Kabanata 9

2110 Words
Kabanata 9 Sabrina's POV Nang bumukas ang pinto ng silid ni Oriang ay lumapad ang ngiti niya nang ako ang mabungaran. And her reaction melts my heart. "Sab!" Natawa ako nang sinalubong niya ako ng yakap. It was so tight. Feels like she's so bored then got someone to entertain her. Poor Oriang. "Tuloy ka sa aking silid." Hinila niya ako papasok sa loob at naupo kami sa kanyang higaan. "Kumusta ka na?" unang tanong ko. I know she's not totally okay but I still want to know. "Ayos lamang ako. Ikaw? Kumusta ka na? Ilang araw o linggo na rin ang nakararaan magmula nang huling beses tayong nagkasama," sabi nito anf I can feel the sadness in her voice. "Ang totoo niyan, Oriang, kaya ako naparito ay dahil dito..." I get the letter from my pocket at ipinakita sa kanya. "Para kanino ang liham na iyan?" Naguguluhang tanong niya kaya nginitian ko siya. "Para sa iyo." I hope it can lessen her sadness kahit papaano. I hope Andres can make her smile kahif hindi sila nagkikita. I have been friends with her pero hindi ko man lang nahalata. "Para sa akin?" Mas lalo siyang naguluhan at tumawa. "Oo, para sa iyo...galing kay Ka Andoy," sabi ko at nawala ang ngiti niya. Mabilis itong napalitan ng pag-aalala. "Nasabi niya na—" "Sab, napag-usapan na namin ito ni Andoy. Walang mangyayari sa amin dahil sa aking ama. At saka isa pa, abala si Andoy sa paghahanap ng kasapi ng kanilang pangkat, sa tingin ko'y hindi na niya dapat ako pag-aksayahan pa ng oras." Napabuntong hininga ako. So she already knew about Katipunan? "Bakit ba talaga ayaw ng ama mo sa kanya?" Kahit si Tonyo ay hindi sigurado sa dahilan. Lahat ng sinabi niya sa akin ay hula lang din. "Dahil napag-alaman niyang si Andoy ay isang mason." So that's the real reason why Ginoong Nicolas despises the great man? Andres is a Freemason. At hindi dahil sa agwat ng kanilang edad o sa pagiging balo ni Andres. Now, I wonder how they look at Freemasonry para ayawan. Were they had this bad reputation? Kinuha ko ang kamay ni Oriang at iniabot ang sulat kahit tinanggihan na niya ito kanina. I know she's dying to read it. I can see it in her eyes the way she looks at the letter na hawak niya. "Kahit basahin mo na lang, Oriang. Nangako kasi ako kay Ka Andoy na makakarating ’yan sa iyo, e!" Napabuntong hininga na lang si Oriang at tumango. "Mamaya ko ito babasahin. Sa ngayon, magkuwentuhan na muna tayo." Bumalik ang sigla ni Oriang at excited siyang nagkuwento tungkol sa mga nangyari sa kanya. Kahit halos lahat ay puro nasa bahay lang siya. "Sab, kanina pa ako nagkukuwento ng nangyari sa akin nitong mga nagdaang araw, ngunit ikaw ay wala man lamang naikukuwento tungkol sa mga nangyari sa iyo," puna ni Oriang nang kanina pa puro pakikinig lang ang ginagawa ko. I don't want to butt in and ruin her excitement. "Wala naman gaanong nangyari sa akin, Oriang." Gusto ko sanang ikuwento ang tungkol sa pagkaka-meet ko kay Andres kaya lang ay baka mailang siya. Baka magtakha rin siya kung bakit big deal iyon sa akin gayong ordinaryong tao pa lang naman ang tingin nila kay Andres sa panahong ito. "Kahit ano na lamang, Sab. Nais kong magkuwento ka tungkol kay Tonyo," she demands at muntik na akong matawa. He misses Tonyo, too. "Ano namang ikukuwento ko tungkol kay Tonyo?" I chuckle. "Hinihintay lamang kitang magsabi, Sab. Ngunit hindi ka talaga yata magsasalita tungkol sa tunay na ugnayan ninyo ni Tonyo." What? Ugnayan? Ano bang pinagsasabi nitong si Oriang? "Anong ugnayan ang sinasabi mo, Oriang?" "Kung ano ang inyong pagkaka-unawaan at tunay na namamagitan sa inyo." Ilang segundo rin akong natahimik bago tuluyang matawa sa sinabi ni Oriang. She thinks there's something going on between me and Tonyo? "Oriang, magkaibigan kami ni Tonyo. Magkaibigan lang kami," natatawa kong sabi. "Hindi ako naniniwala dahil tila ba dumedepende ka sa kanya, at siya naman ay hindi ka pinababayaan." Umiling ako para salungatin na agad ang ganoong tingin niya sa amin ni Tonyo. Ayokong mabahiran ng kung anuman ang mabuting intensyon sa akin ni Tonyo. "Mayroon kasi kaming