Kabanata 5

2022 Words
Kabanata 5 Sabrina's POV "Maraming salamat po sa napakasarap na hapunan," sabi ko sa mag-asawa dahil nabusog talaga ako nang sobra. "Walang anuman, Sab. Sa susunod muli," sabi ni Mang Luciano. They are all nice. Mabuti na lamang at may nakainan ako ngayong gabi. "Aasahan ko po iyan," I joked at tumawa sila. "Puwede ko po bang makausap saglit si Tonyo?" paalam ko dahil gusto ko ring makausap si Tonyo na kaming dalawa lang. May mga bagay na kami lamang ang nakakaalam at nagkakaintindihan. "Oo naman. Sasamahan ka niya hanggang sa tapat ng pintuan ng iyong tahanan," sabi ni Aling Teofila. Niyaya na ako ni Tonyo na lumabas at inihatid sa tapat ng nagsisilbi kong bahay. Ni hindi ko alam kung kanino ba talaga itong bahay. Baka naman makasuhan pa ako ng trespassing dito. "Bakit nais mo akong makausap, Sab?" tanong ni Tonyo. Oo nga pala! "Walang kuryente sa bahay. Paano ako? Baka sobrang banas?" Iyon talaga ang kanina ko pa pinoproblema. Hindi mainit dito sa labas, maginhawa pa nga. Maging sa loob ay maginhawa rin kanina pero baka gusto ko kasi na sobrang lamig kapag natutulo ako. Nasanay ako nang may aircon. "Huwag kang mag-alala, hindi naman mainit. Maaari ba akong pumasok upang maipagsindi kita ng lampara?" Tumango ako at niyaya siya sa loob. Ngayo ko lang na-realize na sobrang dilim na pala sa loob ng bahay. I get my phone at nag-flashflight para makita ang dinaraanan namin. Mabuti na lang at puno pa rin ang battery ng phone ko. Kailangan kong tipirin ang bar nito. Papatayin ko ito para siguradong hindi magagamit ang battery. 'Yon nga lang ay walang signal sa lugar na ito. "Kay inam na kasangkapan. Iyan ba ay mula sa inyong panahon?" tanong ni Tonyo habang patuloy naming hinahanap ang lampara. Tumango ako ang ngumiti. Nakakatuwa ang mga reaction ni Tonyo. He's very innocent, in a nice way. "Oo. Cellphone ang tawag namin dito." Ipinakita ko pa sa kanya ang cellphone ko at napatitig siya rito. "Nakamamangha. Ngunit heto, narito ang lampara." Ipinagsindi niya ako ng lampara at iniabot iyon sa akin. Tinanggap ko ito. "Mauuna na ako. Ikandado mo ang pinto, baka bigla ka na lamang pasukin ng mga guwardiya sibil o ng mga kastila," paalala niya at bigla akong natakot. Are they really that scary? Kailangan ko rin ba silang iwasan. Sa pagkakaalam ko ay sobrang haba ng panahon na sinakop kami ng mga kastila. Kaya marahil nga ay kailangan kong mag-ingat sa kanila. "Salamat, Tonyo. Sana ay makabalik na ako sa aking panahon." I smiled and he smiles back at me. "Walang anuman, Sab. 'Yan din ang hiling ko. Sana bukas paggising mo ay nakabalik ka na sa taong iyong kinabibilangan." Tumangon ako. "Wala akong nalalaman sa panahon ninyo ngunit sa panahong ito ay hindi magandang tingnan na magkasama ang isang babae at isang lalaki na silang dalawa lamang lalo na't gabi," sabi niya kaya natawa ako. Sobrang conservative nga pala ang mga tao noon. "Normal ito sa panahon namin. Walang masama. Pero irerespeto ko ang nakasanayan ninyo. Kaya sige, salamat na lamang ulit." Tumango lang si Tonyo at naglakad na palayo. I locked the door as he adviced. Bitbit ang lampara ay nagpunta na ako sa kuwarto. Hindi ko maiwasang hindi ma-miss ang kuwarto ko. Matigas na papag lang ang hinihigaan ko rito, hindi komportableng higaan kung ikukumpara sa malambot kong kama sa totoo naming bahay. Pero mas pipiliin ko na ito kaysa matulog sa sahig, or worst, sa kalsada. Maswerte pa rin ako kahit papaano na mayroon akong matutuluyan sa ganitong pagkakataon. I just want to ask God kung ano ba ang plano niya sa pagpunta ko rito? May mission ba ako? Am I someone's reincarnation na may unfinished business? Totoo ba ang lahat ng ito? Hindi pa rin ako makapaniwala na puwedeng mangyari ang mga ganito. Mga tunay na bayani ang mga makakasalamuha ko sa pag-stay ko rito. I don't know how to feel. Kung alam ko lang na mangyayari ang ganitong mga bagay, e 'di sana nag-aral akong mabuti ng history. Hindi 'yong ganitong nangangapa ako sa kung anong role nila. Kung hindi ako nagkakamali, nasa Spanish colonial era ako. Kung saan halos lahat ay bayani. Ang bawat Katipunerong kabilang sa rebolusyon ay bayani. Nasabi ni Tonyo noong unang beses kaming nagkita sa 21st century na isa siyang Katipunero. Then Tonyo is also a hero. Kahiy gaano pa man ka-creepy ang situwasyon ko ay natutuwa pa rin ako kahit papano dahil mayroon akong mga kaibigan na bayani. Sa oras na makabalik ako sa panahon ko, alam kong hindi ko puwedeng ipagsabi ang mga naranasan ko ngayon dahil iisipin lang nila na nababaliw na ako. Hindi ko alam kung gaano katagal pa akong nag-isip pero nakatulog na ako. Kinabukasan ay umasa akong magigising na sa sarili kong kama pero pagmulat pa lang ng mga mata ko ay naramdaman kong nasa matigas na papag pa rin ako. Bumangon na ako at naligo. Mabuti na lamang at may mga damit dito na puwede kong maisuot. Kung sinuman ang may-ari nito ay sana hindi naman ako awayin oras na maaktuhan niyang suot ko ang mga ito. But I also hope she's still alive. It would be scary kung patay na siya. Nang matapos akong magbihis ay naisipan kong lumabas para saglit na maglibot. Gusto kong sulitin ang paglilibot habang nandito pa ako. Let's explore 1892. "Good morning, 19th century!" I quietly greeted paglabas ko pa lang ng bahay. Huminga ako nang malalim at nagsimulang maglakad. Isang gabi pa lang ang nagdaan pero iba ba ang pakiramdam ko rito. Hindi ba ako nangingilabot. Na-a-appreciate ko na rin ang bawat bagay nakikita at nadaraanan ko. Hindi pa man ako nakakalayo ay may nakabungguan na ako. "Lapastangan!" Nagulat ako sa sigaw ng lalaki. His voice was accented kaya halatang hindi siya Pilipino. I look at him at hindi nga ako nagkamali. He looks foreign at masama ang tingin sa akin. His eyes are furious. "Pasensya na, hindi ko sinasadya," kinakabahang sabi ko. Huwag naman sana siyang basta maninigaw. Sino ba siya sa inaakala niya? Kaunting respeto naman sana dahil nasa bansa namin siya. Marami siyang sinabi sa wikang espanyol na hindi ko nasundan dahil hindi ko naman naintindihan. "Layas!" sigaw niya sa harapan ko kaya halos mapatalon na ako. He's too rude. Nangha-harrass na siya. May Gabriela na ba sa panahong ito? May naramdaman na lang ako na humila sa braso ko. "Ako na ang humihingi ng paumanhin, senyor..." sabi ng lalaking humila sa akin. Nilingon ko siya at halata sa hitsura niya na bata pa siya. He's probably around Tonyo's age. May sinabi rin siya sa wikang espanyol pero hindi humupa ang galit sa kastila. "Mga walang silbi! Indio!" sigaw nito bago muling naglakad palayo. He screamed the word Indio like it's as kind of an insult. Saka lang natanggal ang kaba ko. How could Spanish be this rude sa lupang pag-aari namin? "Ayos ka lamang ba, binibini?" Halos makalimutan ko na ang lalaking tumulong sa akin. "Ayos lang ako, salamat." He checks me up upang masigurong hindi ako nasaktan physically. "Madalas ako rito sa Azcarraga ngunit tila ngayon lamang kita nakita rito?" sabi nito at tumango ako. I have to make up stories to avoid more questions. "Bagong lipat lang ako. Sab nga pala." Ako na ang naglahad ng kamay. Bilang pasasalamata na rin sa pagtatanggol niya sa akin. Ngumiti siya at tinanggap naman iyon. "Emilio ang aking ngalan. Tubong Tundo," pakilala niya. Nakaramdam na naman ako ng kakaibang kilabot. He's not the Emilio I know from history, right? Emilio Aguinaldo? Kidding. He's too young to be Aguinaldo. "E...Emilio?" tanong ko. Sana ay isang normal na Emilio lang siya. "Oo, binibini. Emilio Jacinto. Naparito ako upang kausapin ang aking kaibigang si Tonyo. Ngunit nasabi ng kanyang ina na nagtungo ito sa kanilang tahanan sa Kalookan." Hindi ko magawang sumagot sa sinabi niya. Si Emilio Jacinto? As in Philippine her Emilio Jacinto? Sinu-sinong bayani pa ba ang makikilala ko? Mababaliw na yata ako. Hindi kayang tanggapin ng sistema ko ang mga ito. Mabilis lang din na nagpaalam si Emilio Jacinto dahil may mga kailangan pa raw siyang puntahan. Mabuti na rin 'yon dahil hindi ko alam kung paano siya pakikiharapan. I don't even know how to address him. Should I you po and opo kahit pa halos magkasing-edad lang kami? Basic na sa history ang kaalamang si Emilio Jacinto ang utak ng Katipunan. It would be intimidating ang makasalamuha siya. Dahil sa nangyari kanina at sa takot na rin na makasalubong na naman ako ng isang kastila, minabuti kong bumalik na sa bahay. Ang pinakamahirap sa situwasyong ito ay ang katotohanang hindi ko alam kung ano ba dapat ang mga dapat kong gawin. Kung saan ako puwedeng magpunta at kung kanino dapat makipagkaibigan. Lalo na sa kung sino ang mga pagkakatiwalaan ko. Ilang minuto na rin akong nakaupo sa loob ng bahay na tinutuluyan ko nang makarinig ako ng katok sa pintuan. Wait! He must be a Spanish. Nakaka-paranoid ang naranasan ko kanina. Kahit nag-aalangan akong pagbuksan siya ng pinto ay ginawa ko pa rin. My worries were gone nang mabungaran si Oriang sa tapat ng pinto. "Magandang umaga, Sab!" masayang bati niya sa akin. Bagay sa kanya ang makalumang kasuotan. Sabi nga nila, dalagang Pilipina. Isang buhay na larawan ni Maria Clara. "Magandang umaga rin, binibining Oriang," I greeted her back awkwardly. Should I add po? "Binibining Oriang? Oriang na lamang ang itawag mo sa akin, Sab." She laughs demurely. "Siya nga pala, may dala akong piling ng saging." Iniabot niya sa akin ang may kabigatang piling. Binuhat niya ito nang mag-isa papunta rito? Nakakahiya. "Naku, hindi ka na sana nag-abala pa. Pero salamat, Oriang. Napakabuti mo talaga," sabi ko at pinatuloy siya sa loob ng bahay paakyat ng hagdan. "Kung makapagsalita ka na sadyang napakabuti ko ay tila ba matagal mo na akong kakilala," natatawa niyang sabi at nakagat ko ang aking labi. Hindi siya magiging bayani kung hindi siya mabuti. "Unang kita ko pa lamang sa iyo ay alam kong mabuti ka," sabi ko. Hindi ko naman puwedeng basta na lang sabihin na magiging isang kilalang bayani siya. "Kay sarap namang pakinggan ng iyong inihayag. Ngunit hindi iyan nanggaling sa akin, kundi kay Tonyo. Para daw may makain ka kahit papaano." Tonyo is a sweet friend. I can say that. "Nagkita kami kanina sa Kalookan, hinabilin ka niya sa akin. Samahan daw kita habang wala siya." Bigla akong nahiya. "Mabuti na lamang at pumayag ang aking ama na umalis ako nang ilang sandali," sabi ni Oriang. I feel like a burden pero natutuwa ako sa kanila ni Tonyo. Naupo kami ni Oriang at sa may bintana pumuwesto para makita ang mga nasa ibaba at labas ng bahay. "Bakit? Abala ba si Tonyo?" I asked as I watch people passing by this house. May mga kastila at Pilipino sa daan. Civil guards are guarding tightly. Tingin pa lang nila ay halatang pinagdududahan na ang mga simpleng passers by. "Kasama niya ang pinsan kong si Teodoro. May mga pinag-uusapan lamang sila." s**t! Si Teodoro Plata. "Nitong mga nagdaang araw, madalas silang umaalis at nagsasagawa ng pagpupulong. Aking nararamdaman na may inililihim sila," seryosong sabi ni Oriang. One thing came up on my mind, Katipunan. "Huwag mo nang isipin iyon, Oriang. Baka may lihim sila na para sa kanilang mga lalaki lang." Mula sa labas ng bintana ay inilipat ni Oriang ang tingin niya sa akin. She' really worried about it. Gusto kong sabihin na para sa bansa ang pinagkakaabalahan nila pero ayokong i-spoil ang Katipunan. Ayokong may mabago sa kasaysayan nang dahil sa akin. Kung mabubulgar man ang samahang iyon ay hindi dapat ako ang dahilan. Hihintayin ko na lang na ma-expose iyon na katulad ng nakasulat sa kasaysayan. "Hindi ko mawari kung bakit, Sab, ngunit iba ang kutob ko. Hindi ko maiwaksi ang kaba at bagabag." Bumuntong hininga siya at ganoon na lang din ang nagawa ko. Magtiwala ka lamang sa kanila, Oriang. Dahil sila ang magliligtas sa bayan. —
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD