Chapter 4: Pregnant & Nightmare
INIISIP ko na sana isang bangungot na lamang ang lahat. Na sana ay hindi totoong nangyari ang mga ‘yon. Na paggising ko ay magiging maayos na. Na wala rin akong problemang kahaharapin ko at ikalulungkot ko pero sadyang nakatakda talagang mangyari ito.
We still can’t avoid things that you don’t expect to happen. At ang mga bagay na iyon ay isa pa sa katatakutan mong harapin.
Paggising ko ay nakahiga na ako sa aming kama. Nasa loob pa rin ako ng kuwarto namin ni Lucas at nasa paligid pa rin ang mga kaibigan kong babae. Hindi nila ako iniwan ng mag-isa rito.
Hindi naman ako nagtaka pa dahil sa tuwing nagkapoproblema ang isa sa amin ay kahit hindi mo sila tatawagan at hihingian ng tulong ay kusa talaga silang darating at sasamahan ka pa. Sila ang mga kaibigan na tapat at handang tumulong ng hindi sila nagdadalawang isip na lapitan ka.
“Gising na siya!” naibulalas ni Gotchelle nang makita na gising na nga ako.
Nakaupo siya sa gilid ng kama ko habang pinupunasan niya ang pawis sa aking noo. Kahit malamig naman sa loob ng silid dahil sa aircon nito.
“Bythesea, ayos na ba ang pakiramdam mo?” ang nag-aalalang tanong sa akin ni Elysian. Pinapagitnaan siya nina Primie at Clerishan.
“Nasaan na si Cirrus? Cirrus, i-check mo ulit si Bythesea! She’s awak na!” ang malakas na sigaw naman ni Susan at nakita ko pa ang pagmamadali ni Cirrus upang makalapit na sa amin.
Si Cirrus ay ang asawa ni Hesperos Vandross at isa talaga siyang doctor.
“Wait lang, ang mas mabuti pa ay lumabas muna kayo. Ang dami niyo na rito, eh. Doon na kayo sa labas. Malaki ang bedroom nila pero masu-suffocate pa rin si Bythesea dahil sa mga presensiya niyong lahat,”
ani Cirrus at isa-isang tinulak ang mga kaibigan namin.
Umaatungal sila at bakas talaga sa mga mukha nila ang pag-aalala sa akin. Wala silang balak na umalis dahil nakatingin lamang ang mga ito.
“S-Salamat sa inyong lahat,” mahinang sabi ko pa sa kanila.
“Wala iyon, Bythesea. Pamilya tayo rito at ang pamilya ay palaging nagdadamayan,” sambit naman ni Palencia.
“Heto ang tubig, Bythesea. Uminom ka muna. Kailangan mo ‘to dahil namumutla ka pa,” sabi ni Yannyvie at sa malambing na boses pa talaga niya iyon sinabi. Kaya tila inaawitan pa ako ng isang anghel.
Masarap pakinggan ang boses niya. Kaya walang duda na napaamo niya si Snider na malayo ang pag-uugali nito sa kanya.
Inalalayan naman ako ng iba na makaupo at isinandal sa headboard ng kama pero nilagyan pa nila ng unan para hindi manakit ang likod ko.
Kinuha ko ang basong tubig at ininom na nga iyon, gaya ng sabi sa akin ni Yannyvie. Mabilis din nilang inagaw sa akin ang baso at hinanap naman ng mga mata ko si LZ. Naalala ko kasi na bago ako nawalan nang malay ay umiiyak siya kanina. Dahil siguro sa takot na nalaman niya ang nangyari sa Daddy niya.
“N-Nasaan na pala ang anak ko?” tanong ko sa kanila. Hinahawakan na ni Cirrus ang pulse ko at sinisimulan na ako nitong sinusuri.
“Iyak nang iyak kanina si LZ, lalo na nang makita kang nahimatay, Bythesea. Kaya inaliw muna siya ng Tita Civana at Ninang Marylyn niya. Tumahan naman sa pag-iyak nang dumating ang mother-in-law mo. Nagsusumbong sa nangyari sa Daddy niya,” paliwanag naman ni Gotchelle.
“Hindi ba sabi ni Dra. Cirrus ay lumabas muna tayo? Tara na,” pag-aaya sa kanila ni Reolla at hinila ang kanilang mga braso. “Sa tingin ko naman ay mabuti na ang kalagayan niya. Nandiyan naman ang doctor natin at ang top 1 ng tinaguan, kaya tara na sa labas,” dugtong pa niya na may kasama pang pagbibiro kaya sinimaan siya nang tingin ni Elysian. Mabuti na lamang ay hindi ito nagmura. Malulutong pa naman ang mga mura niya. Ang sakit sa tainga pakinggan.
Nagsitanguan naman sila at nagpaalam sa akin na lalabas na. Naiwan sa aming silid sina Elysian at Cirrus.
“Alam kong nagulat ka sa nalaman mo, Bythesea. But it’s not good for you to worry too much and you need enough rest,” ani Cirrus.
My tears flowed because how could I not worry? If only I knew he was on the verge of death now? Or if my husband really survived?
Hindi ko kakayanin kapag nawala sa akin ang asawa ko. Kailangan pa namin siya ni LZ.
“Bythe, himinahon ka muna, please,” pag-aalo sa akin ni Elysian at hinagod ang likod ko. “Bythesea...”
“A-Ayokong paniwalaan ang lahat, Elysian... Hinihiling ko pa rin na...sana ay isang bangungot lamang ang lahat ng ito... P-Pero dahil nandiyan kayo at nararamdaman ko na totoong nangyari nga ang ganitong klaseng pangyayari ay hindi ko maiwasan ang masaktan at mas mag-aalala lang ako ng sobra para kay Lucas... P-Parang kanina lang naman siya nagpaalam sa amin ni LZ. N-Nangako pa siya sa amin na babalik din naman siya... Pero...pero bakit n-nangyari ito? B-Bakit si Lucas pa?” hinaing ko at hindi ko na nga napigilan pa ang umiyak sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.
Sumisikip ang aking dibdib at pakiramdam ko ay sinaksak ng libo-libong kutsilyo ang puso ko. Namanhid ang katawan ko at parang ang hirap-hirap nang huminga... Nasasakal ako...
“Bythesea, hindi pa naman tayo sigurado, eh... Kung isa na ba si Lucas sa mga...hindi nakaligtas na pasahero ng barkong iyon... Pero gumagawa na ng paraan ang mga lalaki para hanapin si Lucas,” pahayag naman ni Cirrus. Ang tinutukoy niyang nga lalaki ay ang mga asawa nila, na matalik kaibigan din ni Lucas.
“P-Pero paanong...paanong lumubog ang barko? H-Hindi ba...hindi ba ay maganda naman ang panahon?” nagtatakang tanong ko at hindi pa rin ako tumitigil sa pag-iyak.
Bakit biglang lumubog ang barko? Ano ba talaga ang nangyari?
“Ang sabi sa akin ni Jaydel ay nagsimula sa sunog ang pangyayaring iyon at hindi na nagawa pang imaniobra ng kapitan ang barkong sasakyan nila. Maraming pasahero at may mga nakaligtas din naman... At saka isa pa...sa kalagitnaan din ng kanilang biyahe ay umulan nang malakas.”
“Si Lucas? A-Ang asawa ko, Elysian?” tanong ko at umaasa pa rin ako na ligtas talaga siya pero...
“Kada-oras kaming in-update ni Hesperos pero wala talaga si Lucas sa mga na-rescue nila...” umiiling na sambit ni Cirrus at mas bumubos lamang ang mga luha ko. Parang nakawawalan ng pag-asa ang mga sinabi nila.
Nasaan naman siya? Nasaan siya at bakit hindi siya mahanap?
“L-Lucas...mahal ko...”
“Bythesea, please magpakatatag ka muna sa ngayon. Hayaan mong sina Jaydel na lamang ang maghanap kay Lucas. Kaibigan nila iyon at hindi sila titigil hangga’t hinila nakikita ang asawa mo at nandito lamang kaming lahat para sa ‘yo, para sa inyo ni LZ. Hindi namin kayo pababayaan dito... Bythesea... Hindi namin kayo iiwan sa ganitong kalagayan,” nakikiusap na saad sa akin ni Elysian at mahigpit na hinawakan ang mga kamay ko.
“E-Elysian...” humihikbing sambit ko sa pangalan niya. May namumuong luha na rin sa mga mata niya.
“Bythesea, gawin mo ‘to... Gawin mo ‘to alang-alang sa pangalawang anak niyo ni Lucas na dala-dala mo na ngayon...” Parang nabingi pa ako sa sinabi ni Cirrus at kahit expected ko na iyon ay nagulat pa rin ako.
“A-Ano ‘yon, C-Cirrus?” tanong ko.
“You’re pregnant... Kaya iwasan mo ang mag-isip ng mga bagay-bagay na puwede mong ika-stress, Bythe. Makinig ka muna sa amin. Kailangan mo munang pangalagaan ang sarili mo at si Lucas... Mahahap natin siya... Hangga’t hindi natin nakikita ang katawan niya ay posibleng buhay pa siya at nakaligtas.”
Iyon ang pinakamasayang balita sana namin ni Lucas, ang mabigyan ng blessings. Ang buntis ako sa second baby namin pero sa mga oras na malaman ko iyon ay wala siya sa tabi ko. Wala siya na unang makikita ko ang malakas na pag-yes niya na Daddy na siya. Ang mga masasayang tawanan niya at magandang ngiti at sa sobrang kasiyahan niya rin ay maiiyak siya sa huli.
Nangako naman sa akin ang mga asawa ng kaibigan ko na hahanapin nila si Lucas at hindi sila titigil hangga’t hindi nila ito nakikita at nahahanap. Ang masuwerte lang talagang nakaligtas ay sina Jaydel at Poirier. Nagkaroon ng emergency sa kompanya nila kaya hindi sila nakasama sa kay Lucas. Ang plano nila ay sa ibang araw silang susunod.
Hindi ko hinihiling na magkaproblema rin ang kompanya ni Lucas pero sana ganoon din siya para hindi na makasakay pa sa barko at hindi siya matutuloy.
Kung sana ay pinigilan ko na lamang siya nang araw na iyon ay wala sanang mangyayaring masama sa kanya. Kung pinilit ko na lamang siya na huwag nang umalis ay sana nandito pa siya... Kasama pa namin pero sadyang ang tadhana mismo ang gumagawa ng paraang upang ipaglayo kami. Ang dami kong sana, eh nangyari na ang dapat pang mangyari.
Sobrang unfair niya sa amin at bakit binigyan niya kami ng ganitong klaseng pagsubok na hindi ko alam kung kailan ko ito malalampasan o kung paano ako makaaalis sa isang bangungot na ito...
Naalala ko pa bago siya umalis. “Parang hindi ko gusto ang umalis. Mas gusto ko ang makasama na lamang kayo rito ni LZ.”
“Ako rin naman.”
“But I need to, wife. Para ito sa inyo ng anak nating si LZ.”
“Mag-iingat ka roon.”
“Kayo rin dito ni LZ. Mahal na mahal kita, Bythesea. Mahal ko kayo ni LZ. Tandaan mo na kung wala kayo ay wala rin ako ngayon. Huwag niyo akong ihatid. Ayokong makita niyo akong umaalis.”
“I love you too, hon. Hihintayin ka namin ni LZ.”
“Tatawag ako kapag nakarating na kami roon, okay?”
“Sige, hihintayin ko ang tawag mo.”
Ayokong isipin at tanggapin na iyon na talaga ang huling pagkikita namin ng asawa ko. Na iyon na ang pinakahuling makasasama namin ni LZ ang Daddy niya.
Hindi ko tatanggapin ang bagay na iyon kahit may katotohanan. Ayoko...ayokong isipin iyon...
“Huwag niyo akong ihatid. Ayokong makita niyo akong umaalis.”
Pero kung iyon na talaga...ay sana... Sana nagpumilit ako na ihatid namin siya. Kahit hanggang sa gate lang. Kahit ang makita lang namin siya na umaalis na ang magandang ngiti niya ang huling makikita namin...
Sana...sana...
“Lucas... H-Huwag mo naman sanang gawin ito sa akin... L-Lucas, hon... M-Maawa ka sa akin... Maawa ka na sa amin ni LZ. H-Huwag mo kaming iwan... H-Huwag na huwag mo kaming...s-sukuan, please... M-May sasabihin pa ako... M-May sasabihin pa ako sa ‘yo... Lucas...m-magiging Daddy ka na naman ulit... Pero please... M-Mabuhay ka... M-Mabuhay ka p-para sa amin, mahal ko... Bumalik ka... Bumalik ka na sa amin dahil hindi ko... Hindi ko talaga kakayanin,” piping dasal ko at nakatutok ako sa dibdib, dahil sa pagbigat ng paghinga ko. Tila sinasakal talaga ako sa leeg dahil nahihirapan akong huminga.
“M-Mommy...” I cried even more when I heard my son’s voice... Basag ang boses niya at umiiyak siya... O baka umiyak na naman siya.
“LZ...” I uttered his name at mabilis ko siyang kinandong. I buried my face on his neck.
“Si 'Di po, 'My... Si D-Daddy...” humihikbing sambit niya.
“M-Mahahanap pa rin natin si D-Daddy, LZ... Alam kong...b-buhay pa ang D-Daddy mo... H-Hindi siya... Hindi siya puwedeng m-mawala sa atin, anak ko...” sabi ko sa kanya para hindi rin siya mawalan ng pag-asa.
“M-Miss ko na po agad si ‘Di, Mommy... B-Balik na, 'Di... B-Bumalik ka na po sa amin ni M-Mommy...” Sumikip lalo ang dibdib ko dahil sa sinabi niya.
“LZ... Son...”
“A-Ayaw ko nito, Mommy... G-Gusto kong bumalik na si Daddy... A-Ayaw ko na siyang u-umalis, Mommy... B-Balik na po siya sa atin... Good boy naman po ako... ‘Di ba, 'My?” Pinaharap ko sa akin ang anak ko at pinunasan ko ang mga luha niya sa kanyang pisngi. Mugtong-mugto ang mga mata niya at namumula iyon.
“Babalik din sa atin si Daddy, LZ... Nangako siya sa atin na babalik siya... Hihintayin natin siya... Pagbalik niya ay sasalubungin natin siya ng mahigpit na yakap, anak...” sabi ko.
“O-Opo, 'My... H-Hihintayin ko rin po s-siya, Mommy...” Sa mga oras na iyon ay kami ang unang hindi nawalan ng pag-asa at hindi namin sinukuan si Lucas.
Hindi pa rin kami naniniwala na wala na talaga siya. Babalik siya sa amin. Babalik pa rin siya sa amin kaya hihintayin namin siya.
Narinig mo, Lucas? Hihintayin ka namin ni LZ...