Kabanata 1

1421 Words
Sabrina's POV "Hindi ka ba talaga sasama, Sab?" tanong ni Riri nang makalabas kami ng classroom. Umiling ako at tipid na ngumiti. Wala rin naman kasi akong choice. "No, girls, sorry. Inuutusan kasi ako ni daddy to go back to Recto. Baka raw kayang ayusin ng may-ari ’yong grandfather's clock na naipanalo niya sa auction. Next time." I smiled apologetically para hindi na sila magtampo. Planado na kasi namin ang pagsa-shopping ngayon pero bigla akong inutusan ni daddy kaninang umaga. Hindi ko naman siya puwedeng suwayin dahil baka ma-cut ang allowance ko. Mas lalo akong mawawalan ng pang-shopping. "Recto again? Kagagaling mo lang diyan last week, tight? Kaya ba van ang gamit mo ngayon?" singit ni Cleo kaya napatingin ako sa van namin. Marahan akong tumango. "Yea, para magkasya sa loob ’yong clock. Nasira pala kasi ’yon along the way noong pauwi ako that night. Kaya nga napagalitan ako, ’di ba?" Nagpatuloy kami sa paghakbang palapit sa van na naka-park. "So, as my punishment, I need to bring it back there. Dinala na rin kasi ni dad sa iba't ibang shops but hindi nila naayos." Huminto kami nang marating ang tapat ng van na gamit ko. "You should have told your dad that it's because of the weird guy na humarang sa kalsada. You know, baka nasira dahil sa impact ng pagpreno mo." Umirap si Riri dahil sa panghihinayang na hindi kami matutuloy ngayon. Kahit naman ako nanghihinayang dahil planado na ang lahat maging ang bibilhin ko. Pero anong magagawa ko e gusto ni daddy na maibalik sa shop ang orasan ASAP. "You think dad would buy that? No." I shook my head. Naikuwento ko sa kanila ang tungkol sa nangyari sa akin last week at maging sila ay natakot at na-frustrate nang ilarawan ko kung paano kumilos at magsalita ang lalaki. "Fine, sasama na lang kami sa iyo!" Cleo suggested at binuksan ang sasakyan. Excited sila ni Riri kahit hindi pa ako pumapayag. Alam kong hindi rin naman sila magpapaawat at wala na rin naman akong magagawa pa kaya umikot na ako papunta sa driver's seat at nag-drive palabas ng campus. "Just make sure na hindi ninyo ako tutulugan sa biyahe," I warned them at sabay silang tumango. May ilang oras din ang kailangan naming i-biyahe mula Cavite hanggang Manila. Kung ako ang masusunod ay ayoko na talagang bumalik pa sa lugar na iyon. Pero iniisip ko kasi ang galit ni daddy. He believes it's my fault and wants me to pay the price. Pero tulad nga ng pangako nina Cleo at Riri ay hindi sila natulog buong biyahe kaya may kasama ako at hindi nainip. Natanaw ko na ang pamilyar na kalakhang Maynila. Ang mga nagtataasang gusali na nadaanan ko noong isang linggo. Ang ibig sabihin ay malapit na kami. Malaki ang Maynila, siguro naman ay hindi ko na muling makikita ang lalaking nakaharap ko noong isang linggo. "Sab, gala muna tayong Luneta Park," Cleo pleaded kaya napangiwi ako. "Luneta Park?" I scoff. Ano sila, bata? "Huwag na, guys. There's no fun there. At saka ngayon pa kung kailan malapit na tayo," sabi ko habang nililiko na ang sasakyan sa Recto Avenue. Marahan kong sinipat ang bawat palatandaan ko para matukoy ang eksaktong gusali na pinagkuhanan ko ng grandfather's clock. "Enjoy sa Luneta, Sabrina. You've never been there, right? Hindi ka kasi sumama noong nag-educational tour tayo noong senior high," Cleo teases. Naalala ko ang trip na tinutukoy niya. Natawa na lang ako at napailing dahil ‘yon ang mga panahon na mahilig akong maglakwatsa. Hindi lang ako nakasama noon dahil nagkasakit ako. Hindi siguro talaga para sa akin ang Luneta Park. "Ito na ba ‘yon?" tanong ni Riri nang mag-park ako sa tapat ng 3-storey building at pareho silang nakatanaw ni Cleo sa bintana. Nililibot nila ng tingin ang kakalsadahang ito. Hindi ko mabasa ang nasa isip nila. At ang malinaw lang ay gusto na nilang bumaba. "Yes. Let's go." Bumaba na kami at pinagtulungan naming ibaba ng sasakyan ang grandfather's clock dahil natatakot akong maibagsak ito at mas lalong masira. Maingat namin itong ipinasok sa building at muli kong nakita ang mga makalumang kagamitan. "Miss Sabrina," bati sa akin ng pari na may-ari ng antique shop. He's too old at puro puti na ang kanyang buhok. "Magandang hapon po, Father Sixto," bati ko at inilapag ang orasan saka kami nagmano na tatlo. Nabaling ang tingin niya sa orasan at nabakas ang pagtatakha sa kanyang mukha. "May problema ba sa orasan, Miss Sabrina?" tanong nito at nilapitan ang orasan. Hinagod niya ito ng tingin habang naglalakad paikot dito. "Hindi na po kasi yata gumagana, Father. Pinakumpuni na po ni daddy pero wala rin pong nagawa kaya pinasadya na po namin dito dahil baka may mga gamit po kayo rito pangkumpuni." He continues checking the entire clock. He's not bother. Tila wala lang sa kanya nang sabihin ko na may sira ang orasan. "Hindi gumagana? Hindi ba't gumagana pa iyan nang isakay sa sasakyan mo noong gabing pinick up mo ‘yan?" Sa wakas ay nagkoment ang pari. Tumango ako. "‘Yon nga po, Father. Siguro dahil sa biyahe. Can you fix it? Handa naman pong magbayad si daddy," pakiusap ko at saglit siyang nag-isip. "You've said na ilan na rin ang sumubok umayos niyan pero walang nangyari. So, I suggest na sa pamilyang may-ari niyan na lang kayo lumapit." Nanlumo ako sa sinabi ni Father. Ibig sabihin ay kailangan ulit naming dalhin ang orasan sa ibang lugar? "Ganoon po ba, Father?" tanong ko at tumango siya. "Maaari kasing sila lang ang may alam kung paano i-restore ’yan. I don't think my men can do it," sabi niya. Nagkatinginan kami nina Cleo at Riri at sabay silang nagkibit-balikat to tell me na wala silang magagawa. Pero saglit ulit na napaisip si Father Sixto at natahimik. Muli siyang nagsalita nang tila ay may maalala. "May bago akong tauhan dito. Marami siyang nalalaman sa pagkukumpuni ng mga vintage na bagay. Subukan natin kung kaya niya iyan," patuloy niya at napangiti ako. Sana naman ay kaya niyang ayusin ang orasan para hindi na hassle sa pagpapalipat-lipat ng orasan dahil baka mas lalong masira kung laging ibabiyahe. Father Sixto excused himself para tawagin saglit ang bago niya raw na tauhan. Dinala naman kami ng assistant ni Father sa isang room at binuhat na ng ibang tauhan ng shop ang orasan upang isunod sa amin. Hindi namin maiwasang hindi mapansin ang mga lumang gamit sa kuwartong pinasukan namin. Nakakapanindig balahibo ang lugar na ito. Para kaming literal na dinala sa sinaunang panahon. Mga antigo ngunit halatang inaalagaang mabuti sa shop na ito. Marahil ang ilan dito ay daang taon na ang tanda. Ang mga antigong ito ang mga piping saksi sa ilang digmaang pinagdaan ng Pilipinas. Whoa! Kailan ka pa naging historical, Sabrina? "Hindi ka ba nagugutom, Sab? Kakain muna kami ni Riri sa labas," Cleo asks that pulled me out from my deep thoughts. Pero tumanggi akong kumain na muna. Mamaya na lang siguro ako kakain. Hihintayin ko na lang na bumalik si Father. Sinamahan sila palabas ng assistant ni Father Sixto kaya naiwan akong mag-isang nakaupo rito sa rocking chair. Sa tabi ko lang nakatayo ang grandfather's clock. "Sorry for keeping you waiting, Miss Sabrina. Tinatapos lang ni Tonyo ang ginagawa niya," sabi ni Father kaya napatingin ako sa kanya. Ngumiti ako ang tumango. "Pero maiwan na muna ulit kita, Miss Sabrina. May ilang customers lang ang shop. Susunod din naman agad si Tonyo rito," paalam ni Father. "Sige lang po, Father. Take your time po." Lumabas na ulit siya ng kuwarto. Okay lang na maghintay na maayos ang orasan kaya dalhin na naman sa iba. Naiwan akong muli na mag-isa rito sa kuwarto. Sumandal ako at marahang idinuyan ang upuan. Hindi ko mapigilan ang mapapikit sa ambiance ng lugar na ito. Kinikilabutan talaga ako. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ako. Napahinto lang ako sa pagtutumba-tumba at napadilat nang marinig ang pagbukas ng pinto. I thought it's Father Sixto again but no. Napatayo ako nang makilala ang pamilyar na mukha ng isang lalaki. Hindi ako puwedeng magkamali. Hindi ko puwedeng makalimutan ang pagmumukhang iyan. Ang pagmumukha ng baliw na lalaking nakaharap ko noong isang linggo. Sinampal-sampal ko ang aking sarili dahil baka nagha-hallucinate lang ako pero totoong nasa harapan ko siyang muli. "Ikaw?" gulat na salubong ko sa kanya. Ano na naman bang nagawa kong kasalanan at pinaglalaruan na naman ako ng tadhana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD