Kabanata 56 Sabrina's POV Kahit pa pumayag na si Sergio na pakawalan ako mula sa mga tanon niya ay halata kong may mga bagay pa rin sa kanya ang hindi magpapatahimik. Alam ko kung ano ang pakiramdam ng hindi matahimik sa isang bagay na nais mong malaman. "Halika na, Sab?" sabi ni Tonyo pero naiwan kay Sergio ang mga tingin ko. Bahagya akong nakaramdam ng guilt dahil hindi ko siya masyadong binibigyan ng pansin kahit pa alam ko na malaki ang naging utang na loob ko sa kanya. Pero kung pagbigyan ko nga siya sa kanyang mga tanong, paano ko naman iyon sasagutin nang hindi natataranta. Gayong iniisip ko pa lang ang mga bagay na itatanong niya ay hindi ko na maiwasan ang mabahala. May kung ano na rin tuloy sa akin ang nagnanais na malaman ang mga katanungan niya. Once and for all ay masa

