Natasha Astrid’s POV “Nangunguna naman sa survey ng pagka-mayor ng Maynila si Mr. Guevarra. Maraming taga suporta ang kandidato na handang-handa na sa darating na botohan.” Napairap agad ako sa television namin dahil sa walang kwentang balita. Pinakita pa ang video ng Lolo ko na may cast pa rin ang katawan dahil sa pagkasunog na nangyari. Dahil sa aksidente sa kumpanya na si Jacob ang may gawa, mas lalo niya ngang nakuha ang boto ng mga tao. Marami ang naawa sa kanya kaya nakuha niya lalo ang simpatya ng taong bayan. Ewan ko na lang kung makuha pa rin niya ang awa ng mga tao once na lumabas ang baho ng pamilya niya at mga bagay na ginawa niya. Kahit anong tago nila sa mga sikreto nila, sisingaw at sisingaw pa rin ang mga ‘yon. At kapag nalaman ng mga tao ‘yon, I am sure na you pagtatawa

