Kabanata 7
Sabrina's POV
Nilingon ko si Tonyo nang may marinig akong ingay.
"Anong ginagawa mo?" I asked cause he looks very busy.
"Nagbubungkal ng lupa," sagot niya at nagpunas ng pawis. "May itatanim lamang akong binhi," dagdag niya at may nilabas siyang isang buto.
"Anong buto ’yan? Puno o halaman?"
"Ang katotohanan ay hindi ko rin mawari. Nakita ko lamang ito habang tayo'y naglalakad patungo rito kaya naisipan kong itanim." Tumayo siya nang matapos sa ginagawa. Tutubo kaya ’yan dito? I mean, dahil sa weather na rin?
"Anong ginagawa ninyo rito?" Napatago ako sa likuran ni Tonyo nang may dalawang lalaki ang lumapit sa amin. Matitikas ang kanilang tindig.
"Kayo pala, Elias, Sergio. Anong maipaglilingkod namin sa inyo?" pormal na tanong ni Tonyo. Kilala niya ang mga iyan?
"Sagutin ninyo ang tanong namin. Anong ginagawa ninyo rito? At sino ang kasama mong babaeng?" tanong ng isa.
"Taga-rito ba ’yan? Patingin ng sedula," masungit na sabi ng kasama niya. Hindi sila fluent magsalita ng Tagalog kaya halatang may lahi silang kastila dahil na rin sa kulay nila. Pero anong sedula ang hinahanap nila? Like barangay cedula?
"Sedula? Elias, kasi..."
"Ano? Nasaan ang sedula—" Natigil sa pagsigaw ang lalaking nagngangalang Elias nang hawakan siya ng kasama niya sa balikat. Nag-usap sila sa wikang espanyol kaya hindi ko na sila nasundan. "Mga walang silbing indio!" Matapos bitiwan ang salitang iyon ay umalis na sila. Saka lamang ako nakahinga nang maluwag at lumabas sa pagtatago sa likuran ni Tonyo.
"Sino ba ang mga ’yon? Ang yayabang!" sabi ko habang nakatanaw sa likuran ng mga lalaking malayo na sa amin. Who they think they are? "At bakit paulit-ulit nilang sinasabing walang kuwenta ang mga indio?"
"Dahil yaon ang tingin nila sa ating mga indio. Kung ikaw at walang sapat na salapi at pinag-aralan, mababa ang kanilang tingin sa iyo. Para sa mga mananakop, isa lamang tayong mga alipin. Sina Elias at Sergio yaon, Sab. Mga creoles at gwardiya sibil. Huwag mo na lamang pansinin," sabi lang ni Tonyo.
"Creoles? Ano naman ’yon?" tanong ko.
"Ang mga creoles ay ang mga insulares din— naipaliwanag ko na sa iyo ang ibig sabihin," Tumango ako nang maalala ang insulares. Sila ang mga purong kastila na rito sa bayang ito ipinanganak. "Halatang wala kang gaanong nalalaman sa bahaging ito ng kasaysayan, binibining Sabrina Anya," he teases kaya inirapan ko siya.
"Gusto mong i-kuwento ko ang ilan sa nalalaman ko?" I offered just to boast na may alam ako kahit papaano pero umiling siya. Ayaw pa niya? At least may idea siya sa mga magaganap.
"Hindi ako interesado, Sab. Mas makabubuti kung wala akong nalalaman upang hindi ko ito mapaghandaan at asaming mapigilan. Baka pagmulan pa ito ng pagbaluktot ng kasaysayan. Maging ikaw, Sab, mangako kang hindi mo pipigilan ang mga nakatakdang mangyari." Tumango ako kay Tonyo dahil wala rin naman talaga akong planong galawin ang kasaysayan.
"Oo naman. Wala akong gagawin na ikababago ng kasaysayan." Itinaas ko pa ang kanan kong kamay na tila nanunumpa.
"Kahit ang kamatayan ay huwag na huwag mong pipigilan. Lubhang mapanganib ang sinisimulan naming himagsikan kaya ngayon pa lamang ay nakahanda na kami. Nababatid naming maraming buhay ang magwawakas ngunit hindi kami magpapapigil," seryosong sabi ni Tonyo.
"Katipunan ang tinutukoy mo, ’di ba?" Tumango siya.
"May nalalaman ka rito. Ang ibig sabihin ay magiging bahagi ito ng kasaysayan? At ibig sabihin din nito na maisisiwalat ang lihim na samahang ito?" Tumango ako ngunit hindi ko siya nakitaan ng anumang takot kahit kaunti.
"Malaking bahagi ng kasaysayan ang Katipunan," sabi ko pero hindi na nagbigay ng detalye dahil wala rin naman akong masyadong nalalaman. Mga basic knowledge lang ang baon ko. "Nagugutom na ako. Ang mabuti pa ay balikan na natin sina Oriang at Isidro." Hinila ko na siya pabalik sa mga kasama namin para kumain.
