Kabanata 8

2058 Words
Kabanata 8 Sabrina's POV Hindi ako kumbinsido sa sagot ni Tonyo. I want a specific answer. Ayokong maghintay sa bagay na walang kasiguraduhan. "Kailan naman ’yon?" Nagkibit-balikat siya. "Pakikiramdaman ko muna kung ligtas na nga ba. Pagtapos ay babalikan kita rito." Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. "Wait! Aalis ka? Huwag mo akong iiwan dito. I don't know this place. Natatakot ako," parang batang sabi ko kahit pa alam kong hindi niya naintindihan ang ilan sa aking sinabi. Iiwan niya talaga ako rito? Subukan niya lang. "Ligtas ang lugar na ito, Sab. Dito nagpupulong ang ilan sa mga Katipunero. Hindi ka mapapahamak sa kanila." Napahawak ako sa mahaba niyang manggas para hindi siya makaalis. Mas lalong kailangan ko siya. "’Yon na nga, Tonyo. Hindi ko kaya ang mapaligiran ng mga Katipunero. Nakakapanliit. Baka mahimatay lang ulit ako." Marahang tumawa si Tonyo. "Pero isa rin akong Katipunero." He was right. Pero sanay na kasi ako sa presensya niya dahil lagi ko siyang nakakasama. Komportable na akong malapit sa kanya. "Dito ka lang," pakiusap ko sa kanya. Hindi ako natatakot sa kanila tulad ng takot na nararamdaman ko sa mga kastila, na-i-intimidate lang siguro ako. Hell, who wouldn't? "Oo na, hindi na ako aalis. Lalabas na lamang muna ako para mas makapagpahinga ka pa." Patayo na sana si Tonyo pero muli ko siyang pinigilan sa braso. I smiled awkwardly. "Sasama ako. Nagugutom na rin ako." Tumango na lang siya at nang lumabas kami ng kuwarto ay hindi ako humiwalay sa kanya. Para akong bata na nakakapit sa sleeve ng damit niya. Ayokong mawala siya sa paningin ko. Sa labas ay naabutan namin sa table sina Andres at ang ilang kalalakihan kabilang na si Teodoro. Ngayon ko nasisigurong siya si Teodoro Plata na hinahanap ko dahil kasama niya si Andres. "Gising na pala ang iyong kasintahan, Tonyo," bati ni Andres nang sumulyap sa kamay kong nakakapit pa rin kay Tonyo. Dahil sa hiya ay mabilis kong tinanggal ang kamay ko sa kanya. "Nagkakamali kayo, ’Ka Andoy. Si Sab ay aking kaibigan lamang." Ngumiti lamang si Andres at tumango. "Paumanhin ulit sa nangyari kanina, binibini. Hindi kami naging maingat," sabi naman ni Ladislao. I can feel the sincerity in them at hindi ko naman sila sinisisi. "Wala po kayong kasalanan. Hindi po kasi ako tumitingin sa dinaraanan kaya hindi ko po kayo napansin." Pag-ako ko sa aking kasalanan. I'm so careless and clumsy. "Nais pa rin naming humingi ng paumanhin. Kumusta ang iyong mga natamong galos?" tanong ni Teodoro. I checked myself. "Ayos na po, hindi na ganoon kahapdi. Salamat po sa panggagamot," I said sincerely. "Baka nagugutom na ang ating panauhin. Ang mabuti pa’y saluhan mo na siya, Tonyo," alok ni ’Ka Andoy kaya muli kong naramdaman ang gutom na umatras kanina nang makita ko sila. Sinamahan ako ni Tonyo papunta sa kusina ng bahay at sinamahang kumain. I ate a little at mabilis rin na nataposn. Hindi ko magawang lumabas ng kusina dahil naririnig ko pa rin ang usapan nila mula rito. They're having a meeting at ayoko namang maistorbo sila. Andres Bonifacio's voice is dominating. And it's his actual voice. Who would have thought I would hear it...Live! "Halika na. Ibabalik na kita sa silid na iyong pinagpapahingahan," yaya ni Tonyo at sumama na ako. Dahil nagpupulong pa ay nagdahan-dahan kami sa pagkilos kaya hindi nila napansin ang pagbalik namin sa kuwarto. "Makikiisa na muna ako sa pagpupulong. Magpahinga ka na," he said. Ngumiti ako tumango. Kahit abala si Tonyo sa Katipunan ay nagagawa niya pa rin akong alalahanin. Inayos ni Tonyo ang higaan ko bago tuluyang lumabas ng kuwarto. And just like he suggested, natulog ulit ako. — Nagising na lang ako sa kalagitnaan ng gabi dahil sa uhaw. Marahan akong bumangon at naglakad palabas bitbit ang lampara. I tensed when I saw a silhouette of a man na nakatanaw sa bintana. I go near him thinking it was Tonyo. But I saw him already sleeping peacefully in the wooden bench. If Tonyo is asleep, who's that man standing by the window? Wait, I just realize that his back is somewhat familiar. Nang muli kong tingnan ang lalaki sa bintana ay saka ko lang naaninag kung sino siya. Si Andres Bonifacio. Si ’Ka Andoy. Kung si Teodoro Plata ito, maglalakas loob akong kausapin siya para itanong ang tungkol sa orasan. Pero si ’Ka Andoy ang narito, wala akong maisip na dahilan para kausapin siya. I can't talk to him casually at magpanggap na hindi isang bayani ang kaharap ko. I can't act normal. I was about to turn around para dumiretso na lang sa kusina kaya lang ay napansin na niya ang presensya ko at nilingon ako. He smiles when he saw me. "May kailangan ka ba, binibining Sab? Ang katipan mong si Tonyo’y dito na pinasyang magpalipas ng gabi upang samahan ka." Itinuro niya ang natutulog na si Tonyo. "Ang sabi ko nga’y sa loob na ng iyong tinutulugang silid siya matulog dahil may dalawang papag doon. Ngunit mas pinili niya rito upang hindi ka raw makaramdam ng pagkailang," sabi ni ’Ka Andoy. "Ayos lang naman iyon sa akin. At saka hindi ko po siya katipan. Magkaibigan lang po kami. Bata pa po ako para magkipagrelasyon." Sinabi na namin sa kanila kanina na wala kaming relasyon ni Tonyo pero nakalimutan niya yata. "Ilang taon ka na ba?" tanong niya sa akin. "Labing siyam na taon po, Ka Andoy." Napatitig ako kay Andred. I think he's on his late twenty's. May edad siya kung ikukumpara sa amin. "Halos ka-edad mo pala si Oriang." Napangiti ako nang banggitin niya ang pangalan ni Oriang. So he knows Oriang? "Si Oriang?" I said in a high pitch na halos gumising kay Tonyo. Natawa si Andres sa reaksyon ko. "Kilala mo si Oriang?" tanong niya at tumango ako. Aside from she's a Philippine hero at kaibigan ko siya. "Kaibigan namin siya ni Tonyo." "Batid kong kaibigan siya ni Tonyo. Bakit nga ba hindi ko naisip na maaaring kakilala mo rin siya. Kumusta siya?" He's obviously anticipated to hear news about Oriang. He looks sleepy kanina pero nagising ang mga mata niya nang mapag-usapan namin si Oriang. "Mabuti naman siya. Nitong nakakaraang araw ay nahihirapan kaming yayain siyang sumama sa pamamasyal dahil sa kanyang ama," sumbong ko sa kanya. He nods as if he knows everything. "Hindi na ako magtatakha. Nang ako’y nagpahayag ng pagsinta kay Oriang, labis ang naging pagtutol ng kanyang ama na ako‘y kanyang maging katipan kaya pinaghihigpitan siya nito." I was so shock about this information. Mukhang nakaligtaan ko ito sa aming history class. Were they in love? "Mahal mo si Oriang?" Hindi ko na napigilan ang mang-intriga. Kung totoong nagmamahalan sila, I think may mga educational books about their live story. Sana ay nagkaroon ako ng chance na mabasa man lang iyon. Imagine being in a war with your partner. Sa panahon kasi namin, sa larong mobile legend lang nagkakasama sa labanan ang magkakarelasyon. "Siyang tunay, binibini. At ngayon ay nahihirapan akong makipag-ugnayan sa kanya," bagsak ang balikat na sabi niya. Nagulat si Andres nang pumitik ako at pumadyak pa dahil may naisip akong paraan. Sorry, ne-exite lang ako. "Alam ko na, bukas ay pupuntahan ko si Oriang. Puwede kang gumawa ng liham, ’Ka Andoy, na iaabot ko sa kanya," I suggested at nagliwanag ang kanyang mukha na kanina lang ay parang pinagsakluban ng langit at lupa. "Totoo ba, binibini? Gagawin mo iyon para sa amin?" tanong niya at tumango ako. "Maraming salamat! Malaking bagay ito para sa akin!" he said and I smiled. Sa ganitong paraan man lang ay may magawa aki para makaramdam sa tuwa ang ating mga bayani sa gitna ng kanilang pakikidigma. This is nothing compared to your heroism. I answered at the back of my mind. — Madaling araw nang pinasya namin ni Tonyo na umalis na para madaling makapagtago sa mga kastila dahil madilim pa. Hindi naman siguro kami mapapansin sa ganitong oras. Kung may makakasalubong man kami ay madali nang iwasan at magtago. "Narito ang liham ni ’Ka Andoy," sabi ni Tonyo paglabas ko ng kuwarto. Kinuha ko ito at ibinulsa. "Totoo ba ang sinabi niyang para iyan kay Oriang?" Taas-kilay niyang tanong. "Oo, Tonyo. Nabalitaan kong tutol ang ama ni