Natasha Astrid’s POV “Bakit ngayon mo lang ako naisipan bisitahin?” Naningkit ang mga mata ko kay Jessica na kapapasok lang ng kwarto ko. Tatlong araw na ang lumipas simula nang magising ako at ngayon niya lang ako pinuntahan! Ang tagal ko siyang inantay at ilang beses ko siyang tinanong kay Jacob. “I’m sorry, Astrid.” Mabilis siyang naglakad papunta sa gilid ng kama ko. Napatingin ako kay Jacob na nakaupo sa couch habang nanonood na naman ng t.v and as usual, balita na naman. “Busy lang talaga ako kaya hindi agad kita nadalaw.” Ibinalik ko ang tingin ko kay Jessica. Kitang-kita ko ang hiya sa mga mata niya. Kailan pa siya naging busy? Hindi naman siya nagtatrabaho! “You’re lying! Bakit hindi mo ko binisita?” inis na tanong ko sa kanya. Hinahanap-hanap ko siya dahil gusto ko rin na m

