Is it bad to wish that hope it will last? “It’s perfectly baked. Have a taste of it,” sabi ni Lady Lay sa akin at pinatikim sa akin ang ginawa niyang cupcakes. “Masarap po,” nanlalaki ang matang sabi ko. Nakita kong ngumiti siya at binigyan si Doc Mia ng isa. “How was it Mia?” “Masarap. Kailan ba hindi naging masarap mga gawa mong cupcakes?” “Lahat naman sinasabi mong masarap,” “Kasi nga masarap,” “Sinasabi mo lang iyan dahil kaibigan mo ‘ko e,” Nakangiti lang ako habang pinapanood si Doc at Lady Lay na naglalambingan sa harapan ko. May alam ako sa kanila dahil kay Rachelle but seeing them up close on how they are treating each other is another thing. Para silang magkapatid mag-turingan kesa sa magkaibigan lang. “What? Magda-drama ka na naman,” sabi ni Doc at natatawa siyang niy

