Natasha Astrid’s POV Ang bigat ng katawan ko. Parang nadadaganan nang malaking bakal at sobrang sakit. I don’t know why pero para kong sumalpok nang malakas sa pader. “Ugh...” I groaned in pain. “Baby? Baby? Are you okay?” Hindi ko mamulat ang mga mata ko pero naririnig ko ang boses ni Jacob. Malinaw na malinaw at ramdam ko ang pag-aalala niya. “Natasha, are you okay? f**k! Call the doctor!” A loud shout from him. Pilit kong minulat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang liwanag. Masakit sa mata kaya napapikit ulit ako. “Baby, are you okay? Anong masakit? Saan masakit?” sunod-sunod na tanong sa akin ni Jacob. Hindi ko alam kung ano ang una kong iintindihin sa mga tanong niya sa dami at bilis niyang magsalita. Para siyang hinggal na hinggal. “Brat, do you hear me?” Muli kong sinu

