Kabanata 4

2022 Words
Kabanata 4 Sabrina's POV It's like a splash of cold water. Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko. Hindi ako makakilos. hindi ako makahakbang. Maging ang pagbuka ng bibig ay nahihirapan ako. "H-ho?" hindi makapaniwalang sabi ko. Totoo ba ang lahat ng ito? Baka naman isa lang itong panagip-bangungot. Ngumiti ang ale at hindi yata nahalata ang pagkatuliro ko. Sa halip ay may sinulyapan sa likuran ko. "Tonyo!" tawag niya. "Halika rito, anak. Iyong batiin ang bago nating kapit-bahay." Nagulat ako sa tinawag niya. Nilingon ko ito at mas nagulat nang makita si Tonyo nga ang tumatakbo. Nang marating niya ang puwesto namin ay saka niya lang ako tiningnan. Namilog din ang kanyang mga mata dahil sa gulat. He didn't expect to see me here, too. "Anak, iyo munang abalahin ang magandang dilag habang ako'y nagluluto ng ating hapunan. Sunod ay isama mo ang binibini sa ating tahanan upang makasalo natin siya sa hapag," nagpaalam ang babae kaya naiwan kami ni Tonyo. "Totoo ka?" hindi makapaniwalang tanong niya. Ano bang klaseng tanong 'yan? Hindi naman ako gawa sa plastic. Yes, almost perfect ang features ko pero wala akong pinagawa sa akin. Natural ang lahat ng mayroon ako. I'm too young undergo plastic surgeries. "Nasaan ako? Anong lugar 'to?" Imbis na sagutin ko ang tanong niya ay hindi ko napansing nagtanong lang din ako. "Inakala kong isa lamang panaginip ang pagtungo ko sa mundo ng hinaharap ngunit ang iyong katauhan sa ngayon ay nagpapatunay na ikaw ay totoo. Sabihin mo, Sab, ikaw ay nagmula sa hinaharap, hindi ba?" Nanlumo ako sa katotohanang nasa ibang panahon nga ako. "Sandali, huwag mo sabihing nasa mundo ako ng nakaraan?" Kinilabutan ako sa sarili kong tanong. Huwag siyang magkakamaling tawanan ako, kahit ganoon ang ginawa ko sa kanya noong unang beses kaming nagkita. Hindi ko naman kasi alam na posiblenv mangyari ang ganoon. "Siyang tunay, Sab. Ikaw ay nasa taong isang libo't walong daan siyamnapu't dalawa," sabi niya at napatakip na lang ng mukha. Sinampal-sampal ko pa ang aking sarili para magising ako. This just a dream. Oo, panaginip lamang ang lahat ng ito. "Gising, Sab, gising," I whispered to myself. Breathe in, breathe out. Dati inis na inis ako sa tuwing ginigising ako ng mga katulong namin para mag-asikaso sa pagpasok sa school. But now, I wish one of our maids to storm in my room and wake me up. "Sab, tunay ang lahat ng ito. Maging ako man ay hindi ko pinaniwalaan ang nangyayari noong nasa panahon ninyo ako. Paano ka nga pala napadpad rito?" tanong niya. Saglit akong napaisip. Wala akong alam. Bigla na lamang nagbago ang paligid ko paglabas ko ng kuwarto. "Umikot pabalik ang orasan hanggang sa muli itong masira. Gusto ko nang umuwi sa amin, Tonyo. Paano ako makababalik?" tanong ko. Iba talaga ang pakiramdam ko. Kung sa mga antigong kagamitan sa shop pa lang kinikilabutan na ako, paano pa kaya kung ang buong paligif ko ay nasa sinaunang panahon? "Subukan nating ayusin ulit ang orasan," sabi niya. Tumango ako bilang pagsang-ayon dahil wala na akong iba pang nakikitang paraan kundi ang orasan. Tulad ni Tonyo ay ito rin ang hinihinala kong puno’t dulo ng lahat ng ito. Agad akong tumango at niyaya siyang pumasok ng bahay. Dinala ko siya sa kuwarto pero nagulat ako nang bigla na lamang nawala ang orasan sa kaninang puwesto nito nang iwan ko rito. Where's the goddamn clock? "Nasaan, Sab?" takhang tanong ni Tonyo. That's my question, too, Tonyo. Nasaan? Hinagilap ko ang orasan sa kabuuan ng kuwarto pero hindi ko ito makita. Natataranta akong lumabas ng kuwarto para tingnan ang orasan pero wala rin ito rito sa iba pang bahahi ng bahay. "Nasaan 'yon?" I asked myself frustratedly. Gusto ko na talagang umalis dito. Hindi ko na nga alam ang nangyayari, nawala pa yung kaisa-isang pag-asa namin para masagot ang mga katanungan ko. "Huminahon ka, Sab. Maupo ka at ikukuha kita ng maiinom." Inalalayan ako ni Tonyo na maupo sa isang kahoy na upuan at hinanap niya ang kusina ng bahay na 'to. Tuluyan na akong napaiyak at napasubsob sa mga palad ko. I don't even know who owns this house at kung bakit sa dinami-rami ng bahay rito ay dito ako nagising. "Daddy..." tanging nasabi ko. I badly want to go home. Ayoko na rito. I feel so unsafe here. Wala akong idea sa buhay na mayroon dito. "Narito ang maiinom, Sab." Iniabot ni Tonyo ang isang baso ng tubig at mabilis ko iyong tinanggap. Naubos ko na ang laman nito ngunit hindi pa rin ako makalma. Nahihirapan ako ipaintindi sa sarili ko ang mga nangyayari. Did I really time-travel? "Hindi puwede 'to. Nasa twenty first century ang buhay ko!" singhal ko kay Tonyo dahil wala na akong puwede pang ibang mapagbuntunan ng inis. I hope Cleo and Riri are here. "Naiintindihan ko ang iyong nararamdaman, Sab, dahil ganiyan din ang naramdaman ko noong napunta ako sa inyong panahon. Ngunit nababatid ko na katulad ng aking sinapit, ikaw ay makababalik din sa inyong panahon. Maghintay ka lamang." His words of encouragement didn't affect me. I'm still so lost. "We need to find a solution... A.S.A.P!" Natulala lamang si Tonyo sa sinabi ko kaya napairap ako. He's not helping. Hindi ko alam kung sino ang makakatulong sa akin. "Marahil ay mas mainam kung magtungo na tayo sa aming tahanan. Tutulungan ko lamang ang aking ina sa paghahanda ng ating hapunan." Wala na akong nagawa pa kundi ang pumayag. Wala akong choice kundi ang pakawalan si Tonyo dahil may mga kailangan din siyang gawin. "Mas makabubuti kung ikaw ay magpapalit ng iyong kasuotan." Napatingin tuloy ako sa suot ko. I'm still wearing my school uniform na sobrang layo sa mga kasuotan nila. "Wala akong dalang ibang damit," sabi ko sa kanya. Biglaan ang punta ko rito so imposibleng nakapag-impake ako. "Marahil ay mayroon sa iyong silid. Nasaan ba ang iyong silid?" tanong niya habang nililibot ang tingin sa kabuuan ng bahay. "Aba malay ko! Ngayon lang ako nakapasok sa bahay na ’to paano ako magkakaroon ng kuwarto rito?" singhal kong muli sa kanya. "Pero doon ako galing." Itinuro ko ang kuwartong pinanggalingan namin. Mabuti na lamang at mahaba ang pasensya ni Tonyo sa pagtataray ko. I know I need him but I just can't be nice to anyone right now. Masyadong frustrating ang pinagdaraanan ko para mapakalma. And Tonyo says he understands me. Naghanap si Tonyo ng puwede kong isuot. Iniabot niya sa akin ang isang simple at makalumang top, pati na rin ang mahabang palda. Napatitig pa ako rito bago siya nagsalita. Ito ba talaga ang mga kailangan kong isuot? Wala bang shorts? "Ano pa ang iyong hinihintay, Sab? Kinakailangan na nating magtungo sa aming tahanan." I roll my eyes at naghanap ng puwede kong pagbihisan hanggang sa lumabas na kami ng bahay. Nakakakilabot talaga ang kapaligiran. "Tonyo." May tumawag sa kanya paglabas pa lang namin. Sabay namin siyang nilingon. "Oriang, nariyan ka pala. Halika, may ipakikilala ako sa iyo," yaya ni Tonyo kaya lumapit ang magandang babae. Nakangiti niya kaming hinarap. "Ito ang aking kaibigang si Sab. Sab, ito naman si Oriang, isa ring mabuting kaibigan," pakilala ni Tonyo. Hinagod ko ng tingin ang babaeng ipinakilala ni Tonyo. "Magandang gabi, Sab. Nakatutuwa naman na sa wakas ay mayroon nang lalagi sa bahay na iyan." Mayroon nang lalagi? So does it mean na walang tumatao sa bahay kung saan ako nagising? "Ako nga pala si Gregoria de Jesus. Katulad ng lahat, Oriang na lamang ang itawag mo sa akin." Para akong nalagutan ng hininga nang malaman ang buo niyang pangalan. Gregoria de Jesus? As in Gregoria de Jesus? She's part of history, isn't she? A huge part of history, actually. "A-ako si Sabrina Anya Barrientos. Maaari mo akong tawaging Sab." I find it odd speaking up a very Tagalog word. Pero wala akong choice dahil baka hindi rin naman maintindihan ni Oriang kung magsasalita ako in English. "Kay ganda ng iyong ngalan. Maaari ba kitang maging kaibigan?" tanong niya at inilahad ang kamay. Napalunok ako. Ang isipin ko pa lang na mahahawakan ko ang kamay ng isang bayani ay kinikilabutan na ako. Kahit nanginginig ang aking kamay, tinanggap ko ang kanyang pakikipagkamay. "O-oo naman. Maaari mo akong maging kaibigan." I am now friends with Gregoria de Jesus. Kaibigan ko ang isa sa pinakatanyag na bayani. Wala akong masyadong alam sa kanya pero isa siya sa madalas kong naririnig noong grade school ako. "Sa wakas ay mayroon ulit akong nakadaupang-palad. Ikinagagalak kitang makilala, Sab." All I can do is just to smile at her. "Oriang, si Sab ay sa amin maghahapunan. Baka nais mong sumama?" tanong ni Tonyo but she smiled apologetically. "Naisin ko man, Tonyo, ngunit baka hinahanap na ako ng aking ama. Sa susunod na pagkakataon na lamang. Sab, mauuna na ako," paalam ni Oriang. Wala pa rin akong ibang naisagot kundi ang isang tango. Hindi pa rin ako makapaniwala na nakaharap ko ang actual na Gregoria de Jesus at hindi sa mga history book lang. "Siya si Oriang. Ang may-ari ng orasan na si Teodoro Plata ay kanyang pinsan," sabi ni Tonyo kaya napalingon ako sa kanya. "Totoo? Kailangan kong makaharap si Teodoro Plata," I tell him. Sana ay sinabi niya agad para naitanong ko kay Oriang kung saan namin mahahanap si Teododro. Pero parang nakakahiya naman ’yon. "Hindi ko maipapangako. Abala siya sa Katipunan." I don't care. We need to find Teodoro Plata. Kailangan kong mabawi ang orasan dahil nabili na namin iyon. Sa amin na ’yon. Wait, nasa nakaraan ako. So it means na siya pa rin ang may-ari ng orasan. Kahit pa! I need to meet him, A.S.A.P! Niyaya na ako ni Tonyo na pumunta sa kanila. Napakasimple lang ng mga bahay na natatanaw ko. Halos lahat ay gawa sa kahoy. It's not extravagant but it looks fresh living in there. Maging ang bahay na tinutuluyan ko ay maginhawa rin. "Ngayon pa lamang ay humihingi na ako ng paumanhin sa munti naming tahanan. Nababatid kong wala pa ito sa kalahati ng lawak ng bawat tahanan sa inyong panahon." "Ano ka ba, ayos lang," natatawang sabi ko at pinagbuksan niya ako ng pinto para makapasok na kami. Malinis ang bahay nila at presko rin sa loob. May iilang kagamitan. Hindi siya tulad ng bahay ng mga kaibigan ko sa panahon ko kaya nakakapanibago ang pumasok sa bahay ng isang kaibigan sa panahong ito. "Ina, narito na kami ni Sab," he informs his mother. Sa kusina agad ng kanilang bahay kami dumiretso at naabutan doon ang ina ni Tonyo na nag-aayos ng mesa. "Tama lamang ang inyong dating, anak. Katatapos ko lamang magluto. Maupo na kayo, tatawagin ko lang ang iyong ama." Lumabas ng kusina si Aling Teofila kaya naiwan kami ni Tonyo. "Hoy, Tonyo, anong ulam?" halos pabulong kong tanong nang makaupo na kami sa harap ng mesa. Tiningnan namin ang mga nakahain sa mesa. There'e a variety of dishes. "Kumakain ka ba ng mga iyan?" nag-aalalang tanong niya. Ngumiti ako at tumango. "Oo. Mahilig naman ako sa gulay," I assure him. Maraming klase ng gulay ang nakahain sa mesa at mukha namang masasarap. Mabuti na lamang at may malawak kaming taniman ng gulay sa Cavite kaya nakasanayan ko na ang pagkain nito. Wala akong magiging problema sa uri ng pagkain. "Paumanhin sa inyong paghihintay. Sab, ito ang aking kabiyak, si Luciano. Mahal, ito naman si Sab, ang dilag na aking tinutukoy," sabi ni Aling Teofila kaya tumayo ako. Mukha namang mabait ang ama ni Tonyo. "Magandang gabi po," bati ko at tinanguan niya ako. "Ganoon din sa iyo, binibini. Maupo ka na," sabi ni Mang Luciano. Naupo kami at nagsimula sa pagkain gamit lamang ang lampara na siyang nagsisilbing liwanag. Tahimik ang hapag, halatang may respeto sila sa biyaya sa mesa. Our dinner continues silently. Kahit nakakahiya ay dinamihan ko na ang kain ko dahil hindi ko pa alam kung kailan pa ulit ang susunod na kain ko. I'm so clueless here. Sana ay matapos na ang lahat ng ito. Please, God. Bring me back home.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD