aral. Birthday ngayon ni Gat Andres? November 30 na, siguradong holiday ngayon sa panahon ko. Pero bakit nga kaya kaarawan ni Andres ang ipinagdiriwang at hindi ang kanyang kamatayan? Base sa iilang nalalaman ko sa history, hindi sa digmaan namatay si Andres Bonifacio. Nakakalungkot lang na halos ikamatay ni Andres ang bawat digmaan na pinangunahan niya pero hindi natin makilala ang kanyang kamatayan dahil namatay siya nang ganoon lamang sa kamay ng kapuwa niya Pilipino. He survives every war but hunted down by his fellow countrymen. The poor life of our country's greatest hero. Pagbalik namin sa bahay ay kumain lang si Tonyo at umalis na rin. Mayroon pa raw silang pagpupulong sa bahay na bato kasama ang iba pang katipunero. Sa tuwing aalis si Tonyo, natatakot ako para sa kaligtasan niya. Ilang minuto matapos umalis ni Tonyo ay dumating naman si Oriang kaya hindi rin nagtagal ang aking pagkainip. Excited akong nakipagkuwentuhan sa kanya sa kuwarto. Marami siyang baon na kuwento. I wonder kung ganito siya kadaldal kapag si Andres ang kasama niya. We talk while embroidering. Marami siyang dalang gamit para ituloy ang pagtuturo sa akin. "Siya nga pala, Oriang, walang ka bang planong kitain si ’Ka Andres? Kaarawan niya ngayon," sabi ko at natigil siya sa pagbuburda. "Oo pala. Kaarawan niya ngayon." Ngumiti nang mapait si Oriang. "Ngunit matagal-tagal na rin kaming hindi nagkikita. Nais ko man siyang makaharap upang magpa-abot ng pagbati ngunit hindi ko naman alam kung saan siya matatagpuan sa mga oras na ito." Napatayo ako sa sinabi niya at ngumisi. Mabuti na lang talaga at niyaya ako ni Tonyo. Mabuti na lang din na kasama ko si Tonyo kanina at sinabi niya ang mga plano nila. "Gusto mong puntahan? Halika, inimbitahan ako ni Tonyo. May kaunti raw salu-salo. Magbibihis lang ako." "Ngunit, Sab, ikaw lamang ang inanyayahan ni Tonyo—mahabaging langit!" bulalas niya nang walang sabi-sabi akong naghubad para magbihis. Napahalakhak ako sa naging reaksyon niya. Parehas naman kaming babae, anong masama roon? Naghila ako ng damit at mabilis na isinuot. "Halika na." Gabi na nang umalis kami ni Oriang bitbit ang isang lampara papunta sa bahay na bato. Nang matanaw namin ang bahay at marating ay may naririnig kaming ingay ng mga nag-uusap. Hindi pa rin yata sila tapos sa meeting. Nang sumilip kami ay maraming kalalakihan ang nakapalibot sa mesa. Tonyo sees us. Ngumiti siya at tumayo para salubungin kami. "Nakarating ka, Sab. Mabuti at naisama mo itong si Oriang." Tumango ako at pinapasok kami ni Tonyo. Nakuha namin ang atensyon ng mga bisita. Nakita ko ang pagtayo ni Andres nang mamataan si Oriang at naglakad palapit sa amin. "Oriang, hindi ko inaasahan ang iyong pagparito. Ang tanging nabanggit nitong si Tonyo ay ang paanyaya niya kay Sab," sabi ni Andres at tipid na ngumiti si Oriang. "Nais lamang kitang batiin ngayong araw ng iyong kapanganakan. Hiling ko ang iyong maayos na kalusugan at kaligtasan sa pang-araw-araw, Andoy." Napangiti ako sa sinabi ni Oriang. They are so flowery. And it sounds really good. Nakakasanayan ko na nga rin ang ganitong klase ng pananalita. I'm so deeply in love now with our mother tongue. "Maaari ba tayong mag-usap?" tanong ni Andres kaya napatingin sa akin si Oriang. Of course. Kaya ko nga siya dinala rito at para makapag-usap sila. Tinanguan ko lang siya at sa labas ng bahay siya dinala ni Andres. Naiwan ako sa may pintuan kasama si Tonyo. "Salamat at dinala mo rito si Oriang. Nakasisiguro akong labis ang galak ni Andres ngayong kaarawan niya." Natawa ako at tuluyang pumasok sa bahay kasama si Tonyo. Nilingon ulit kami ng mga nasa mesa. "Magandang gabi, binibining Sab." Bigla na lamang sumulpot si Teodoro Plata sa harapan ko at halos mapatalon ako sa gulat. "G-ginoong Teodoro." Sinubukan kong hindi manginig pero nabigo ako. Gustong-gusto ko na talaga siyang makausap pero baka magduda siya at matuklasan ang totoo kong pagkatao. If deny naman, baka maging creepy na nagtanong ako about sa orasan niya out of nowhere. "Bakit hindi mo anyayahang kumain ang iyong katipan, Tonyo? Baka gutom na ang munting binibini." Mabilis akong umiling. Hindi ko alam kung para sa pagtanggi sa pag-aakala nilang boyfriend ko si Tonyo o sa pagtanggi na kumain. "Hindi na po. Hindi naman po ako nagugutom. Kumain po kami ni Oriang bago pumunta rito," sabi ko na lamang at tumango siya. I'm just here because of Oriang. Ang mga ginoo rito ay may kanya-kanyang hawak na baso ng alak. "Mas mainam, Sab, kung hindi kayo magtatagal dito ni Oriang. Baka siya ay kagalitan ng kanyang ama." Tumango ako sa sinabi niya. "Naiintindihan ko po. Ang totoo po niyan ay hinihintay ko lamang silang matapos mag-usap ni ’Ka Andoy para makauwi na kami." Ngumiti siya at tumango. "Mabuti kung gayon. May maghahatid ba sa inyo?" "Ako, ’Ka Teodoro. Ihahatid ko sila," sabi ni Tonyo at muling tumango si Teodoro. "Salamat, Tonyo. Sandali, ikaw ba ay handa na sa pagbuo ng isang pamilya?" Nanlaki ang mga mata ni Tonyo sa tanong ni Teodoro. "H-ho?" Natawa siya sa reaction ni Tonyo. "Biro lamang. Ngunit Tonyo, mas mainam kung ikaw ay magpapatuloy sa iyong pag-aaral upang ikaw ay maging isang ilustrado tulad ni Rizal. Sa ganoong paraan ay mas mabibigyan mo ng magandang buhay si Sab kung—" "’Ka Teodoro!" Muling natawa si Teodoro sa suway ni Tonyo. "Hindi ko ho katipan itong si Sab. Isa ho siyang mabuting kaibigan." Natatawa pa rin na tumango si Teodoro. "Sab, kausapin mo si Tonyo na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral," sabi lamang nito at tinalikuran na kami. Tiningnan ko si Tonyo na halatang nahihiya sa panunukso ni Teodoro. "Paumanhin. Hindi ko alam kung bakit niya iyon nasasabi." Natatawa lang akong umiling. Napakamahiyain ni Tonyo. But brave at the same time. "Pero bakit ka huminto sa pag-aaral?" tanong ko nang makaupo kami habang hinihintay sina Oriang. "Nais kong ibigay ang aking buong oras sa Katipunan. Ipagpapatuloy ko ang aking pag-aaral sa oras na mapalaya ang bayang ito." Tonyo is so confident that they could win this war. At alam kong lahat ng Katipunerong ito ay ganoon din ang nasa isip. They are really into this battle. Ibibigay nila ang lahat para sa labang ito. "Dapat lang. Para hindi ka maliitin ng mga mananakop." Ngumiti si Tonyo. "Nabiyayaan lamang ng kaunting kaalaman, Sab. Mapalad ako’t isa akong dalub-aral sa Colegio de San Juan de Letran." "Dalub-aral?" tanong ko. "Kung tawagin sa ingles ay scholar." Oh, he's probably smart to get a scholarship in this century. Well, I'm glad that he has plan on pursuing his studies even if it takes time. Education can wait. "Nakakahanga ka, Tonyo. Handa mong ipagpalit ang pag-aaral na siyang mag-aangat sa iyo. Mas pinili mong makiisa sa nalalapit na rebolusyon. Mayroon kang tapang at talino na siyang kailangan ng ating bayan." Muling napangiti si Tonyo sa sinabi ko. "Doon lamang ako sa ikabubuti ng marami, Sab. Kung mag-aaral ako, wala pang kasiguraduhan ang pagkakaroon ng maginhawang buhay dahil nasa ilalim pa rin tayo ng mga mananakop. Ngunit kung sasapi ako sa Katipunan, libu-libong Tagalog at indio ang makararanas ng ginhawa oras na mapalaya tayo. At dito ako dinala ng aking puso—sa lihim na pangkat na ito." "Hindi ka ba natatakot mamatay?" He, once again, smiles. "Hindi, Sab. Lahat naman tayo’y nakatadhanang mamatay. Ngunit hindi ba’t mas mainam mamatay nang may saysay? Wala nang mas makabuluhang kamatayan ang makatutumbas sa mamatay nang para sa bayan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD