Kabanata 57 Sabrina's POV "Totoong napaka-imposible nga ng lahat ng sinabi ko, Sab. Ngunit nais ko lang talaga na malaman at marinig sa iyo mismo ang totoo. Nais ko na iyong bigyan ng paliwanag ang sasabihin ko. Hindi sa mga nasaksihan ko ako nahihibang kundi sa mga katanungan at paliwanag tungkol sa mga nasaksihan kong hindi pangkaraniwan sa iyo." Huminga ako nang malalim na tila ba naiinip na ako sa usapan naming ito. Gusto kong maramdaman niya na wala itong pupuntahan. "Nais ko rin sanang tanungin ka, Sergio. Hindi ba at sinabi mo na tila nakita mo rin ako na naglaho noon? Ang ibig sabihin lamang na nandoon ka noong mga panahong pinagtatangkaan ang aming buhay ni Tonyo. Bilang malapit niyang kaibigan, bakit tila hindi mo man lang siya inalala at tinulungan?" sabi ko at agad na umi

