Natasha Astrid’s POV Hindi ko alam na pati ako makakatulog dahil sa pagpupumilit sa akin ni Jacob na mahiga sa kama kasama siya dahil cuddle nga raw. Mabuti na lang naabutan ko pa rin ang paglubog ng araw na sobrang sarap pagmasdan habang nakaupo ako sa sun lounger at pinagmamasdan ang ganda ng pagbaba ng araw. “Natasha.” Napatingala ako kay kay Jacob na bigla na lang dumating sa gilid ko. Nag-iisa lang ang sun lounger kaya wala siyang pwe-pwestuhan dito. “What do you want for dinner?” he asked. Akala ko mananatili lang siyang nakatayo pero mali dahil naupo siya sa gilid ko. Ipinatong niya pa ang kamay niya sa ibabaw ng hita ko habang umaarte na naman ako na parang walang epekto sa akin ‘yon kahit nabibigla talaga ako sa mga galaw niya! “Manang is asking.” “I want pasta,” sagot k

