Kabanata 3

1695 Words
Sabrina's POV "Maupo ka nga muna, maupo ka," sabi ko kay Tonyo at sumunod naman siya. Bakas pa rin sa kanya ang labis na pagkalito. Sabay kaming bumalik sa pagkakaupo namin. "Ako ay kasalukuyang nasa anong taon?" unang tanong na binato niya sa akin. "Twenty-eighteen...I mean, taong dalawang libo't dalawampu't dalawa," sabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung totoo ba ito pero may kung anong nagtutulak sa akin para maniwala. Hindi ko siya magawang pagtawanan. "Ngunit ako'y sa taong isang libo't walong daan siyamnapu't dalawa naninirahan." Nasapo ko na lang ang aking noo. Talagang pinaninindigan niya ang pagiging time-traveller niya? Hindi talaga siya titigil? Hindi ba siya napapagod? Noong isang pa niya ako pinagtititripan, ah? "Patunayan mo nga," sabi ko sa kanya. Kinuha ko ang aking bagong cellphone at nag-google. Ang luma kong phone ay ibinigay ko sa kanya. That was just my spare phone, tho. Kaya hindi rin ako nag-alangan dahil wala naman akong anumang personal and social media account na naka-login doon. Nag-search ako ng mga kasaysayang nangyari noong 19th century kung saan daw siya namumuhay. Nag-scroll ako at naghanap ng puwedeng itanong sa kanya. "Sino sina Gomez, Burgos at Zamora?" tanong ko habang nagbabasa ng facts about sa tatlong taong binanggit ko. "Ayon sa kuwento ng aking ama't ina, sila ang tatlong paring inakusahan, nilitis at hindi nagtagal ay hinatulan ng kamatayan. Wala ako gaanong nalalaman sa kanila dahil habang sila ay binibitay gamit ang garote, ang aking ina ay nagsisilang sa akin. Ikalabing pito ng Pebrero, taong isang libo't walong daan pitumpu't dalawa. Ayon din sa aking nalalaman, si Padre Jose Burgos ay malayong kamag-anak ng aking ama," sabi niya at tumango ako. In all fairness, mukha namang hindi scripted ang pagsagot niya at hindi tila kinabisado niya lang mula sa isang historical book. Para lang siyang nagkukwento. "Kinilala sila bilang tatlong paring martir," I informed him at bilang dagdag na rin sa mga sinabi niya. "Saan naman binaril si Rizal?" tanong ko at nanlaki ang mga mata niya. What? Anong nakakagulat sa tanong ko? Nagtakha ako sa kanyang reaction kaya tiningnan ko ulit ang nasa google. ‘Ika-30 ng Disyembre, 1896’. "Babarilin si Ginoong Rizal?" tanong ni Tonyo. Saka ko lang na-realize na galing nga pala siya sa taong 1892 at ang pagpatay kay Rizal ay 1896. Hindi pa nangyayari sa panahon niya ang kaganapang iyon. Fool, Sabrina! Ang spoiler ko! "Teka lang. Well moving on...ganito na lang ang gawin natin, mag-isip ka ng paraan para makabalik sa taon mo—kung totoo ngang galing ka sa mga nakaraang taon," I suggested at saglit siyang natahimik. Sa totoo lang, kung totoo ngang galing siya sa sinaunang panahon, wala naman akong magagawa. Kaya hindi ko alam kung bakit iniisip niya na ako lang ang makakatulong sa kanya. Wala kasi talaga akong idea kung anong nangyari at kung paano siya napunta rito. It's just happened na ako ang naroon noong gabing iyon. "Sa tingin ko'y ang tanging makakapagpabalik sa akin sa taong kinabibilangan ko ay ang siya ring dahilan kung bakit ako narito." But as if on cue, sabay kaming napalingon sa orasan. Hindi nga kaya nasira ang orasan habang nasa biyahe ako? At saktong nasa lugar ding iyon si Tonyo sa panahon nila kaya nang masira ang orasan ay nagkaroon ng ganoong pangyayari? "Sa anong lugar ka nga huling nanggaling bago tayo nagkita?" tanong ko. "Calle Azcaraga..." he answers at agad akong nag-type sa google sa phone ko. Sunod-sunod ang iling na ginawa ko nang mabasa ang result sa google. "Calle Azcarraga is an old street in Manila named after a distinguished Spanish family during the Spanish colonial period. Azcarraga is presently known as C.M. Recto Street, named after Senator Claro M. Recto—" Hindi ko na tinigil ang pagbabasa dahil muli akong nakaramdam ng takot. "Paumanhin, ngunit wala akong naintindihan." Napatitig ako sa atubiling si Tonyo. Recto was formerly known as Calle Azcarraga. I was in Recto that night, Tonyo was in Calle Azcarraga. Wait! Huwag mo sabihing naniniwala ka, Sabrina? "Paanong..." "Sa tingin ko'y oras na maayos ang orasang iyan, makababalik ako sa nakaraan," sabi niya at sinimulan nang ayusin ang grandfather's clock. Ang dami kong tanong sa utak ko pero pinili ko na lang manahimik. Ayoko nang madagdagan pa ang iniisip ko. He should fix that clock ASAP upang makaalis na kami. Marami siyang inaayos. Pati ang pendulum ay binaklas niya rin. "Matagal pa ba ’yan?" I asked. Naiinip na ako. Kung puwede lang iwan ko muna ang orasan dito at babalikan na lang oras na maayos ay ginawa ko na. Pero mahigpit na bilin ni daddy na huwag na huwag kong iiwan ang orasan. "Hindi ko masabi, binibini. Sandali, ano nga pala ang iyong ngalan?" tanong niya nang hindi nakatingin sa akin. He's still busy restoring the clock. Well he should be. Willing naman si daddy mag-pay nang malaki maayos lang ’yan. "Sabrina. Sabrina Anya Barrientos," pakilala ko. Nag-angat siya ng tingin sa akin at ngumiti. He's really cute, aminin na natin. Very masculine. "Kay gandang ngalan. Ikinagagalak kitang makilala, Soberanya." Napangiwi ako. Where did he get that name? "No, you misheard it. Hindi soberanya ang pangalan ko. Sabrina Anya," I corrected him. Ang ganda-ganda ng pangalan ko, e. "Paumanhin, Sabrina...Anya." Sa wakas ay naitama niya. "Sabrina na lang for short. Sab to make it shorter." Nangunot ang noo niya kaya napangiti ako. Hindi nga pala siya nakakaintindi ng ingles and that's cute. "Biro lang. Puwede mo akong tawaging Sabrina. Puwede rin namang Sab na lang kung tamad ka," sabi ko. "Kung iyan ang iyong nais, Sab," sabi niya. Oh, I didn't expect that. So, tamad siya? Ilang minuto pa ang lumipas ay hindi pa rin siya natatapos sa pag-aayos. I get my phone at tinext sina Riri para pauwiin na sila dahil mukhang matatagalan pa si Tonyo sa pag-restore ng orasan. Magpapaiwan na lamang ako rito dahil kaya ko namang iuwi iyan mag-isa. Nagawa ko nga last week, e. "Matagal pa ba ’yan?" inip na tanong ko at hindi na napigilan ang paghikab. Hapon na rin kasi at ganitong ay sa natutulog na ako sa bahay. "Tila anumang oras ay babagsak na ang talukap ng iyong mga mata. Bakit hindi ka muna umidlip?" suhestiyon niya kaya sumandal na ako sa rocking chair. Oo nga naman, bakit hindi muna ako umidlip? Mukha namang hindi na susumpungin si Tonyo ng kung anumang sakit ang mayroon siya kaya safe naman siguro kung matulog man ako sandali. "Pangako, sa iyong pagmulat, maayos na ang orasang ito." Tumango na lang ako at lihim na umasa sa sinabi niya. I closed my eyes and take a nap. Naramdaman ko na lang ang sampal sa aking pisngi na ako rin ang may gawa dahil parang may kung anong dumapo sa mukha ko. Dahil sa sakit ay nagising ang diwa ko. Nagmulat ako ng mata at naalalang umidlip nga pala ako sa kuwarto ng isang shop. Kung kanina ay may kasama ako, ngayon ay ako na lamang mag-isa. Naupo ako nang ayos at tiningnan ang orasan. Ang pendulum nito ay nakakabit na at umiikot na rin ang mga kamay nito. Naayos ni Tonyo. Ako lang mag-isa ang narito, ang ibig sabihin ba nito ay... Tumayo ako at nagmamadaling lumabas ng kuwarto. "Miss Sabrina," natatakhang bungad ni Father Sixto. "Naayos na ba ni Tonyo?" tanong nito. "Wala po si Tonyo sa loob." Kumunot ang noo ng pari sa aking sinabi. "Pero ngayon lang may lumabas sa inyo. Hindi pa siya lumalabas ng kuwarto." Nagulat ako sinabi ni Father. Nagtagumpay nga kaya si Tonyo? Tumakbo ako palabas ng shop at hinanap sa labas si Tonyo ngunit wala rin siya. Ilang minuto rin akong naghanap hanggang sa bumalik ako ng shop at binalikan ang orasan sa kuwarto. Hinarap ko ito nang hindi makapaniwala. Ilang minuto rin akong nakatitig lang dito. "You can't be serious," I tell the clock as if naiintidihan ako nito. Hinawakan ko ito at nangilabot ako. Biglang nag-iba ang pakiramdam ko sa orasan. Hindi ko maintindihan ang biglang pagtibok ng puso ko. Habang nakahawak pa rin ang kamay ko sa orasan ay bigla na lamang mabilis na nag-counter clockwise ang ikot ng orasan hanggang sa huminto ito sa pag-ikot. Ang pendulum ay ilang beses dumuyan. Bakit huminto na naman ang orasan? Sira na naman ba? Huwag naman sana. Wala na rito si Tonyo. Wala nang makakaayos niyan. Hassle na naman. Naglakad ako palabas para sana sabihin kay Father Sixto na nasira na naman ang orasan pero nahinto ako nang pagbukas ko ng pinto ay nag-iba nang kaunti ang disenyo ng shop. Mga luma pa rin naman ang narito pero parang nagbago ang puwesto. Nawala ang kaninang mga gamit na naka-display at ang mga gamit ngayon na narito ay ngayon ko lamang nakita. Paano nila nabago ang puwesto ng mga gamit sa shop nang ganoon kabilis? The fact na mostly sa narito ay malalaki at mabibigat Hinanap ko sa kabuuan ng shop si Father Sixto but there's no sign of him. Dahil sa paghahanap ko sa kanya sa shop ay nakaramdam na ako ng gutom. Ngayon ko pa lang naiisipang kumain. Mas mabuti kung kakain na muna ako bago bumiyahe pabalik ng Cavite. Naglakad ako palabas ng shop para maghanap ng makakainan. "Magandang araw, binibini. Ikaw pala ang bagong lipat sa tahanang iyan?" sabi ng isang matanda. Hindi ko maiwasang hagurin siya ng tingin. Nakasuot siya ng damit na hanggang wrist ang sleeves at mahabang saya na halos abot na sa lupa. Nakabelo pa siya at may hawak na rosaryo. "Ako nga pala si Teofila, magkatabi lamang ang ating tahanan." Nilingon ko ang bahay na itinuro niya. Ang dating mataas na gusaling katabi lang ng shop ay naging isang bahay na makaluma ang estilo. Nilibot ko ng tingin ang paligid at doon ko lang na-realize na ibang-iba ito. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko. "A-anong araw po ngayon?" I asked. "Ngayon ay ika-dalawampo ng hulyo," sagot nito. Tama naman ang petsa pero... "Anong taon po?" "Taong isang libo't walong daan siyamnapu't dalawa."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD