Natasha Astrid’s POV Pagkagising ko, bumaba na agad ako ng bahay ni Jacob. Nakayapak at suot pa rin ang maluwag niyang damit at ang boxer niya na natatakpan ng damit dahil sa haba nito. Nagising akong wala si Jacob sa kwarto pero alam kong natulog siya sa tabi ko! Hirap na hirap pa akong makatulog kagabi dahil alam kong nasa iisang kama lang kami. Wala naman siyang ibang ginawa sa akin pero ‘yong puso ko, nagwawala kagabi. Pagtapak ng mga paa ko sa unang palapag, napansin ko agad si Jacob na nakatayo sa harapan ng glass wall kung saan kitang-kita ang mga tauhan niya na nag wo-work-out. “She’s with me,” aniya sa kausap sa cellphone. Ako lang naman ang kasama niyang babae at wala ng iba. I am sure na ako ang tinutukoy niya pero hindi ko alam kung sino naman ang kausap niya ngayon. “

