(Kate/ Shannon) Pinilit akong ngumiti sa lalaking ipinakilala ng aking ama. Minsan, hindi ko talaga mapigilan ang isipin na baka sinusundan nya ako. Kahit saan ako magpunta sa araw na ito, nandun din sya. At ngayon naman, kahit dis oras ng gabi, nanditorin sya sa bahay namin. Hindi ko talaga mapigilan ang manghinala na baka wala syang amnesia, at ang ginawa nyang ito ay para gantihan ako sa ginawa ko sa kanya noon. Ang kapal naman ng mukha nya kung ganun nga ang kanyang plano. "Atty. Montreal, I will leave you to my daughter." Napatingin ako kay dad sa kanyang sinabi. Ayaw kong iwanan nya ako sa malanding lalaki na si Simon Nicollo . At baka mambulyawan ko pa ito ng wala sa oras. Kutang- kuta na ako sa lahat ng kamalasan na nangyayari sa akin ngayon dahil kay Nicollo, ngayon nandito pa

