“Oh yung gamit ninyo nasa maleta niyo na. Pinagkasya ko na ang pwede kong pagkasyahin diyan. Ang damit mo ayusin mo ang laba, may mansta pa pag minsan. Ikaw Steve alagaan mo kapatid mo, ikaw ang mag luto hah? Tsaka...”
Umabot ng ilang minuto ang litanya sa amin ni Mama bago siya natapos. Buti na lang at nilista namin ang mga paalala niya.
Gamit ang aming D-Max na pahiram pa ni Tito sa amin ay hinatid kami nila Mama at Papa sa Manila Port. Nakakahiya talaga sa totoo lang. Ang gagara ng mga luxury cars nila. Parang may car show lang. Ang mga sakay na mga estudyante ay halatang bigatin. Hindi lang sa hitsura kundi pati sa pera.
Kaya pala ang daming mga media at nairit na babae sa hindi kalayuan ay gawa ng mga child at teen stars or mga anak ng mga kilalang personality na ngayon ay kumakaway pa sa camera bago umakyat ng ro-ro.
Tumingin ako kay kuya at parang hindi niya malaman kung aatras ba sya o tutungo. Well, to be fair sa kanya, kahit ako parang gusto ko nang maging invisible.
Feeling ko we are nothing compared to them. Yung tipo ba na parang nasa live shooting ka ng movie o t.v episode sa daming mga kilalang mga bata.
“Kaya niyo iyan. Ang isipin ninyo, may tiwala sa inyong dalawa ang Tito ninyo kaya talagang gusto niyang makapasok kayo sa Versalia University,” sabi sa amin ni Papa bago may inabutan kami ng tig isang ticket, “Wag ninyong iwawala yan o.k? Uuna na kami sa inyo, text na lang kayo pag meron kayong kailangan,” paalam niya sa amin at niyakap nila kaming dalawa bago sumakay sa D-Max at umalis na ng port.
Naiwan kaming dalawa ni kuya na nakatayo sa gilid ng barko at nagkatinginan.
“Wala nang atrasan Alyssa?” nakangiting tanong niya sa akin.
Umiling ako at itinaas ang ticket ko, “Sayang naman ang ticket kung hindi magagamit. Tara na,” sabi ko sa kanya at naglakad na kami papunta sa guard na nagchecheck ng mga tickets.
Nakakagulat, unbelievable pero hindi impossible.
Isa na kami sa mga estudyante ng Versalia University. Kabungguang balikat na namin ang mga mayayaman at sikat na mga bata. Swerte ba o malas?
Who knows?
-0-
“Is there a problem?”
Napangiwi kaming dalawa sa tour guide na student na naka scarf na kulay pink at may violet na maya brooch sa dibdib. Naka casual clothes lang siya dahil next week pa ang simula ng class.
Mukhang napatagal ata ang pagkakatitig namin sa school building ng Almorica na una naming pinuntahan sa aming school tour after we arrived at the Versalia Island.
Ilang beses kong pinahid ang aking laway na tumulo simula ng makatapak kami sa isla.
Parang any moment madadampot kami ng pulis just being here. Clearly hindi kami talaga bagay sa lugar na ito. Lahat ng madaanan namin ranging from the very pavement that we stepped on to the majestic buildings ay naghuhumiyaw na “MAHAL KAMI” or “MAYAMAN LANG ANG PWEDENG TUMINGIN/TUMAPAK/GUMAMIT SA AMIN”.
Ilang beses kong nakikitang napapailing ng nakanganga si kuya. Parang hindi siya makapaniwalang may ganitong lugar na nag eexist.
Nagtataasang mga building. Magagarang mga sasakyan. Sobrang linis na paligid at madaming mga foreigners. Aakalain mo talagang wala ka na sa Pilipinas.
Ang mga kasabay naming mga bata ay mga celebrity o anak ng mga kilalang personality sa bansa. Ranging from the country’s intellectuals to politicians to veteran actors/actresses and business tycoons.
Ang best na naming suot ay mukhang basahan sa kanilang mga damit.
“Don’t you think it’s odd? Ilang taon na bang walang na nalipat sa Almorica right?” tanong ng isang lalaki na nakikita ko sa commercials.
Ang gwapo niya kaso halatang may malaking “A”.
Napatawa ang isang babae na anak ata ng isang senator, “I agree. So hindi pala totoo na nauubos na ang mga Almoricans. Look, meron na namang dumagdag sa kanilang happy family.”
“Great, another bunch of cream zombies.”
“Baka excited na silang maglakad sa desyerto ng scorpions kaya napatigil sila, right?” nakangising tanong sa amin ng isa sa mga first year.
Hindi namin alam ang isasagot kaya hindi na kami umimik. Thankfully nagsalita ulit ang aming tour guide.
“Ok people, enough chit-chats. We must all be accommodating to new students here, regardless of what faction they will belong to. Might I just remind you na hindi tayo uuwi hanggat hindi tapos ang school tour,” paalala ng tour guide sa aming lahat.
“Oh c’mon! We just finished middle school here last July! Why do we even need to be in a school tour? We stayed here since we’re kindergartens!” inis na sabi ng isang brat looking girl.
Nameywang ang aming tour guide, “Because the school rules said so in order to refresh your knowledge of different factions based on the curriculum. Or you want me to report you to your Representative Councilor for your whining, Ms. de Mesa?”
Nanahimik namang bigla ang nag-iinarte na babae.
“You are all free to leave now if you don’t want to finish this school tour. Just be expected to be punished accordingly. So, any more questions and tantrums?” mataray na tanong niya sa aming almost fifty students.
Walang sumagot sa kanila at napangiti ang aming tour guide, “Good. Oh, and you two?” tawag niya sa amin.
“Po?” sabay naming sagot.
“You have all the time in the world to stare at the school building of Almorica next week. For now, please do try to keep up with the rest of us.”
Nagtawanan ang mga estudyante sa paligid namin at sumakay na kami sa coaster para pumunta sa kasunod na faction.
Kakaiba talaga ang school na ito.
“Can I have your tickets please?” nakangiting tanong sa amin ni Patricia.
Tumango kami ni kuya at inabot namin sa kanya ang kanina pa namin tangan na ticket.
“So you’re Alyssa Mari and Dennis Steven Maranan. The girl will be first year student while the boy is a fourth year high school transferee,” sabi niya after niyang mabasa ang information sa ticket.
“Nice to meet you two. Sana ma-enjoy ninyo dito kahit madaming... Alam niyo na!” natatawang sabi niya sa amin sabay kindat.
Napatawa na din kami sa sinabi niya.
“Isa nga pala ako sa seven Representative Councilors ng High Council ng V.U.”