Prologue

970 Words
— Sabrina — Kasalukuyan akong nagda-drive pauwi nang bigla akong napa-preno dahil may nakita akong isang lalaki na bigla na lamang tumawid ng kalsada at natumba. Bukod sa madilim dito dahil ilang lamppost ang walang sindi, hindi rin ako pamilyar sa lugar na ’to. But what? Did I hit the guy? Hindi naman siguro. Mabilis akong bumaba ng sasakyan at lumapit sa kanya. I saw him with his eyes closed. I don't know if I'm just being defensive but I'm pretty sure na hindi ko siya nahagip kahit kaunti. Sana nga ay hindi. I'm too young to be jailed. "Wait—what if I got killed him..." bulong ko sa aking sarili at lumuhod to check his dead body. Dead body? Enough, Sabrina. He's not yet dead. Marami ka pang pangarap sa buhay. Dahil sa pagtitig ko sa kanyang katawan ay napansin kong there's something the way he dresses. It looks...makaluma. "He's moving! He's moving." Halos mag-hysterical na ako. Hindi ko kasi alam kung matutuwa ba ako dahil hindi ko siya napatay or matatakot 'cause he might kill me if ever na maka-recover siya mula sa pagkakatumba. Paano kung isa lang pala itong modus? Mas lalo akong nataranta at mas tumindi ang paniniwala kong isa nga lamang itong modus nang may makitang itak sa tabi niya. Napalunok ako. "Okay, ngayong gising ka na, I'm so relief na wala pala akong napatay. Bye! Here's the money kung kailangan mong magpa-hospital." Wala na akong pakialam kung modus lang ba ’to or what but I get my wallet at naglapag ng five thousand sa dibdib niya. Patayo na sana ako para bumalik ng sasakyan but I stopped when he holds my arm. "Binibini, maaari bang magtanong?" Dahan-dahan siyang umupo. Anong balak niya? Hindi pa ba sapat ang ibinigay ko sa kanyang pera? Napapangiwi siya at halatang iniinda ang bandang rib niya dahil yata sa pagkakabangga ko sa kanya. Nabangga ko talaga siya? Hindi ko talaga maalalang may natanaw ako noong nasa malayo pa lang ako. Maging ako ay nagtakha na lamang nang sumulpot siya bigla sa harapan ng sasakyan ko. "I-I'm sorry. I'm in a hurry," I tell him pero nanatili siyang nakahawak sa braso ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto ko na lamang sumigaw. "Tila bihasa ka sa pagsambit ng wikang banyaga, binibini. Ngunit maaari bang magtanong?" What the hell? Ang weird niya magsalita. "Pasensya na but I don't have time para makipagbalagtasan sa ’yo." Hindi ko akalain na may ganito pa ring tao na malalim kung magsalita. To think na halata sa kanyang mukha na magkasing-edad lang kami. Is he high or something? "Nais ko lamang sanang malaman kung naparito ba si Ka Andres? Maaari din bang malaman kung anong lugar ang kinaroroonan ko ngayon? Ngayon lamang ako nagawi sa kalyeng ito." Hindi ko alam kung matatawa ba ako or mawi-weirduhan sa kanya. "Andres? Andres Bonifacio?" I mock him and I can't help but to laugh at my stupid sick joke. Who the hell Andres is? Malay ko ba kung sino ’yon. Kung hindi siya taga-rito, hindi rin ako taga-rito. "Siya nga, binibini. Inatasan ako ni ’Ka Andres na lipunin ang ilang katipunero dahil mayroon daw siyang nais ihayag." Napakunot ang noo ko pero bahagya rin naman akong natawa. "Ha? Katipunero?" Wait, this is gonna be fun. "Maaaring wala kang nalalaman patungkol sa katipunan dahil isa lamang itong bagong tatag na pangkat at lihim na samahan ng mga rebolusyonaryo. Ngunit wala pa kasi si ’Ka Andres at kanina ko pa siya hinahanap sa kahabaan nitong Calle Azcarraga. Nasa pagpupulong na ang aming mga kasapi at siya na lamang ang hinihintay." Napatakip ako ng bibig para pigilan ang sarili ko sa pagtawa. "Alam mo kung saang lugar ka dapat magtungo, ginoo, para mahanap ang iyong sadya?" Ginaya ko ang paraan ng pananalita niya. This is rude pero malapit na akong mabaliw dahil sa kanya. "Saan, binibini? Kung iyong mamarapati‘y nais ko sanang mabatid," "Sa mental!" sabi ko at natawa nang tuluyan. Nagpatuloy ako sa paglalakad pabalik ng van. Ngunit nakakailang hakbang pa lamang ako ay may humila na naman sa braso ko. Mas lalo akong nataranta. "Binibini—" "What? What do you want? Kulang pa ba ang perang binigay ko sa iyo?" I asked at dumukot agad ako sa bag. Inilabas ko ang lahat ng mayroon ako. Wallets, cards pati ang mga gadget ko ay iniabot ko sa kanya. "Stop following me!" Saka ako nagpatuloy sa pagtakbo at nagmamadaling sumakay ng van dahil baka modus nga talaga ito at may mga kasabwat pa siya. Bigla kong naalala ang mahalagang gamit na iniwan ko rito sa van. Nilingon ko sa backseat ang vintage grandfather's clock na pina-pick up sa akin ni daddy. Naipanalo niya ito sa isang auction sa malaking halaga na pagmamay-ari ng isang pamilya rito sa Recto. Hindi niya ipinagkatiwala sa delivery services ang orasan kaya intusan niya akong personal itong pick-up-in sa antique shop. Papagalitan ako kapag nanakaw ito sa akin. Kaya hindi dapat ito mawala o manakaw habang nasa pangangalaga ko ngayong gabi. Nakahinga ako nang maluwag nang masigurong safe ang orasan at narito pa rin sa sasakyan. I drove away from this hell of a place. — — DISCLAIMER: Tonyo and Sabrina's characters are fictional. I want to narrate my knowledge about history thru Sabrina's point of view. I want her to narrate the version of the history I know. Marami po tayong version ng history from different historians. Some were stated in school textbooks, some were not—mababasa n’yo lamang if you'll dig deeper into our history. And I love reading books and blogs about history. Join me as I time-travel to my favorite part of our history... the greatest and the bravest Kataas-taasan, Kagalang-galangang Katipunan ng mga anak ng bayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD