Kabanata 6

2024 Words
Kabanata 6 Sabrina's POV Sa tagal ng pag-uusap namin ni Oriang ay hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya. Nakatingin na siya ulit ngayon sa labas ng bintana at nakatanaw sa mga tao. Saka ako napaisip. She's the easiest way para makalapit ako kay Teodoro Plata dahil magpinsan sila. Pero hindi ibig sabihin na ginagamit ko siya dahil gusto ko rin talaga siyang maging kaibigan. Pinsan man niya si Teodoro o hindi. Wala lang, parang ang sarap niya lang maging kaibigan. "Nabalitaan mo ba ang pagkakadakip sa ilustradong si Rizal noong ika-anim ng hulyo?" mayamaya ay tanong niya matapos ang matagal na katahimikan. "Ha? Hmm, oo. Bakit?" Wala pa ako rito noon pero alam ko 'yon sa history kahit papaano. "Nagsimula ang pagiging abala nina Teodoro noong gabing yaon. Dinakip si Rizal at ibinilanggo sa Dapitan dahil sa pagkakatuklas ng La Liga Filipina." Bumuntong hininga siya. "At ang ikinatatakot ko ay maaaring malaki ang kaugnayan ng La Liga sa pinagkakaabalahan ng mga lalaking yaon. Sana ay hindi naman. Sana ay nagkakamali lamang ako ng hinala. Nakasisiguro akong hindi maiibigan ng aking ama kung masasangkot si Teodoro doon." "Huwag ka munang mag-isip ng kung anu-ano, Oriang," tanging nasabi ko dahil sobra na ang pag-aalala niya. I don't know how to ease her worries lalo pa't alam kong delikado nga ang pinagkakaabalahan ng pinsan niya. Baka mas lalo lang siyang mag-alala. "Hindi ko maiwasan, Sab. Lubhang mapanganib ang situwasyon ngayon ni Rizal dahil sa propagandang itinatag niya. Sana ay hindi na madawit pa ang iba." Dahil sa pag-aalala ni Oriang, pati ako ay nag-aalala na rin. Kahit pa may idea ako sa ibang puwedeng mangyari, hindi ko maiwasang kabahan. Tama siya, delikado nga si Rizal. 1892 ang kasalukuyang taon, Rizal will be shot on 1896. Apat na taon na lang ang natitira sa buhay niya. I wish I could help him para mas marami pa siyang magawa para sa bayan. Kung may magagawa lang sana ako. Pero ayokong pakialaman ang kanilang mga plano. Hindi ko puwedeng pigilan ang mga nakatakdang mangyari. Wala akong magagawa. Hindi ko puwedeng pakialaman ang kasaysayan. Hindi ko puwedeng pakialaman kahit ang pinakamaliit na detalye nito. Dahil sa isang iglap lang ay may maaaring magbago. — Mabilis lang na lumipas ang ilang araw ko rito sa panahong ito. At bawat pagmulat ng mga mata ko tuwing umaga ay umaasa akong sa panahong kinabibilangan ko na ako magigising. Ngunit narito pa rin ako sa taong 1892. Mabuti na lamang at hindi ako pinapabayaan ni Tonyo. Lagi niya akong inaalalayan. "Sab, sab!" Katatapos ko pa lang kumain ng tanghalian ay narinig ko na ang boses ni Tonyo at ang sunod-sunod niyang pagkatok sa pinto. Problema ng lalaking ’to? He might destroy the goddamn door. "Sandali lang naman! Nagmamadali? May lakad?" sigaw ko habang tumatakbo pababa para pagbuksan si Tonyo. Kahit kailan talaga istorbo siya. "Sisirain mo ba ang pinto ng bahay—" Napatigil ako sa pagsinghal sa kanya at nakaramdam ng hiya dahil hindi pala siya nag-iisa. Kasama niya si Oriang at isang lalaki na siguro ay ka-edad rin namin. "Sab, halika, sumama ka sa amin sa may burol. May dala rin kaming mga pagkain na makakain natin mamaya," sabi ni Oriang at tinuro pa ang basket na bitbit ng lalaking kasama nila. Sounds exciting. "Ito pala si Isidro, ang pinakamatalik kong kaibigan," pakilala ni Tonyo sa kanyang kaibigan. "Si Sab, bago naming kaibigan ni Oriang," I smiled at Isidro. Just like Oriang and Tonyo, Isidro looks friendly, too. I can have the best squad here. "Tunay nga ang ipinagmamalaki ni Tonyo, may kaibigan siyang ubod ng rikit. Ikinagagalak kitang makilala, binibini." Bigla akong nahiya kaya natawa na lang ako. Tonyo describes me exaggeratedly, huh? That's cute. Sumama ako sa kanilang tatlo. Gusto ko ring mamasyal kahit papaano dahil ilang araw na akong laman ng bahay. Kung lalabas man ako ay kina Tonyo lang ako pumupunta. Hindi rin naman ako madalas bisitahin ni Oriang dahil istrikto pala ang kanyang ama. As much as possible, I don't want to meet him. "Kailangan muna naming dumaan ni Isidro sa bahay na bato. Iaabot lamang namin ang isang liham para kay ’Ka Andres," sabi ni Tonyo habang naglalakad na kami. Andres? Like, Andres Bonifacio? "Nakapunta ka na ba roon, Sab? Malapit lang naman yaon. Sa kanto lamang nitong Azcarraga at Elcano," sabi ni Oriang at umiling ako. Baka magtakha sila kung bakit hindi ako pamilyar dito pero mas okay na ’yon kaysa magsinungaling. Kahit halos lahat ng information na binibigay ko sa kanila ay puro kasinungalingan na. "Hindi pa. Ngayon pa lang ako makakapaglibot sa lugar na ito," sabi ko at tumango siya. Isa sa mga kasinungalingan na ginawa ko ay nang sabihin ko kay Oriang na anak ako ng may-ari ng bahay na tinutuluyan ko. Hindi naman tumutol si Tonyo. Dahil sa totoo lang ay hindi nila kilala ang may-ari. Ang kuwento raw ng kanyang ina ay bigla na lamang siyang hindi na bumalik. "Hayaan mo, isang araw ay magpapaalam ako sa aking ama upang maipasyal naman kita," sabi niya. Nahihiya talaga ako sa kanila. Feeling ko hindi deserve ng tulad kong kabataan ang kabutihan nila. "Hayun, Sab! Malapit na tayo sa bahay na bato, natatanaw mo ba yaong may bilang na pitumpu't dalawa? Doon tayo pupunta." Tinanaw ko ang tinuturo niya at malapit na pala kami. Wait, am I going to meet Andres Bonifacio today? No, I'm not yet ready. Hindi pa ako nakaka-move on sa encounter ko kay Emilio Jacinto. Mabuti na nga lang at nasasanay na ako sa presensya ni Oriang. Pero kung silang dalawa ni Gat Andres ang magiging ganito kalapit sa akin, baka sumabog na ako sa intimidation. Ang hirap kumilos nito. Ang pinakanakakatawa pa ay wala silang kaalam-alam na isa sila sa pinakatanyag na bayani ng bansa. They deserve the recognition, though. "Halina kayo sa loob," yaya ni Isidro nang marating namin ang bahay na bato. Parang hindi ko kayang sumama sa kanila sa loob. I was about to say no to his invitation pero naunahan na ako ni Oriang. "Hindi na, Isidro. Maiiwan na lamang kami rito ni Sab," mabilis niyang sabi kaya nagtakha ako. Tiningnan ko siya ngunit hindi ko mabasa ang nasa isip niya. "Ngunit—" "Sige na, hihintayin na lamang namin kayo rito," I tell them. Nagkatinginan ang dalawang lalaki dahil sa hindi namin pagsama sa loob. "Kung iyan ang inyong nais. Hindi rin kami magtatagal sa loob upang hindi na kayo maghintay nang matagal. Mauuna na kami," paalam ni Tonyo at mabilis na pumasok sa loob ng bahay na bato. Nilingon ko si Oriang at ilang siyang ngumiti sa akin kaya naningkit ang mga mata ko. I smell something fishy with her. "B-bakit ganiyan ang iyong mga tingin sa akin?" she asked defensively. Wala pa man akong sinasabi ay nagkakaganito na siya. "Bakit ayaw mong pumasok sa loob? May iniiwasan ka ba?" dire-diretso kong tanong sa kanya. Alam kong mayroon. She's too obvious. "W-wala, sino naman ang aking iiwasan?" Marahan siyang tumawa ngunit hindi naitago ng pagtawang iyon ang pagkataranta sa tanong ko. "Nagtatanong lang naman ako, Oriang." I smirked playfully at nag-iwas siya ng tingin. Wait, did I just smirk at Gregoria de Jesus? God, talaga bang close na kami? Am I really her friend? Nagkatinginan kami ni Oriang nang may marinig na yabag na tila papalabas ng bahay. Dali-dali niya akong hinila papunta sa may gilid ng bahay para siguro magtago. May ilang kalalakihan ang lumabas kabilang sina Isidro at Tonyo. Ilang hakbang na ang layo nila sa amin bago sila huminto. May kausap sina Tonyo na lalaki ngunit nakatalikod ito sa direksyon namin kaya hindi ko siya makilala. May pinag-usapan sila ngunit hindi namin narinig dahil kapuwa mahihina ang mga boses nila. Nilingon ko si Oriang na nagtatago pa rin pero sa direksyon nina Tonyo nakatingin—sa lalaking nakatalikod sa amin, to be specific. What's up with him? "Sino ba ’yon?" tanong ko nang magsimula nang maglakad ulit papalayo ang mga kalalakihan ngunit naiwan na sina Tonyo at Isidro. "Si Andres..." Umayos ng tayo si Oriang. Ang ibig sabihin nito ay si Gat Andres pala ang may-ari ng likod na ’yon? Isa sa kinikilalang pambansang bayani sa aming panahon bukod kay Jose Rizal? Literal na nagtindigan ang balahibo ko. Pero... "Bakit kailangan mong magtago?" Natigilan si Oriang sa tanong ko. Hindi niya yata iyon inaasahan. But I really wonder why she's acting weird simula pa kanina. Parang hindi siya mapakali. Natatae ba siya or something? Hindi na ako nakakuha ng sagot mula sa kanya dahil nakalapit na pala sa amin sina Tonyo. "Paumanhin kung pinaghintay namin kayo. May hinabilin lamang si ’Ka Andres," sabi ni Tonyo. Hindi naman namin narandaman ang paghihintay. Nalibang ako sa pagbasa sa kinikilos ni Oriang. "Ayos lamang yaon. Halina sa burol?" yaya ni Oriang at nauna na sa paglalakad na para bang walang nangyari. Ewan ko na. Naguguluhan na ako sa kanya. She's acting unnatural. Nakarating kami ng burol nang wala man lang akong nakakausap. Si Oriang ay nauuna pa rin sa paglalakad samantalang sina Tonyo at Isidro ay nasa may likuran ko lang na may mga bagay naman na pinag-uusapan. Sana pagdating sa burol at i-set aside muna nila ang pag-iisip sa kung anumang iniisip nila. Baka masayang lang ang punta namin doon. Pagdating sa burol ay pumuwesto agad si Oriang sa ilalim ng puno. Inilabas niya ang isang maliit na lalagyan na kanyang bitbit. It's a sewing machine, I think. "May nalalaman ka ba sa pagbuburda, Sab?" tanong niya at umurong siya to give me space. Naaupo ako sa kanyang tabi. "Naturuan ako, pero hindi ko naman sineryoso." Totoo anv sinabi ko. Nakasama sa Livelihood subject namin ang ganitong mga gawain kaya may idea naman ako kahit papaano. Pero hindi ko hilig ang ganyang mga bagay. Masyadong mabusisi at nakakaantok. I'm into sports. "Mas mainam kung ikaw ay matututo ng mga ganito, Sab, na maaari mong pampalipas oras. Pagbuburda, pagluluto at pagtulong sa mga gawaing bahay ang panlaban ko sa pagkainip," sabi niya at nagsimula nang magburda. Pinanood ko ang bawat galaw ng daliri niya at halatang sanay na sanay siya. I think she's already doing it for quite long. I thought it would be boring pero hindi naman ako nainip kahit nanonood lang ako kay Oriang. Hindi ko na nga namalayan ang oras. Tinanaw ko sina Tonyo at Isidro sa may ibaba at kinawayan. They wave back at me. Ano kayang ginagawa nila roon? "Sandali lang, Oriang, pupuntahan ko muna sila," paalam ko sa kanya na abala pa rin sa pagbuburda. "Gusto mong sumama?" "Sige lamang, Sab. Mayamaya lamang ay bumalik na kayo rito upang kumain." Tumango ako dahil gutom na rin ako. Tumakbo na pababa ng burol. "Anong ginagawa ninyo?" tanong ko sa nagtatawanang mga lalaki at nilingon ako. "Halika rito, Sab. Samahan mo ako sa kabilang burol. May gagawin lamang ako. Ito kasing si Isidro ay tamad," natatawang biro niya. Itinuro ni Tonyo ang isa pang burol na hindi naman kalayuan. Mukhang maganda rin ang tanawin doon kaya pumayag ako. Inilahad niya ang kanyang kamay para alalayan ako. Sabay kaming umakyat ni Tonyo sa burol na sinasabi niya. Mabuti na lang at mababa lang ang mga burol dito kaya mabilis naming narating ang tuktok. Halos mapanganga ako nang tanawin ko ang mga nasa ibaba. It's very scenic. IG worthy sana pero hindi ko naman puwedeng i-post. Napakaganda. Kitang-kita ang simpleng pamumuhay noong unang panahon. It feels unusual. Instead of mauusok na sasakyan, mga kalesa ang natatanaw ko. Instead of towered buildings, mga kubo, puno at malalawak na bukirin ang makakakuha sa atensyon mo. Nakakapanibago. Pero ito ang mas gusto ko. Nakakaumay ang ma-traffic at mausok na kalsada. The view is inviting ang sarap matulog sa mismong kinatatatayuan ko. Kung hindi ko nga lang alam na nasa panahon ako ng mga kastila ay iisipin kong sobrang payapa ng kapaligiran at safe kung matulog man ako kung saan. Pero kahit gaano kaganda ang tanawin, nangingibabaw pa rin ang kapahamakan sa kamay ng mga kastilang matagal na tayong pilit na sinasakop.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD