(Shannon) Kinakabahan ako habang nakatingin sa doctor na nagdadala ng DNA result naming dalawa ni Mr. Henry. Halos hindi ako humihinga nang binuksan na nito ang envelope kung saan nakapaloob ang resulta. Pagkatapos basahin ang resulta, agad na nangilid ang luha sa aking mga mata, hanggang sa tuluyan na itong rumagasa sa aking mukha. Namumula din ang mga mata ni Mr. Henry habang nakatingin sa akin. Agad nyang ibinuka ang kanyang braso at walang sabi- sabi na lumapit ako sa kanya at nagpakulong sa kanyang bisig. Ganito pala ang yakap ng isang ama. Kay tagal kong pinanabikan ang yakap na ito. Napakasarap pala sa pakiramdam at nakakagaan ng loob. "I'm sorry if wala ako nung mga panahon na kailangan nyo ako ng nanay mo." aniya, puno ng sinseridad ang kanyang mga mata. "Kung maibabalik ko l

