TBR 20

1007 Words

(Shannon/ Kate) Hawak ko ngayon ang isang maliit na salamin, tulong luha habang nakatingin sa maraming galos sa aking mukha. Halos isang linggo na akong pinagbubuhatan ng kamay ni Simon. Hindi na sya naawa sa akin, pati na sa batang nasa sinapupunan ko. Natatakot ako para sa ipinagbubuntis ko. Paano kung makunan ako dahil sa mga pananakit nya sa akin. Demonyo na sya noon, ngayon mas lalo syang naging demonyo. Humiga ako sa kama at nagsimula na naman akong humahagulhol. Bakit ba hindi matanggap ni Simon na nabuntis nya ako? Nagsisinunggaling kaya sya nung sinabi nya na wala syang kakayahan makabuntis? Kung totoo naman ang sinabi nya na sinabi ng doctor ang ganun bagay sa kanya, pwede naman nyang ipa- paternity test itong ipinagbubuntis ko. Pwede din naman syang magpa- check up uli

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD