Natasha Astrid’s POV Kumpleto ang mga binili sa akin ni Jacob. Mula sa damit, pants, dress, sapatos at pati panty at bra! Parang alam na alam niya pa ang size ko dahil saktong-sakto sa akin ang bra at panty ko. Hindi ko lang ma-gets ang taste niya sa dress. Bakit naman puro long sleeve ang dress na binili niya sa akin tapos lagpas pa hanggang tuhod. Nakikita niya naman ang mga sinusuot ko, malayong-malayo sa mga pinamili niya ang mga madalas kong isuot. Beach ang pupuntahan namin kaya sinuot ko na ang isa sa mga dress na binili ni Jacob sa akin. Mabuti na lang hapit na hapit sa katawan ko ang dress kaya pwede na rin kahit hindi ko naman type ang ganitong klase ng dress. Nag tsinelas na lang din ako dahil beach naman ang pupuntahan namin. “I’m done,” ani ko pagkalabas na pagkalabas k

