"Masyado kang obsess na mahuli agad si Gabriel at napabayaan mo ang pamilya. Tulad nalang ngayon, imbes na ayusin mo ang hindi pagkaunawaan ninyo ni Shannon, umalis ka pa talaga ng maaga dahil nalaman mong may lead na kung saan sya nagtatago. Mas binigyan mo nang rason para magduda sayo ang asawa mo." Ani sa kanya ni Kendrick. Dito sya dumiretso pagkatapos nyang puntahan ang mga pulis na tumutok sa paghahanap kay Gabriel. Nakatakas kasi ito sa kulungan at ito talaga ang pinagkakaabalahan nya sa mga nakalipas na araw. "You know why I want Gabriel to be in jail again. Nanganganib ang buhay ni Shannon sa kanya." Natatakot sya na baka maisipan ni Gabriel na puntahan nito ang kinalakihang kapatid. Natatakot sya sa pwedeng mangyari. "Wala naman sigurong masamang gagawin si Gabriel sa kanyang