—
Hindi ko na namalayan pa ang paglipas ng araw, linggo at buwan dahil parang nakakasanayan ko na rin ang mga gawain sa panahong ito. Kung may pagkakataon ay nagagawa ko na ring maglibot kahit paano pero hindi ganoon kalalayo. Gusto ko lang makakita ng mga bagay na hindi ko nakikita sa 21st century.
Ang umagang ito ay hindi iba sa kalimitang umaga ko rito. Madilim pa lang ay gising na ako. Naligo na ako at nag-ayos ng sarili. Pasikat na ang araw nang matapos ako sa pag-aayos. Suot pa rin ang makalumang kasuotan, lumabas ako ng bahay para muling maglakad-lakad at lumanghap ng sariwang hangin.
Sumakay ako ng kalesa para mas maayos na makapamasyal. Mayaman siguro ang may-ari ng bahay na tinutuluyan ko dahil may pera sa kuwarto ko na siyang nagagamit ko sa pang-araw-araw. Hindi ko rin kasi talaga alam kung saan kukuha ng panggastos. Bumaba ako sa kalesang naghatid sa akin nang mapadaan kami sa isang eskuwelahan. Bigla kong na-miss ang school life ko. I miss classmates. I miss Cleo and Riri.
Nilibot ko ng tingin ang eskwelahan. Ito na siguro ang pinakamalayo kong narating dito.
"Ikaw ang babaeng kaibigan ni Tonyo, hindi ba?" I almost had a heart attack when a familiar white guy approaches me. Muntik pa akong mapasigaw. Kinabahan ako nang maalalang isa siya sa dalawang guwardiya sibil na sumita sa amin noong unang beses na nakapunta ako sa burol. May dalawang buwan na yata ang nakakalipas. And if I'm not mistaken, this dude names Sergio.
"Ako nga." Hindi naitago sa boses ko ang takot. Hell, who wouldn't be scared of them? Tapos mag-isa pa akong namamasyal. Kahit pa maraming tao ang narito, wala silang magagawa kung pagmalupitan man ako ng creoles na ’to.
"Ang mabuti pa ay bumalik ka na sa inyong tahanan. Hindi ligtas ang maglibot kung alam mong wala kang maipakikitang sedula," he warns me. Sedula na naman? Gaano ba kahalaga ang sedula sa panahong ito?
"Pero—"
"Ginagawa ko ito dahil naging mabuti sa akin si Tonyo kahit pa minsan ko siyang pinagmalupitan. Kaya ngayon pa lamang, binibini, dahil kaibigan ka ni Tonyo ay pagbibigyan kitang muli—ngunit ito na ang huli." Sunod-sunod ang ginawa kong tango. "Kung ibang guwardiya sibil ang narito ngayon ay nakasisiguro akong dinampot ka na. Sa paglilibot mo ng tingin sa kabuuan nitong lugar, naging kahina-hinala ang iyong kilos." Kahina-hinala agad? I'm just amazed. Judgmental freaks!
"Uuwi na ako," sabi ko na lang dahil sa takot at tumango siya. Mabuti na lang at hinayaan niya lang ako.
Nagmadali na ako sa paglalakad bago pa man may ibang makapansin sa akin. But I just realized na mas kahina-hinala kung nagmamadali ako. Should I walk slowly? Pero baka palihim niya pala akong sinusundan at maaabutan niya ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Feeling ko talamak na sa panahong ito ang shoot to kill? Paano kung bumulagta na lang ako sa lupa? Paano kung—
"s**t!" halos mapasigaw ako nang may makabungguan ako at bumulagta sa lupa tulad ng iniisip ko. Sa sobrang taranta ay hindi ko na pala napapansin ang mga nasa paligid ko. Hindi ko alam kung gaano katagal na akong nakasalampak sa lupa nang ma-realize na ibang daan ang napuntahan ko at hindi ang daan pabalik ng bahay.
"Paumanhin, binibini. Hindi kita napansin." Mabilis akong tinulungan ng lalaking nakabunggo sa akin at halatang nag-aalala. "Ayos ka lamang ba?" tanong niya nang mapansing hindi ako makatayo nang ayos. Ang sakit ng balakang at ulo ko na masama yata ang pagkakahampas sa lupa. Kung sa semento yata ako nabagok ay baka ikinamatay ko pa.
"Dalhin na lamang natin siya sa bahay," sabi ng lalaking kasama niya at pinagpatuloy ang pag-alalay sa akin. What? No. Baka mamaya kung saan pa nila ako dalhin e.
"Ayos na po ako," sabi ko pero hindi nawala ang pag-aalala sa mukha ng ginoong umaalalay sa akin. Mukha namang totoo ang pag-aalaa nila kaya tinanggap ko na ang tulong. Hanggang sa marating namin ang loob ng bahay na pinagdalhan nila sa akin.
"Ladislao, anong nangyayari?" tanong ng lalaking sumalubong sa amin at iginiya ako paupo sa kahoy na upuan. Bigla rin siyang nag-alala sa akin. "Ano ito? Sino ang binibining inyong dinala rito?"
