(Kate/ Shannon) Kasalukuyan kong hinihintay ngayon ang driver na susundo sa akin. Buong araw nasira ang mood ko dahil sa mga nasaksihan ko na sweetness nina Nicollo at Celine. Saka ko napagtanto na tama ang desisyon ko na hindi pumayag sa kagustuhan ni Simon Nicollo na tumira kaming dalawa sa iisang bahay, dahil maging kawawa lang ako pag nagkataon. Napaurong ako at parang dinurog ang aking puso nang nakita ko sina Nicollo at Celine na magkasama na naman. Gusto kong ibaling sa ibang direksyon ang aking paningin pero hindi ko mapigilan ang aking sarili na sundan sila ng tingin. Bakit ba ako nasasaktan? Taas noo pa akong bumalik dito sa Pilipinas para tuluyan tapusin ang kasal naming dalawa ni Nicollo, pero masasaktan pala ako pag nakita syang may kasamang iba. Dapat kinalimutan ko na s

