Kabanata 2

1522 Words
Sabrina’s POV Saglit akong tinitigan ng baliw na lalaki at tila inaalala kung saan kami nagkita. He's been bugging me for a week pero siya pala ay halos hindi na ako maalala? "Binibini? Ikaw nga ba iyan, binibini?" Sa wakas ay naalala niya. It's quite insulting na medyo natagalan siya sa pag-alala sa mukha ko. Is this face forgettable? "Ikaw ang dilag na sa aki‘y nakabunggo ilang gabi na rin ang nakararaan, hindi ba?" Nakangiti siyang humakbang palapit sa akin kaya natataranta akong humakbang paatras. "Diyan ka lang!" I warned him. Huminto naman siya at mukhang na-realize ang ginagawa niya. This is harassment. "Nabigla ka ba sa aking kilos? Paumanhin, binibini, ngunit labis lamang akong nagalak nang masilayan kang muli," sabi niya na ikinakunot ng noo ko. There he is again. Hindi ba siya naiilang sa pananalita niya? "Puwede bang ayusin mo ’yang pananalita mo? July pa lang! Next week pa ang buwan ng wika. Excited ka?" sabi ko sa kanya. "Katakha-takha ang inyong pamamaraan ng pananalita. Ang ilan sa inyong wika ay hindi ko na maunawaan pa. Pakiramdam ko ay nakatapak ang aking mga paa sa ibang bayan. Ikaw ba ay Mestizo?" naguguluhang tanong niya. "Mestizo?" Pati ako ay naguguluhan na sa kanya. Ano bang trip ng lalaking ’to? High na naman yata siya. He's so dangerous to be around with. "Mestizo, binibini. Ang mga magulang nila ay isang indio at isang kastila," paliwanag niya. Ang alam ko lang sa Mestizo ay maputi. Tisoy! Ganoon. "Ah, you mean half Spanish? ’Yong Indio? Ano naman ’yon?" Naupo ulit ako sa rocking chair at pinaupo ko naman siya sa monobloc sa tapat ko. Parang nagugustuhan ko ang trip ng isang ’to. Mukha rin namang wala siyang balak na makipag-usap nang matino. Pagbigyan natin. "Hindi mo nalalaman ang indio? Ang indio ay tayong mga tagalog." Gusto kong tumawa pero seryoso siya. Parang hindi niya nagustuhan na wala akong alam sa mga indio. Anong magagawa ko e wala naman talaga akong alam tungkol doon. "Tayo? Tayong mga Filipino?" Sobrang labo niyang kausap. "Kung gayon ay isa kang Filipino?" gulat niyang sabi. What the hell? Bakit parang gulat na gulat siya na isa akong Filipino? Yea, I have white skin pero hindi pang-foreigner ang features ko. Hindi rin naman ako singkit para isiping may lahi ako. "Hindi ka isang indio, kundi Filipino?" tanong niya. Paulit-ulit? "Oo, Filipino ako. Puro. Akala ko ba ay Tagalog ang mga indio? Tagalog ako. Ibig sabihin ay Indio ako. Filipino, nakatira sa Pilipinas," pagpipilit ko. Hindi niya ba ako ma-gets? "Nagkakamali ka, binibini. Ang Filipino ay mga insulares. Sila ang mga dugong kastila na isinilang sa bayang ito." Mas lalo na akong naguluhan sa mga pinagsasabi ng lalaking ’to. Wala akong pakialam kung anuman ang insulares na ’yon. Pilipino ang lahi ko, tapos! Pagulo na kami nang pagulo kaya minabuti kong tapusin na ang usapan. "Ikaw ba ’yong Tonyo na sinasabi ni Father Sixto?" pag-iiba ko sa usapan. Tumango siya. "Ako nga si Tonyo. Antonio Burgos..." Inilahad niya ang kanyang kamay. Kahit nag-aalangan ay tinanggap ko na lang. Magaspang ang kanyang kamay. Kamay ng mga tao na alam mong masisipaga at nagbabanat ng buto. I thought it was just a normal gesture, pero nagulat ako nang halikan niya ang likod ng kamay ko. Mabilis ko itong binawi. "Pleasure," ganting bati ko na lang. Hindi na ako komportable sa lugar na ito dahil sa mga lumang gamit pero mas lalo akong hindi naging komportable sa pagdating ni Tonyo. He's actually looked harmless. But looks can be deceiving kaya mas mabuti na ’yong nag-iingat. "Ito ‘yong ipapa-restore namin. Baka kaya mo," sabi ko at buong pagtatakha na naman niya akong tiningnan. Ano na naman? "Maaari mo bang liwanagin, binibini? Ipapa... Paumanhin, ngunit hindi ako isang ilustrado at wala akong nalalaman sa wikang banyaga." Joke lang lahat ng pinagsasabi niya, ’di ba? Malakas lang talaga ang trip ng lalaking ito, ’di ba? "Ilustrado?" pikon na tanong ko. Kung kanina ay na-e-enjoy ko pa ang trip niya, pero ngayong nagugutom na ako ay baka hindi ko na siya matantiya. Nakakaubos siya ng pasensta. He thinks it's funny? No! "Ako'y nagugulumihanan na. Maging ang ilustrado ay hindi mo nalalaman? Ang ilustrado ay ang mga nakaaangat sa buhay. Mga nakatapos ng pag-aaral," paliwanag niya. Nasapo ko na lang ang aking noo. "Mahilig ka ba sa kasaysayan? Bakit ang dami mong alam?" seryosong tanong ko. "Sa hirap at pasakit na dinaranas natin sa kamay ng mga mapang-alipustang kastila ay nararapat lamang na aking pahalagahan ang ating kasaysayan. Ilang daang taon na rin tayong sakop ng mga Espanyol. At nais kong mapabilang sa nalalapit na pinakamahalagang kasaysayan na nakatakdang maganap sa ating lupang sinilangan. Ako, kasama ang mga kapuwa ko Katipunero ay nangangakong makakamit ang kasarinlang ating hinahangad." Punong-puno siya ng kumpyansa at kasiguraduhan na magtatagumpay nga siya sa kung anumang binabalak nila. Gusto kong tumawa pero napipigilan ako ng mga expression niya. He looks so damn serious. "May tanong lang ako, ’no?" sabi ko. "Magsalita ka, binibini..." he demands. "I'm sorry, pero high ka ba? Medyo naguguluhan na kasi ako sa iyo. Nasa twenty first century na tayo pero kung makapagsalita ka para kang sinaunang tao." Dinaan ko na lang sa biro ang sinabi ko para naman hindi siya ma-offend. "Twenty first...century? Maaari bang malaman ang kahulugan ng wikang banyagang iyan?" Napairap na lang ako pero pinagbigyan ko na rin. "Twenty first century. Ika-dalawampu't isang siglo." Nagulat ako nang bigla siyang napatayo dahil sa sinabi ko. Nanginig din ang kanyang labi na tila hindi mahagilap ang dapat sabihin. "Ika-dalawampu't isang siglo?" ulit niya at tumango ako. Namutla ang buo niyang mukha kaya nag-alala ako. "Hindi magandang biro iyan, binibini," sabi nito kaya napatayo na ako. No, this can't be. "Alam ko na ang sunod mong sasabihin. Na galing ka sa taong nineteen-kopong-kopong at nag-time travel ka at—" "Nagsusumamo ako, binibini. Nais kong maunawaan ang iyong inihahayag kaya kung maaari ay gumamit ka ng wikang aking mauunawaan—tagalog," sabi niya. Hindi ko siya magawang tawanan dahil kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagkalito sa mga nangyayari. Lumakas ang t***k ng puso ko. "Hindi...imposible." Napaatras ako at muling napaupo sa rocking chair. Imposibleng nagmula nga siya sa nakaraan. This guy was drugged. Tama! I should call the cops. I don't wanna be judgmental pero mukhang may masamang bisyo ang lalaking ito. Sayang, cute pa naman sana siya. "Noong gabing una tayong nagtagpo, nasa Calle Azcarraga ako noon." Inalala ko ang gabing iyon. "Nagulat na lamang ako nang pagmulat ako ay nakahandusay na ako sa hindi pamilyar na kalsada. Noong gabing lisanin mo ang lugar na iyon ay natagpuan ako ni Padre Sixto at pinatuloy rito sa gusaling ito. Ang buong akala ko‘y napadpad lamang ako sa ibang bayan ngunit hindi lamang pala iyon ang nangyari. Ako ay napunta sa isang siglo na hindi pa nangyayari. At ikaw binibini ay nagmula sa hinaharap," sabi nito. "Excuse me? Whether you're telling the truth or not, nandito ka sa panahon ko. Therefore, nasa tamang panahon ako at ikaw ang galing sa nakaraan." "Gayunpaman ay hindi ko pa rin ito gusto. Kinakailangan ako ng Katipunan. Ngunit hindi ko man lamang magawang lumabas ng gusaling ito dahil wala naman akong nalalaman sa lugar na ito. Nakikiusap ako, binibini. Kinakailangan ko nang makabalik ng Kalookan!" sabi nito. "Sandali lang, Tonyo! Puwede ba, hindi na nakakatawa, ha?" singhal ko sa kanya ngunit hindi siya natinag. Ayoko na. Nakakabaliw! Hanggang sa mabaling ang tingin niya sa grandfather's clock sa tabi ko. "Iyan ba ang nais mong ayusin ko?" tanong niya at tumango ako. Akala ko ay ayos na ang lahat, na tapos na ang kahibangan niya at sisimulan na niyang ayusin ang orasan, ngunit napailing siya. He looks so disappointed. "Ipinagpaalam mo ba iyan kay Teodoro?" tanong niya. Napapikit na lang ako dahil nag-mention na naman siya ng pangalan. Mga pangalang hindi ko naman kilala. "Sino na naman ’yon?" I whined. Sumasakit na ang ulo ko sa kanya. Sana naman ay tigilan na niya ako. "Si Teodoro Plata. Isa sa mga namumuno ng Katipunan. Pagmamay-ari niya ang orasang iyan," sabi niya at humakbang palapit sa orasan. Iniurong niya iyon para ipakita sa akin ang likurang bahagi. At ngayon ko lang napansin ang pangalang nakaukit doon. Ang pangalan ng sinasabi niyang may-ari ng orasan. ‘Teodoro Plata’ Nilingon ko si Tonyo at nakatingin din siya sa akin. He's looking at me intently. Tila may gusto siyang ipahiwatig. "Ikaw ang kasama ko noong gabing napadpad ako rito. Nakasisiguro akong ikaw rin ang makapagbabalik sa akin sa mundo ko. Tulungan mo ako, binibini," sabi niya. What help is he expecting from me? Ilipad siya pabalik sa sinasabi niyang panahon niya? Natulala na lang ako sa kanya dahil hindi ko pa rin alam kung paniniwalaan ko ang mga bagay na ito. Hindi kasi talaga ito kapani-paniwala. Sino ba sa tingin niya ang maloloko niya? Nahihibang na siya. Ngunit mas nahihibang na yata ako dahil unti-unti na akong naniniwala sa kahibangan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD