Heto nanaman sila sa pagpili ng kanyang Gown,tan- dang tanda pa ni Rebeca noon una siyang namili ng gown para sa kasala nila noon ni Devon,ni wala man lang partisipasyon ang lalaki no' at ang masaklap pa ay ni hindi ito dumating upang mag fit ng damit nito.Ang malaking pagkakaiba ngayon ay narito na ang lalaki at kasama ang kanilang anak na nakamata sa kanya.Ilang araw din siyang namili sa mga designer gowns.Wala kasi siyang kagana gana sa mga pangyayari ngayon,hin di tulad na noon na buo ang pag asa niyang magiging Misis Lacon siya.Na bagaman ganoon ang lalaki ay magiging mag asawa sila kahit sa papel lamang. Taliwalas naman sa inaasahan ni Rebeca ay tila hara- ngan man ng sibat ang lalaki ay hindi iyon makapapa- yag na hindi ito uli matuloy.Sinabihan na siya nito noong nakaraang