Oriang sa pagkikita nila kaya gusto kong makatulong sa paraang kaya ko." Lumabas na kami ng bahay at maingat na tinahak ang daan papunta sa bahay nina Oriang. We make ourselves aware with the portending chaos. "Paano kung mabuko ka ni Ginoong Nicolas? Lubhang mapanganib ang iyong binabalak, Sab. Hayaan na lamang natin sila. Kung may pagtangi sila sa isa't isa, gagawa sila ng paraan para magkita." Oh, sorry, Tonyo. But I don't believe in a saying na kung kayo, kayo. I still believe that without an effort, destiny won't work. "Ngayon lang ’to, Tonyo. ’Wag ka ngang KJ! Bilisan na natin sa paglalakad." Hinila ko na si Tonyo para naman bilisan na rin niya. Para siyang naglalakad sa buwan. Mabuti naman at nagpatangay na lang siya at hindi na nagreklamo pa. "Nakasisiguro akong hindi ito maiibigan ni Ginoong Nicolas," mahina niyang sabi ngunit sapat na para marinig ko. Huminto ako nang mapaisip sa sinabi niya. Bakit nga ba hindi boto ang ama ni Oriang kay Andres? Mabuting tao naman ito. Kung ang bansa nga ay naipagtatanggol niya, si Oriang pa kaya. Siguradong kaya niyang alagaan si Oriang. Hinarap ko si Tonyo at tinaasan siya ng kilay. "Bakit nga ba tutol si Ginoong Nicolas?" I asked, umaasang may mapupulot na impormasyon mula kay Tonyo. I'm just curious. I'm sure that Andres is going to pursue her. Parang wala sa bokabularyo ang tumigil. Tulad ng ginagawa niya sa bayan, sigurado akong hindi magpapapigil si Andres kahit pa sa ama ni Oriang. Ipaglalaban niya ito. "Hindi ko alam. Basta lingid sa kaalaman ni Oriang, pormal nang nagkausap ang kanyang ama at si ’Ka Andoy. At hindi ito hihinto. Nakapagpasya na si ’Ka Andoy, susuyuin niya ang ama ni Oriang." See? I knew it. Wala sa isipan niya ang pagsuko sa mga laban na sinisimulan niya. "Subalit batid kong mahihirapan siya dahil ang maaaring dahilan ng pagtutol ni Ginoong Nicolas ay dahil isang balo si Ka Andoy," kibit balikat niyang sagot. "You mean...may naunang asawa si ’Ka Andoy?" gulat kong tanong at tumango siya. Whoa! I didn't expect that. "Oo. Namatay ang una niyang asawa dahil sa sakit na ketong." Nagpatuloy siya sa paglalakad kaya sumunod ako. "Isa pang maaaring dahilan ay dahil sa agwat ng kanilang mga edad. Dalawampu't siyam ang gulang ni ’Ka Andoy. Hindi hamak na mas matanda sa labing walong taong gulang na si Oriang." If that's the case, that's bullcrap. Very unreasonable naman yata nun. Naglakad na lang ako nang tahimik. "Ihahatid na lamang kita, Sab. Maaaring hindi sumang-ayon ang ama ni Oriang na dalawin mo siya kung magpapakita pa ako. Tatanawin na lamang kita hanggang sa paunlakan ka nilang pumasok sa kanilang tahanan." Tumango ako. Ibig sabihin ay maghihiwalay kami ni Tonyo mamaya. Nasabi rin kasi ni Tonyo na may ilang kalalakihan din ang gustong manligaw kay Oriang kaya pinaghihigpitan siya ng kanyang ama sa pakikipagkaibigan sa mga lalaki. Kasisikat lang ng araw nang marating namin ang bahay nina Oriang. Tumango si Tonyo para padiretsuhin na ako sa bahay nila, habang siya ay magtatago hanggang sa makapasok ako sa loob. I took a deep breath bago kumatok sa pinto. Matapos ang ilang katok ay saka lang ito bumukas. Bumungad ang ama ni Oriang na kahit maaga pa'y halatang kanina pa gising. "Magandang umaga po. Ako po si Sabrina, kaibigan ni—" "Natatandaan kita, ano ang iyong sadya?" pormal na tanong nito kaya napalunok ako. Pero mabuti na lamang at nakilala niya ako. "Gusto ko lang po sanang bisitahin ang kaibigan ko. Sana po ay payagan ninyo ako ako." He looks at me intently. May ilang segundo rin niya akong inaral bago tuluyang nilakihan ang bukas ng pinto. Nilingon ko ang kinaroonan ni Tonyo at tinanguan upang sabihing makakaalis na siya. "Narito ang silid ni Oriang..." Nauna siya sa paglalakad at sumunod naman ako. Huminto kami sa tapat ng isang pinto at kumatok ang kanyang ama. "Oriang, narito ang iyong kaibigan!" sabi lang nito at nagpaalam na bago ako iniwan sa tapat ng pintuan ng kuwarto ni Oriang. I can't wait to tell her about Andres. —
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD