Natasha Astrid’s POV “Let’s talk.” Naupo siya sa couch dito sa living area niya at kami na lang ang tao. Pinaalis niya lahat ng mga kasambahay at mga katulong niya. Nandito na naman ako sa Tagaytay kasama siya. Hindi ba talaga siya nagsasawa sa akin? Talagang hinanap pa niya ako. Masyado naman yata siyang seryoso sa dating na ‘to pero wala naman talaga siyang balak na maging girlfriend ako! “Ano bang dapat natin pag-usapan?” matigas na tanong ko sa kanya. Kailangan kong tatagan ang loob ko this time. Iba na talaga ang ginagawa niya! Hindi ko na siya maintindihan! ‘Yang ginagawa niya, ginugulo lang ako! “Sit down, Natasha—” “No!” tumaas ang boses ko. “Mag-usap tayo habang nakatayo ako.” Taas noo ko siyang tinitigan. Ilang hakbang ang layo ko sa kanya. This need to be finish. Hindi

