(Shannon) "Simon, ano bah? Nasasaktan ako." pagpapatigil ko sa ginawa nya. Nagsimula na ang mamasa ang aking mga mata, hanggang sa naramdaman ko ang pagbuhos ng basang mainit na likido sa aking pisngi. Ang kanyang titig sa akin ay sobrang bagsik na para bang kaya nya akong kainin buhay ano man oras. "Hindi ka buntis, Shannon. Sabihin mong hindi ka buntis." Pautos nyang pagkakasabi, galit na galit ang kanyang boses. Tulad ng laging nangyayari sa akin pag ganito na si Simon, takot na takot na naman ako. Pero, kailangan kong manindigan para sa anak ko. "Buntis ako Simon. Hindi yong nakakapagtataka, dahil hindi ka naman gumagamit ng proteksyon at hindi din naman ako umiinom ng pills." Titig na titig ako sa kanya habang sinasabi ang mga katagan ito. Lahat ng sinasabi ko ay totoo, iyon

