(Shannon) Ramdam ko ang paninigas ni Nicollo sa aking sinabi. Hindi ko sinasadya ang salitang namutawi sa aking labi. "Hindi mo ba ako mahal, Shannon? Nagugustuhan mo lang ba ako dahil naalala mo si Simon sa akin? Yon ba dahilan mo? Naalala mo ba si Simon sa akin? Mahal mo pa ba ang Simon na yon?" sunod- sunod nya na tanong. Ramdam na ramdam kong frustration nya. Parang bigong- bigo ang kanyang pakiramdam. Ako nga, ay gulong- gulo narin sa kanya. Bakit ba lagi nyang ikunumpara ang kanyang sarili sa demonyong si Simon? Hindi ba sapat ang katotohanan na sa hitsura palang, magkaiba na silang dalawa. "What happened to you Nicollo? Bakit ba lagi mong ikukumpara ang pagmamahal ko sayo kay Simon? Oo. Ako ang unang nagbanggit sa pangalan ni Simon, pero hindi ibig sabihin nung na mahal ko pa

