Nang nasa kotse na kami ay wala naman na itong anuman na sinabi pa sa akin. Ako naman ay hinayaan na lamang ang aking sarili na tanawin ang mga dumadaan na sasakyan. Hanggang sa makarating na kami sa university at hindi ko inaasahan na baba pa ito para ipagbukas ako ng pinto. "Baba na,huwag kang tumunganga d'yan!" Sabi nito sa akin kaya naman agad na akong bumaba,,dahil baka mamaya ay sumigaw na naman ito. Nang makababa sa kotse ay tumingin pa ako dito. "Mag-ingat ka!"Sabi pa nito na bagama't seryoso ay halata naman na concerned din ito sa akin. "Opo asawa ko!" Sagot ko dito sabay halik sa pisngi nito at tumakbo na ako papasok ng university,, napangiti pa ako sa aking ginawa na pagnakaw ng halik dito,,very teenager lang ang datingan. Habang hinahanap ko ang building kung saan ang un