"Nag-alala lamang kami ni Teodoro nang mabunggo namin ang binibining ito dahil sa pagmamadali naming makarating dito," sabi ng lalaking tinawag na Ladislao.
But wait... Teodoro daw? Tiningnan ko ang lalaking tinawag na Teodoro na isa sa mga nakabungguan ko. Ayokong mag-expect dahil common siguro sa panahong ito ang pangalang iyon.
"Uuwi na po ako," sabi ko kahit sobrang sakit pa rin ng ulo ko. Kahit mukhang mababait sila ay baka hindi rin safe na nandito ako.
"Sandali lamang, binibini. May galos ka sa iyong braso at noo. Valentin, pakikuha ng mga halamang gamot. Akin muna siyang bibigyang lunas," sabi ni Ginoong Teodoro at naupo sa tabi ko. I stare at him hoping that he is already the Teodoro I am looking for.
Nang bumalik ang lalaking sumalubong sa amin na si Ginoong Valentin ay may dala na itong mga halaman. Herbal medicine siguro.
"Salamat, Valentin." Nagsimula si Ginoong Teodoro na gamutin ang mga galos ko. Napapangiwi ako dahil sa hapdi. Ayoko talaga sa mga halamang gamot pero ito lang yata ang option na mayroon ako rito.
"Anong nangyayari dito?" tanong ng isang bagong dating na lalaki. Hindi ko siya magawang lingunin dahil abala si Ginoong Teodoro sa paggamot sa galos sa noo ko. Nakapikit din ako dahil sa hapdi. Sana ay mabilis lang mawala ang hapdi nito. Hindi kasi talaga biro. Parang mahihimatay na ako.
"Nariyan ka na pala, Andres. Ito kasing sina Ladislao at Teodoro ay nagkulang sa pag-iingat. Nagalusan nila ang munting binibining ito." Nagulat ako sa pangalang binanggit ni Ginoong Valentin na kanina lang ay nanonood sa paggamot sa akin.
Andres?
Nilingon ko agad ang bagong dating at hindi ako makagalaw nang makitang naglalakad siya palapit sa akin. Sa bawat hakbang niya ay palakas nang palakas ang t***k ng puso ko. No, this is not a romantic movie scene pero ganito talaga ang nararamdaman ko. Kulang na lang ay mag-slowmo.
"G-ginoong Andres? Andres B-bonifacio?" Hindi ko na napigilan at sumingit na ako sa usapan nila. Hindi ako mapapakali hangga’t hindi ko nakukumpirma kung siya nga si Andres Bonifacio.
"Ako nga, binibini. Ang ngalan ko’y Andres Bonifacio. Andoy ang tawag sa akin ng nakararami. Paano mo ako nakilala?" Because you're an effin' respected hero. "May maipaglilingkod ba ako sa iyo?" Hindi ko na nasagot ang tanong niya nang tuluyan na akong mawalan ng malay.
—
Dahan-dahan akong nagmulat ng mata nang may naramdaman akong naupo sa papag na hinihigaan ko. Bumalikwas ako ng bangon pero agad ding nawala ang takot ko nang si Tonyo ang aking nasilayan. I heave a sigh of relief.
"Nagpunta rito si Isidro at nakita ka niya na walang malay. Agad niya itong ipinabatid sa akin kaya nagtungo agad ako rito. Nailahad na rin sa akin ni ’Ka Ladislao ang nangyari. Kumusta ang iyong pakiramdam?" nag-aalalang tanong nito. Medyo makirot pa rin ang noo ko pero nagawa ko siyang ngitian.
"Ayos na ako. Kasalanan ko rin naman. Uuwi na ako." Bumangon ako at tumayo na pero pinigilan ako ni Tonyo.
"Sandali lamang, Sab. Delikado sa labas dahil maraming kastila ang naglilibot. Mabuti na nga lamang at sina ’Ka Ladislao ang nakakita sa iyo dahil maging sa lugar natin ay marami ring kastila. Mas makabubuti kung ika’y mananatili muna rito. Mas ligtas kung naririto ka kahit ngayong gabi lamang." Hindi ko pinaniwalaan ang sinabi ni Tonyo kaya naglakad ako palapit sa bintana at sinilip ko pa ang labas mula rito sa itaas.
And he was right. Maraming kastila nga ang siguro'y nagpa-patrol. Hindi nga safe kung uuwi ako sa bahay ko. Baka sa paglalakad pa lang ay may sitahin na agad ako.
"Kailan ako makakauwi?" I asked. Medyo awkward kung mag-i-stay ako rito. I'm under the safe roof with Andres Bonifacio.
"Oras na masiguro kong ligtas na sa iyong tinutuluyan." Napangiwi ako sa sinagot niya. Never naman yatang magiging ligtas ang lugar namin as long as nandito pa rin ang mga kastila. Kaya ganoon din.
—