iniingatang lihim ni Tonyo, Oriang. Mga bagay na hindi ganoon kadaling ipaliwanag kung hindi mo pa nararanasan. May isang pangyayari kasi ang parehong nangyari sa amin ni Tonyo. Kaya kaming dalawa lang ang magkakaintidihan. ’Yon lamang iyon," I convinced her. Tumango na lang si Oriang kahit nasa mukha niya ang pagiging hindi kumbinsido. She's very observant. "Basta ang masasabi ko lamang...bagay na bagay kayo ni Tonyo, Sab." Natawa ako sa sinabi niya. I really don't mind hearing this kind of teasing. Normal na ito sa circle of friends namin. But I wonder what would be Tonyo's reaction sa sinasabi ni Oriang. That chivalry old fashioned cute dude. I can imagine Tonyo dresses clothes like what my boy friends are wearing. Imaging Tonyo being the Campus hearthrob. "At bakit ka nakangiti?" May halong pang-aasar sa tono ni Oriang kaya natatawa akong napairap. "Ewan ko sa iyo, Oriang. Gusto mo lang talagang ilihis ang usapan tungkol sa inyo ni Ka Andres," I teased her at ngumiti siya. Isang pilit na ngiti. "Wala kaming patutunguhan, Sab. Pinalaki akong may takot sa Diyos, salungat kay Andres na isang mason. At kilala ang mga mason na kaaway ng lipunan—ng simbahan," bigong sabi ni Oriang at wala naman akong maisip na sabihin para gumaan-gaan ang situwasyon nila kahit papaano. Kung may internet lang sana rito, ise-search ko kung may kinahantungan ba ang pagtitinginan nina Oriang at Andres. Was this even part of history? Naisulat ba sa kasaysayan ang pag-iibigang Gregoria de Jesus at Andres Bonifacio? Maaaring oo at sadyang wala lamang akong interes noon. But now, I'm more than curious. Call me dumb or what, pero wala talaga akong idea. Maghapon akong nag-stay kina Oriang at halos hindi na kami lumabas ng kuwarto. Naubos ang oras namin sa kuwentuhan. Tinuruan niya rin ako ng pagbuburda at pagluluto na siyang kinain namin bilang pananghalian. "Sa tingin ko anumang oras ay darating na si Tonyo," sabi ko nang pagsilip ko sa bintana ay magdidilim na. I'm sure he's on his way to pick me up. "Nakalulungkot naman, Sab. Maiiwan na naman akong mag-isa," sabi ni Oriang. I am feeling sad, too. Kung puwede nga lang na isama ko siya sa bahay ay ginawa ko na. "Dadalawin naman ulit kita rito kapag may pagkakataon." "Sana sa mga susunod na araw ay hayaan na ako ni Ama na sumama sa mga lakad ninyo," malungkot na sabi niya. Grabe rin pala talaga ang mga dalaga noon, hangga't maaari ay sa loob lamang sila ng bahay. Sobrang gala ko kaya hindi ko kaya ’yon. No night life for them. They would miss half of their lives. "Hindi nga maaari!" Nagkatinginan kami ni Oriang nang marinig ang halos sumigaw sa galit na boses ng kanyang ama. He sounds so furious at kinabahan ako. Lumabas si Oriang at sumunod ako. "Ama? Anong nangyayari?" tanong ni Oriang nang maabutan namin si Ginoong Nicolas na may kausap sa may pintuan. Nang lapitan namin sila ay nakita naming si Tonyo ang kausap nito. Why did he show up here? "Tonyo, nariyan ka na pala. Pumasok ka muna," anyaya ni Oriang kaya sumama ang tingin ng ama niya sa kanya. "Magandang hapon, Oriang. Kukuhanin ko lamang sana si Sab." It was Tonyo. Hindi ba siya natatakot sa ama ni Oriang? "Anong sinabi ko sa iyo, Oriang? Hindi ka muna maaaring magpatuloy ng lalaki rito sa ating tahanan!" pangaral nito. "Ngunit alam ninyong kaibigan ko si Tonyo, Ama!" she fires back para ipagtanggol si Tonyo. "Hindi maaari—" "Ama, wala kayong dapat ipag-alala. Si Sab ang kasintahan ni Tonyo." Sabay kaming napatingin ni Tonyo kay Oriang dahil sa sinabi nito. "Mauuna na rin sila. Sige na, Tonyo. Salamat sa paghatid sundo mo kay Sab. Samahan mo ulit siya sa susunod na dalawin niya ulit ako." Sinenyasan kami ni Oriang na mauna na bago pa man bumalik sa paglilitanya ang ama niya. And she did say na magkasintahan kami ni Tonyo para sa susunod ay hindi na magdududa ang kanyang ama. Pero bakit kami ang inipit niya? Oriang is smart but unfair at the same time. "Masisiraan yata ako ng bait sa pinagsasabi ni Oriang. Kung hindi ko lamang siya kaibigan!" sabi ni Tonyo nang nagsisimula na kaming maglakad. Mukhang ayaw rin niya sa idea ni Oriang. "Hayaan mo na ang kaibigan natin. Ito lang ang kaya nating gawin para sa kanya, e," sabi ko at hindi na rin naman siya nagsalita pa. We really need to help Oriang and Andres. "Siya nga pala, narito..." May iniabot siya sa akin na papel. Nang buklatin ko ito mula sa pagkakatiklop ay agad ko itong nabasa. "Sedula ko?" hindi makapaniwalang tanong ko at tumango siya. Nakagawa siya ng paraan? "Paano? Saan mo ’to kinuha?" "Huwag mo nang alamin, Sab. May kinausap ako para diyan. At huwag mong ikatuwa ang sedulang iyan, tila tanda na rin iyan ng pagpapasakop mo sa mga kastila. Sadyang hindi lamang ako mapapalagay hangga't wala ka niyan," sabi niya. "Thank you, Tonyo..." Napayakap na lang ako kay Tonyo dahil sa sobrang pagpapasalamat. Magiging magaan ang lahat para sa akin. Ang laking tulong ng bagay na ito. Mabilis din akong bumitiw nang mahalatang hindi niya ako niyayakap pabalik. Bakas sa kanya ang pagkabigla. Napakibit na lang ako ng balikat at nagpatuloy sa paglalakad. — Sa paglipas ng araw, linggo at buwan ay nanatili ako sa 19th century. Hindi ko alam kung kailan ako makakabalik. Hindi ako makagawa ng paraan dahil kinakailangan ko pang pag-aralan ang lahat ng nasa paligid ko. Para mas makapag-focus ako sa pakikipag-ugnayan kay Teodoro Plata, kailangan kong makasanayan ang buhay sa panahong ito. Kinakailangan kong masanay sa uri ng pamumuhay rito. And I think medyo sanay na rin naman ako. Dali-dali akong nagbihis at nag-ayos bago lumabas ng bahay. Ngunit nahinto ako sa paglalakad nang makita ang pagtulak ng isang banyaga sa matandang babae. Nakaramdam ako ng awa sa kaawa-awang matanda. "Bilisan mo!" utos ng kastila kaya mabilis na dinampot ng matanda ang mga nalaglag na bayong. Dalawang bayong na mula rito ay nakikita kong punong-puno ng mga gulay. Pinanood lang ng kastila ang matanda na hirap na hirap na, samantalang siya ay nakasakay sa kalesa. Tinakbo ko ang kinaroroonan nila at kinuha ang mga bitbit ng matanda. I can't imagine he lets her carry all of these. "Sino ka?" the Spanish's accented voice ask so I diverted my glance at him. "Nais kong tulungan ang matanda hanggang sa pupuntahan ninyo." Hindi ko alam kung papayag siya pero nagbaka-sakali pa rin ako. Hindi pa man sumasagot ang kastila ay kinuha ko na ang dalawang bayong at hindi nga ako nagkamali, sobrang bigat ng mga ito. I don't know how long she has been carrying these, but tiredness clearly plastered in her face. At mas lalo akong naaawa sa kanya. She must be forced to fo this. "Sige, para mas mabilis." Mabuti na lamang siya. Nagsimulang pakilusin ang kabayo kaya binuhat ko na ang bayong. May ilang basket ng gulay rin ang sakay ng kalesa. Siguro ay overloaded na iyon kaya ipinabuhat na lang. Pero bakit sa isang matanda? Wala bang ibang gagawa niyan para sa kanila? Mga walang puso. "Hayaan mong tulungan kita..." Kukuhanin sana ng matanda ang isa sa mga bitbit ko pero iniiwas ko ito. I shook my head politely. "Ayos lang po. Kaya ko naman po." Sumunod ang matanda sa akin. She's obviously concerned about me. Nginitian ko lang siya para mawala ang kanyang pag-aalala at nagpatuloy sa pagbubuhat. Mas makabubuti kung ako ang magbibitbit. Maaaring hindi ako sanay sa ganitong gawain pero mas may lakas ako kumpara sa mahina na niyang katawan. Mahigit isang oras din akong nagbuhat bago huminto ang kalesang sinusundan namin. Inilapag ko sa tabi ng kalesa ang mga binitbit ko. Siguro naman ay hanggang dito na lang. "Narito..." He throws a centavo. Tinapon niya iyon sa tapat namin ng matanda na tila isang limos. Agad iyong dinampot ng matanda. She did all of these for a centavo? "Salamat. Nawa'y pagpalain kayo ng Maykapal." Hindi ako makapaniwala sa sinabi ng matanda. Kahit pinagmalupitan, pinahirapan at inabuso na siya ng kastila ay ganoon pa rin ang sinabi nito. Foreign people have more wealth and power than Filipinos here in our very own motherland. Naging alipin ang aming mga ninuno sa sarili naming bayan. Saan kumukuha ng kapal ng mukha ang mga banyagang ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD