Natasha Astrid’s POV “Ingat po kayo sa byahe.” Ang bilis lang talaga ng araw dahil aalis na agad sila. Hindi rin nagtagal ang pamilya ni Jacob sa bahay namin kaya pati si Jessica ay aalis na rin. Masakit pa ang ulo ko pero bumangon pa rin ako para makapagpaalam dahil nakakahiya sa mga magulang niya. Masyadong malakas ang ininom ko kagabi kaya kakaiba rin ‘yong tama. Hilong-hilo pa ko pero gusto kong magpaalam kaya talagang pinilit ko ang sarili ko na bumangon. Tsaka nakakahiya sa mga magulang ni Jacob kung tulog ako at hindi man lang nakapagpaalam! “Thank you, iha.” Hinalikan ni Tita ang pisngi ko at pati ni Jessica. “Ingatan mo rin ang sarili mo at tawagan mo ko kapag ayaw mo na sa anak ko. Ako mismo ang sisipa diyan paalis sa bahay niyo. Kapag din naiinis ka na sa pagiging seloso ni

