Chapter 3

1228 Words
Napakunot ang noo ni kuya, “High Council?”   “Yes, explain ko lang super rush ok? Bawat faction dito with the exception of Almorica ay may binobotong student na magrerepresent sa faction nila sa High Council which is the highest authority here in the university na nagdedecide ng mga rules, schedules, events tours etc. You can think of it as the ones who pulls the strings around here,” mabilis na paliwanag niya habang naglalakad kami papunta sa coaster ng Almorica.   “Bakit walang Representative Councilor ang Almorica?” curious na tanong ko.   Napangiti naman si Patricia sa akin, “Ayun nagsalita din si little Alyssa! Akala ko mute ka!” biro niya sa akin at nagblush naman ako sa hiya, “Well, it’s because hmmm, how should I put it? Walang matapang sa kanila or they just don’t care about it. You will understand once you get there. So, pano ba yan? See you around ok? Bye!” paalam niya sa amin ng makarating kami sa pinto ng coaster na sasakyan namin.   “Salamat din,” sagot ni kuya at kumaway kami sa kanya.   Nakakapanglaw yung bus kasi dalawa lang kami ni kuya Steve na nakasakay. Nagtataka pa ang driver sa amin na parang hindi siya makapaniwalang may pasahero siya.   Nagsara ang pinto pero biglang bumukas ulit ng kumatok si Patricia at umakyat ng bus.   “Kayo naman! Hindi niyo sinabing sa Zymeth Faction pala kayo,” takang sabi niya sa amin na hawak ang ticket namin na binabasa niya closely.   Napatingin kami ni kuya sa kanya at sabay kaming nag, “Huh?!”   “Sabi ko na nga ba eh. May mali,” natatawang sabi ng driver kay Patricia na pinababa na kaming dalawa at dinala sa coaster ng Second Class Zymeth Faction -0- Ano pong masasabi ninyo? I need your comments and opinion about this new prequel that I’m writing. Babasahin ninyo pa rin ba? Or sawa na kayo sa akin? T__T   I-comment ninyo na din kung kelan ang simula ng sembreak ninyo ng maitama ko ang UD ko para mabasa ninyo ng sabay-sabay ang Finale ng The 8th Girl Infinity.   Sa mga hindi pa po nakakapagvote sa The 8th Girl Infinity, kakapalan ko na ang mukha ko. Please vote all chapters! Importante po ang votes at comments ninyo (more importantly yung comments). Kung naka-abot na din naman po kayo sa part na ito, isang malaking favor na po ang pagvote ninyo sa mga chapters na hindi ninyo pa nai vovote. Hindi naman po sapilitan pero it will be a huge help sa story na ito ang votes ninyo (and comments makulit lang).   Salamat po ulit and watch out sa Finale. It will be something you will never forget. I’m sure of it! -0- “Ngayon na first year high school students na kayo, hindi na kayo makakatanggap ng daily supply ng flowers from our faction. You will now have to grow your own in our flower field or greenhouses. Always remember to wear your blue armbands and purple butterfly pin on your left chest. You can visit your flower patch now. That is all, dismissed.”   Nagtayuan na ang mga kaklase ko at nagunahang lumabas ng classroom.   Mabilis ko namang inayos ang aking mga gamit at sinakbit ko na sa likod ko ang aking backpack. Kailangang maaga akong maka-alis dito dahil wala kaming kotse ni kuya kaya lakad kami pauwi at papasok ng school.   Three kilometers lang naman so medyo o.k lang. Safe naman yung daanan tsaka sanay naman kaming maglakad ng mas malayo sa village namin.   “Are you an actress? What station?”   Napalingon ako sa nagtanong at nakita ko na may tatlong babae na nakatayo sa gilid ng desk ko.   Kilala ko sila, well kung nanunood ka ng t.v chances are nakikita mo ang pagmumukha nila everytime you watch something.   Ang nasa gitna ay si Queenie de Mesa, isang sikat na child-actress turned trying hard endorser. Anak ng kilalang beauty queen na sadly, hindi niya namana ang kanyang mukha like the way she inherited her popularity.   On her left is Retty Fortun (I called her ratty kasi ang laki ng frontal teeth niya). Anak ng congressman na ilang beses ng na-eelect through shady deals. Trying hard endorser ng whitening toothpaste.   And finally si Jona Montero, anak ng isang babaeng socialite na sikat dahil nakakailang asawa na puro mayayaman na namamatay through inexplicable reasons (sinakal daw ng tiyanak yung last na kawawang matanda). Pumasok sa showbiz at pilit dinidikit ang sarili sa mga teen boy stars para mapag-usapan.   Tumawa si Retty, “Baka sa animal planet, Queenie. She looks some sort of a chimp or monkey! Look at her hair!” itinuro niya ang balbon kong balahibo.   “Maybe baboon dahil balbon,” natatawang sabi ni Jona sa akin.   Hindi na lang ako umimik at nilampasan ko na lang sila. Pero bago ako makalabas ng classroom namin ay hinampas ako sa likod ni Queenie bago ako nilayuan na parang nandidiri.   Napatingin ako sa paligid ng classroom ko at nakita ko ang iba kong kaklase na nagsisingisian sa akin.   Ang gaganda ng hitsura nila sa aking paningin pero bakit sa oras na ito bakit mukha silang mga demonyong nakatingin sa akin.   Tumungo na lang ako at tumakbo palabas ng classroom at papunta sa lugar kung saan nagkasundo kaming magkita ni kuya pagkatapos ng klase.   Ngunit habang natakbo ako ay mga nagsisitawanan lahat ng mga nakakasalubong kong Zymeths sa akin. Hindi ko alam kung bakit at hindi ko na din balak alamin. Ang mahalaga sa akin ngayon ay makita ko ang kapatid ko at makauwi na kami agad.   Sa awa ng Diyos ay nakarating ako sa entrance ng compound namin. Kasunod ko ang tunog ng hagikgikan at tawanan ng mga nakakasalubong ko papunta doon.   Thankfully, nakita ko si kuya na nakaupo sa gutter, nakatungo at may headset sa tenga. Tumigil ako sa likod niya at tinapik ko siya sa balikat.   “Kuya, nandito na ako. Sorry na late ako ng konti,” paumanhin ko sa kanya.   Lumingon naman siya at ngumiti sa akin sabay tanggal ng nakapasak sa kanyang tenga at umiling, “Hindi naman ako naghintay ng matagal. Tara na Alyssa. Baka gabihin na naman tayo”.   Tumango ako at umuna nang lumakad sa kanya para hindi niya makita ang pagpatak ng luha sa aking mga mata. Naramdaman ko na lang na mahina niya akong tinapik sa likuran bago ako inakbayan.   Sa kanyang kaliwang kamay may nakita akong nakagusot na papel at parang gigil na gigil siya habang niyuyukos niya iyon.   “Kuya ano ba yang hawak mo?”   Mabilis na tiningnan ni Kuya Steve ang kanyang kaliwang kamay at napangiti siya sa akin, “Math test ko. Bagsak na naman,” sabi niya sa akin sabay tawa ng malakas at walang kaabog-abog na itinapon ang papel sa talahiban na nadaanan namin.   Napangiti na din ako, “Ako din eh. Bagsak din ata ung sa akin.”   “Ganyan talaga ang mga genius kapatid. Oh ano? Bilisan na natin? Alam mo naman na mabagal makaluto yung electric stove natin na mumurahin. Takbo na tayo!” malakas nitong sabi sabay nagsimula nang humakbang ng mabilis sa akin.   Huminga ako ng malalim at napatitig ako sa likuran ng kapatid ko at tumakbo na din.   Ang hirap ng buhay dito sa Versalia. Pero hanggat may kapamilya ako na makakapitan ko dito. Hindi ako susuko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD