CHAPTER 6

2036 Words
Chapter 6: Pain “WHAT the fvck, dude?!” Boses ‘yon ni Jaydel at nagawa niyang sugurin si Lucas. Mabilis naman akong inalalayan nina Poirier at Oriphyn. Naitayo nila ako at gulat na gulat pa rin ang reaction ko sabi sa ginawa niya sa akin. Nagawa niya akong saktan, tinulak niya ako dahil din sa ginawa ko sa babae. “Jaydel, sumusobra ka na. Bakit mo tinulak si Bythesea?!” malakas na sigaw naman ni Poirier. Hawak ni Jaydel ang kuwelyo ng suot niyang itim na shirt at habang umiiyak naman ang babae. Parang...parang mababaliw ako sa eksenang ito. Parang hindi kayang i-process ng utak ko. Nakabibigla, sobrang bilis nang pangyayaring ito. “Ano ba ang ginagawa niyo rito? Umalis na kayo...” pagtataboy sa amin ni Lucas kaya napahikbi ako. Ano’ng nangyari? Bakit siya ganito? Bakit ganito ang inaasal ng asawa ako? “Bitawan na po ninyo...ang asawa ko... Nakikiusap ako sa inyo...” Umawang ang labi ko sa gulat... Bakit? Bakit ganoon? Bakit pamilyar sa akin ang boses niya? Parang narinig ko na iyon pero hindi ako sigurado... “Ano? Ano ulit ang sinabi mo?” seryosong tanong ni Poirier sa babae. Dahil doon ay binitawan niya ako para lamang makalapit siya rito. Dahil din sa gulat ay bumitaw din si Jaydel kay Lucas. Kaya nasaktan lang ako lalo nang makita ko ang pagtago niya sa babaeng nagngangalang Nenina sa kanyang likuran. Nakahawak naman sa siko ko si Oriphyn, maski siya ay nagulat din pero nanatili siya sa tabi ko at ang malulutong na mura niya lang ang lumalabas mula sa bibig niya. “Mabuti pa...umuwi na kayo, Jaydel. Masyado na kayong nakaaabala sa amin,” walang emosyon na sambit ng asawa ko. Hindi ako makapaniwala na ganito na ang pag-uugali niya. Bakit parang may mali? Ano lang ang hindi niya naaalala? Talaga bang nagka-amnesia siya dati? Hindi ko maintindihan. Naguguluhan na ako, parang ibang tao lang ang kaharap ko sa mga oras na ito. “Ipaliwanag mo sa akin ngayon kung ano ang narinig namin kanina, Lucas,” malamig na saad ni Poirier. “Ano ba ang ipaliliwanag ko sa inyo?” walang ganang tanong ni Lucas. Na kahit ang tapunan ako nang tingin ay hindi niya man lang magawa. Tila kakapusin ako ng hininga sa tuwing nakikita ko ang maingat na paghawak ni Lucas sa siko ng babae. Hindi ko na alam ang gagawin ko, ang lalapit ba ako sa kanila at pagsalitaan sila ng hindi magaganda o... But I can’t... Naninibago ako ngayon kay Lucas. Hindi ko magawang... Ingat na ingat talaga siya. “Ang narinig namin kanina, Lucas. Tama ba ang narinig namin o nagkamali lang kami?” tanong ni Oriphyn. “What?” “That asawa thingy! What is the meaning of that, Lucas?!” sigaw ni Jaydel sa kanya. “You heard it right, Jaydel. She’s my wife, now.” Hindi na nga nakapagpigil pa si Oriphyn at siya na talaga ang sumugod kay Lucas. Umigkas ang kamao niya sa panga ng asawa ko at hindi man lang siya inawat ng dalawang kaibigan nila pero ni hindi rin nagpatinag si Lucas. Nakatayo lamang siya at pinoprotektahan pa rin niya ang umaangkin sa kanya, na asawa raw siya nito. I don’t believe her... “Bullshet, Lucas! Hindi kami pumunta rito para lang makipaglokohan lamang sa ‘yong tang-ina ka!” “Jaydel...” sambit ko sa pangalan niya at nilapitan ko na siya. “Bythesea...” Umiling ako sa kanya. Mabigat man sa dibdib pero hindi na dapat sila mag-away pa nang ganito. “C-Calm down, please... We won’t understand each other if we don’t talk properly, Jay...” nakikiusap na saad ko sa kanya at lumambot ang ekspresyon ng mukha niya. “We’ve been looking for you for a long time, Lucas. So, don’t waste our time coming here in the middle of the night. Umayos ka,” babala pa ni Poirier sa kanya at nagawa siya nitong iduro. “Why? Do we all have something to talk about? And how did you find me?” he asked in confused. “Fvcking shet, Lucas. Sa tingin mo ba ay bakit kami nandito kung hindi dahil sa ‘yo?!” “Please, Poirier...” “Hayaan mo ako, Bythesea. Tatamaan talaga sa akin ang gagong ‘yan at hindi ko talaga siya tatantanan... Ginagalit niya ako, eh,” sabi pa niya at pinatunog pa niya ang buto niya sa kamay niya. “S-Sino ba kayo? B-Bakit ba nandito kayong lahat? Ano’ng kailangan mo--” “Hindi ikaw ang kinakausap namin. Puwede mo ba’ng itikom ang bibig mo?” naasar na tanong naman ni Oriphyn. Nagagawa niyang pagalitan ang babae ngayon dahil alam niya na may mangyayaring hindi maganda. Lalo pa sa pinahayag nito kanina. “Don’t talk to my wife like that.” Napayuko ako sa sinabi ni Lucas. Pinagtatanggol niya talaga ang babaeng ito? Totoo kaya iyon? Dahil paanong nangyari na a-asawa na niya ito? Hindi ko kayang tanggapin. Parang ang hirap... napakaimposible... “She’s not your wife, Lucas. Nawala ka lang ng dalawang taon ay may ipakikila ka agad sa amin na asawa mo? Pinagloloko mo lang talaga kami,” matigas na saad ni Jaydel. Sa totoo lang ay pinagtutulungan nila talaga ang aking asawa pero parang wala rin talaga iyon kay Lucas. Hindi siya naaapektuhan na unti-unti silang nagkakagalitan na apat. Paano na lamang kung sumama pa ang iba niyang mga kaibigan? Dahil alam kong ganito rin ang mangyayari. “She is, kasal kami,” seryosong saad niya at ipinakita pa ang mga daliri nila na may suot na singsing. Walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko. Ang sakit makita ang mga iyon... Ni hindi ko inakala na mangyayari ito. Na makikita ko siya na may kasama ng ibang babae. Hindi ko...ni hindi ko nakita sa panaginip ang lahat ng ito. Dahil alam kong hindi kami aabot sa ganitong puntong... May ibang babae na siyang mamahalin bukod sa akin. Lucas... Ano’ng nangyari sa atin? Bakit? Bakit nagkaganito na tayo? “Pvtang-ina, Lucas Eberjey!” “Kung may pag-uusapan nga tayo ay pumasok kayo sa loob,” mariin na sambit ni Lucas at hinila pa niya ang babae. “L-Lucas...” sambit ko sa pangalan niya na ikinahinto niya. “Hindi ko alam kung bakit nandito ka rin, Bythesea,” sabi niya lang at nagsimula ulit siyang maglakad. Nanginig ang mga kamay ko at nanlalambot ang aking tuhod. Napayakap ako sa sarili ko nang biglang humangin at sa namamanhid kong katawan ay nilamig pa rin ako. “Suotin mo muna ‘to. Manipis lang ang damit mo kaya lalamigin ka talaga,” ani sa akin ni Poirier at siya na rin ang nagpatong ng jacket niya sa balikat ko. Dahil sa pagmamadali ko kanina ay hindi na ako nag-abala pang magpalit ng kasuotan. Puting t-shirt at kulay dilaw na pajama lang ang suot ko ngayon. Naka-tsinelas din ako. “Salamat...” “You don’t need to say that, Bythesea. Tandaan mo lang ang samahan nating magkakaibigan... At kahit si Lucas pa ang matalik naming kaibigan ay sa ‘yo kami kakampi, hindi sa kanya,” aniya. “Alam mo naman na malalagot kami sa mga babae kapag pinabayaan ka namin,” ani Oriphyn. Napangiti ako. Kahit papaano ay gumaan ang bigat sa dibdib ko. *** Pinatuloy pa rin talaga nila kami kahit mainit ang ulo nila pareho. Ayaw pa ngang pumasok ng tatlo pero ng dahil sa akin ay sumunod pa rin sila. ‘Sakto lang ang laki ng bahay at hindi naman masikip. Malinis at maganda ang loob, may mga simpleng gamit din sila. Ganitong klaseng buhay na ba ang gusto ni Lucas? Na kung tutuusin ay higit na marangya ang buhay na mayroon kami sa Manila. Kung m-mahal na nga niya ito... Kaya ba? K-Kaya ba hindi na siya umuwi sa amin? Sa loob ng dalawang taon ay nagawa niya kaming tiisin? Mas masaya ba siya? Mas masaya na ba siya sa piling nito? Bakit? Hindi na ba niya ako nami-miss? Si LZ... Marahas kong pinilig ang ulo ko dahil sa negatibong naisip ko. That’s very imposible. Ako lang ang mahal niya at hindi magbabago ito. “I wonder kung ano ang trabaho mo rito, Lucas. According to our investigator ay tatlong buwan pa lamang kayo naninirahan dito,” pagsisimula ni Jaydel. “Pinaimbestiga mo na ako, bakit tinatanong mo pa ako niyan?” tanong ni Lucas. May iritasyon pa ang kanyang boses. Sa tono rin ay hindi siya interesado na pag-usapan namin iyon. Magkatabi silang nakaupo ng babae at ako naman ay katabi ko sina Poirier at Oriphyn, nasa left side naman si Jaydel. “Wala rin akong makuha na impormasyon tungkol doon. Maliban sa...nagtuturo sa mababang paaralan ang tinatawag mong...asawa?” nanunuyang saad pa ni Jaydel. Gusto niya rin talagang galitin si Lucas. “Isa kang teacher, Miss? Kung asawa mo talaga si Lucas ay saan naman kayo ikinasal?” si Poirier naman ang nagtanong at sa kanilang tatlo ay siya talaga ang mabilis na mag-init ang ulo. Pero si Oriphyn naman ang sumuntok sa asawa ko kanina. “Ako lang ang kauusapin niyo at hindi ang asawa ko...” Napaigtad naman ako sa gulat dahil sa pagdantay ng paa ni Jaydel sa center table na gawa sa kahoy kaya maglilikha talaga iyon nang ingay. “Nararamdaman ko talaga na may mali... May mali at ayoko munang tuklasin...” makahulugang saad pa nila. “Ang akala ko, Lucas. Na sa ating magkakaibigan ay ako na ang pinakamasamang asawa sa lahat. Dahil sa ginawa ko noon kay Elysian pero mas malala pala ang ginawa mo. Nawala ka at hindi namin agad nahanap, natagalan pa kami ng dalawang taon. Si Bythesea, wala siyang ginawang iba kundi ang hanapin ka rin niya, lahat kami ay nag-aalala at mas higit siya. Tapos...tapos ito lang ang madadatnan naming lahat ang malalaman namin na may asawa ka na? Pinahintulutan na ba ng bansang ito ang pagkakaroon ng dalawang asawa? Lucas, nasa Pilipinas pa rin tayo--” “Si Nenina lang ang alam kong asawa ko... Wala na...” sabat niya. “At ano naman sa ‘yo si Bythesea?” “Matagal na kaming tapos,” malamig at seryosong sambit niya. “L-Lucas...” sambit ko sa pangalan niya. Bakit ba niya ako sinasaktan? Bakit ba siya ganito na sa akin? “Please, Bythesea. Hindi ba tapos na sa akin ang lahat?” Umiling ako sa sinabi niya. Paano niya nasasabing tapos na sa amin ang lahat? “H-Hindi pa, Lucas... A-Ako ang asawa mo...” “Hindi ko paniniwalaan ‘yan. Ako na ang nakikiusap sa ‘yo, Bythesea... Tigilan mo na ako... Ayokong...ayokong saktan ang asawa ko dahil lang sa mga sinasabi mo ngayon sa amin...” saad pa niya. “At ako...ang gusto mong masaktan, Lucas?” tanong ko. “Bythesea...” “Umuwi na tayo... Umuwi na lang tayo sa Manila, Lucas. Hindi ito...hindi ito ang buhay na mayroon ka... Please, umuwi na tayo...” nakikiusap na usal ko sa kanya at nagawa ko pang tumayo para lamang lapitan siya at hilahin na. “Ayoko...” “Lucas...” “Puwedeng uuwi ako... Pero hindi dahil sinusunod ko ang gusto mo, Bythesea. Hindi mo ako mapipilit ngayon na sumama sa inyo pauwi,” matigas na sabi niya. Wala ng kasing sakit sa dibdib ko ang mga sinabi niya at sobrang lamig na ng pakikitungo niya sa akin. Parang hindi na siya ang Lucas na kilala ko... Ibang tao na siya... “Mas gugustuhin ko pa yata ang malaman na patay ka na, Lucas kaysa ang malalaman namin na buhay ka pero ang laki mong tanga...” malamig na saad ni Poirier. “Magkamukha kayo ng kaibigan namin pero parang hindi rin ikaw si Lucas Eberjey Dankworth. Ibang tao ka, ibang tao ka sa paningin namin...” dugtong naman ni Jaydel. “Lahat kami ay nag-aalala sa nangyari sa ‘yo, sa kalagayan mo pero nandito ka lang din na nagpapasaya sa kandungan ng ibang babae?” “Ori...” “Hindi natin makauusap ngayon nang maayos ang lalaking ‘yan. Mukhang nakaisturbo nga tayo. Tara na... Bumalik tayo sa ibang araw...” “Jay, gutso ko pang makausap si Lucas...” pakiusap ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD