Nang matapos ang mga subject ay excited na talaga ako na tinawagan si Clarizze na agad naman itong sinagot. "Girl saan ka na?" Bungad na tanong nito sa akin. "Dito sa tapat mismo ng canteen!" Sagot ko dito. "Okay hintayin mo kami diyan!" Sagot nito sa akin,,bago niya binaba ang tawag. Habang hinihintay ko ang mga ito ay naiilang na naman ako sa mga lalaking nakatingin sa akin ngayon. Ayaw ko kasi ng mga titig nila sa akin. Halos fifteen minutes din ang lumipas bago dumating si Clarizze na may mga kasama pa na dalawang babae din na parang nahihiya na tuloy ako na sumama sa mga ito,,dahil ang gaganda talaga ng mga ito na parang mga modelo ang mga datingan. "Camilla,,girl okay ka lang ba o may nambastos ba sayo?"Sunod-sunod na tanong nito sa akin sa tono ng boses na nag-aalala sa akin.

