Ang bagong Rebeca
Parang kailan lang ang panahong lumipas. Narito
si Rebeca ngayon sa isang lugar kung saan malayo sa mga kakilala. Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay dali
daling lumipad ang dalaga patungo sa lugar na ito ng
Vancouver Canada.Bago pa man nangyari ang kasal noong ara na 'yon ay naka plano na ang lahat sakaling magbago ang kanyang isip.At isa lang ang taong pinag-katiwalaan niya sa likod ng lahat ng nito.Ang kanyang kapatid na si Carla. Kada dalawang my linggo ay nag rere-port ito sa kanya.Alam niya rin ng mga panahong yon ay galit na galit sa kanya ang lalaking dahilan ng lahat ng ito.Gustuhin man niya na huwag iwan ang kanyang
negosyo noon ay wala siyang pagpipilian kundi ang
umalis.Ayaw niyang magsisi sa kanyang magiging de-sisyon kung sakaling nagpakasal siya sa lalaki.Tiyak niyang hindi malayo sa naisip niya.Ang mamuhay na kasama ang lalaking walang pagpapahalaga sa damda-
min ng iba.Partikular sa mga babae.Yun nga lang na- bigo ito sa kanya,dahil umpisa palang ay alam na niya kung ano ang kahihinatnan ng pakikisama sa lalaki.
Ngayon ay kailangan niyang umuwi ng pilipinas upang muling ayusin ang negosyong nagkakaprublema sa ngayon.Dahil hindi iyon mahaharap ni Carla at dahil narin sa magandang balitang buntis na ito .Natutuwa siya sa nangyari nuong umalis siya dahil nagkatuluyan ito at si Leonard ngayon ay magkakaroon na ang mga ito ng anak sa mahabang paghihintay dahil nuon ay nakunan ang kanyang kapatid,kaya masyadong mase- lan ang ipinagbubuntis ngayon nito.Kailangan ng ibayong pag iingat.Kaya siya mapipilitang umuwi sa matagal na panahon ay dahil wala siyang ibang pwedeng pagkatiwalaan sa kanyang naiwang negosyo.
Noong una ay inilihim pa ng mga ito sa kanya ang
nangyari subalit magkasabay nagtapat sa kanya ang
mag asawa ng nagkausap sila via skype.Nagulat man
ay may kasiyahan siyang naramdaman.Tama lamang ito sa lalaki upang makabawi naman siya dito sa mga atraso niya.Si Carla naman ay malaki na ang ipinagba-go,mukhang nain love na talaga yata ito sa lalaki at tu-
luyan ng nagbago.Iba talaga ang nagagawa ng pagibig.
Ang ikinalulungkot niya ay ang mga bibeyanin niya
sana.Alam niyang nagalit din siguro ito sa kanya
dahil inilayo niya rito ang apo.Ngayon ay nasa limang
taong gulang na si Dev jr.Nilingon niya ang anak sa kanyang tabi na himbing na natutulog. Gaya ng lalaki'y kamukang kamuka nito ang anak.mestisuhin ito at magaganda rin ang pares ng mga matang minana sa ama. Isinunod niya ang pangalan nito kay Devon.Kahit na pangalan lang ay binigyan niya ng karapatanang la
laki.Hindi niya alam kung bakit ganoon ang kaniyang naging pasya.
Noong nakaraan ay narito ang kaniyang madrasta na
tuwang tuwa sa unang apo. Habang nandirito ay ito ang nag aalaga sa bata.Kahit may sarili itong tagapag alaga ay lagi naman niya itong isinasama sa kaniyang opisina.Nandirito ang ilan sa mga negosyo niya na hindi nalalaman ng kahit na sino.Katulad ng dati'y pinanatili niya ang kaniyang pagiging misteryosa.Hin-di niya rin ipinakilala ang itsura ng isang Rebeca Rall-
ios. Lumikha siya ng isang"DUMMY" na matatawag. Hindi niya alam kung bakit mas gusto niya ang walang nakakakilala sa tunay na siya.Gusto niya kasing mas makakilos ng malaya.Ngayon ay kailangan niyang pag planuhan kung ano ang kaniyang gagawin pag uwi sa Pilipinas.Kailangang manatili siya sa pagiging ganito.
Minsan naitanong sa kaniya ng kaniyang madrasta
kung pag dating ba ng araw ay ipakikilala niya ang
kaniyang anak kay Devon.Hindi siya nagsasalita ng
tapos subalit hanggat mahahadlangan niya ito ay
iyon ang kanyang gagawin.Maraming nanligaw sa kaniya rito ngunit hindi pa niya nagagawang pumili sa mga ito.Naisip niya rin kasing hindi na siya bumabata.
Isa pa'y naghahanap narin ng daddy na matatawag ang kaniyang anak.Marami itong mga tanong na minsan ay ikinagugulat niya kung saan natututunan ito ng
bata.Sabagay,hindi na nakapagtatakang matalino rin
ang kaniyang unico iho.Masayahing bata ang kaniyang anak.Madalas nga lang na napapa away sa eskuwela- han dahil sa panunukso ng mga bata rito dahil nga sa walang maiharap na ama.Hindi rin niya inilihim rito kung bakit niya inilayo ito sa ama.Unfit Father ang si-nabi niyang dahilan kaya hindi na siya muling kinulit nito.Mas nanaisin na niyang ganoon kaysa masaktan ang kaniyang anak.Akala pa naman niya ay kayang baguhin ng pag ibig niya ang lalaki,subalit nagkamali siya.Minsan ang ating inaasahan ay hindi iyong ang
nangyayari. Mabuti pang huwag ng umasa ng sa gayon ay wala ng masaktan.Lalo't higit kung isa lamang ang nagmamahal.Bakit nga ba ganon?Kung sino pa ang gusto natin siya pang ayaw satin.Minsan nga naiisip niya,talaga bang may mga taong walang swerte sa pag ibig?Well,sabi nga nila,kapag daw ang isang tao ay swerte sa pag ibig ay malas sa negosyo,kung swerte sa
negosyo ay malas sa pag ibig.Tingnan mo ang ibang mga sikat,hindi nga ba nakailang subok na ang mga ito sa pag ibig?Ngunit hanggang ngayon ay tila mailap parin sa mga ito ang tinatawag na forever?You can't have the best of both worlds talaga ikanga!
Kadalasan ay natutukso siyang makibalita sa mga nangyayari sa lalaki.Kamusta na kaya ito?Isa lang
ang tiyak.Hindi parin ito napipirmis dahil sa pagiging maniac.Hanggang ngayon ay nagsisisi parin siya kung bakit siya na involve sa lalaki ngunit kung titingnan niya ang anak ay mukha namang wala siyang pagsisi- sihan .Mukhang tulad ng ama ay minana nito ang pagiging irresistable at apppealing base sa mga nariri- nig niya sa eskwelahan na very popular ito sa mga batang girls.Mukhang mamumroblema rin siya rito pag laki.Sa kabila nito labis niyang ikinatutuwa na may ugali rin itong minana sa kanya,suplado ito at sumisi-
mangot kapag may nagpapapansin na mga girls.
Hummmnn, children nowadays.
Siya ba?Nakamove on na ba siya sa palagay niya?Sa ilang taon na lumayo siya ay napagtagumpayan naman niya na hindi na maiisip ang lalaki.Ilang araw at taon din siyang nahirapan,nasanay na kasi siya na sa maikling panahon ay nakapiling niya ito.Iba kasi ang pakiramdam sa piling ng lalaki,wari ba'y mararamda-
man mong ikaw ang pinaka magandang babae sa balat ng lupa kung habol habulin ng mga titig nito.
Ang alam niya'y naka move on na siya,ngunit hindi niya lang alam kung ano ang mararamdaman kung sakaling magkrus na muli ang kanilang landas,na hanggat maari'y hindi niya papayagang mangyari.Naka alis na siya uli bago nito malaman.Gaya ng dati...
"Comments is higly recommended and appreciated
para malaman ko rin po ang mga mali o puna sa
istorya.Pls HIT THE ❤️ in every episodes.God bless!!!
Follow me here for more stories.
for supporting my stories (hindi pa po kc ako monitized dito/wala pang kita.☺️)
here's my gcash account: 09998134482 Sarah U.
Any ammount will do and appriciated.
(this is not obligatory.)