(Kate/ Shannon) "Shannon, sumakay kana. Ihahatid na kita." Ani ni kuya Gabriel sa akin, pero nagdadalawang isip ako. Nakadama din ako ng kakaibang kaba dahil sa kanya. Hanggang ngayon, kuya parin naman ang turing ko sa kanya. Pero, mahabang taon na ang nakakalipas at sa mga taon na yon, hindi ko na alam ang naging buhay nya. Mukhang naman syang maayos at syempre guapo parin naman sya hanggang ngayon. Mas mukha syang maayos ngayon, kaysa nung huli namin pagkikita. "Pasensya kana kuya, pero kaya ko ang sarili ko. May susundo din naman sa akin, hinihintay ko lang sandali." pagsisinunggaling ko sa kanya. "Shannon--"pagalit nyang sambit."--hindi kana ba nakikinig sa akin, Shannon? Porket ba maganda na ngayon ang buhay mo, kaya hindi mo na ako ni- respeto ngayon." Napatulala ako sa kanyang

