(Shannon) "Si Simon at ako ay----" Awang ang aking labi habang naghihintay sa kanyang buong sasabihin. Halos hindi ako humihinga habang nakatingin sa kanya. May nakita akong takot sa kanyang mga mata kaya hindi ko mapigilan na mas makadama ng kaba. "Sir, may naghahanap sa-----" "Nicollo!" sabay kaming napatingin sa babaeng dumating. At ang nakangiting mukha ni----- "Celine!" sambit ni Nicollo. Mabilis na lumapit si Celine kay Nicollo, at pabigla itong yumakap sa lalaki. Halos naipako ako sa aking kinatatayuan nang pabiglang ginawaran ng mabilis na halik ni Celine ang labi ni Nicollo. Agad na gumapang ang matinding panibugho sa aking puso. Napatingin si Nicollo sa akin, at hindi ko maipaliwanag ang ekspresyon meron ang kanyang mga mata. Parang humihingi ng pag- unawa ang mga yon.

