“Tara na nga, binobola mo na naman ako e.” Natatawa niya akong inakbayan. “Hindi kita binobola. I’m just being real when I’m with you.” Ang dami pang sinasabi…. Pagpasok namin sa bahay, natigilan ang mama niya at si Doc Mia nang makita kaming dalawa. Napatingin si Lay Lay sa kamay ni Sico na nakaakbay sa akin kaya sinubukan kong lumayo. Nagtagumpay nga ako pero agad namang kinuha ni Sico ang kamay ko at pinagsiklop niya ito. Tuloy ay sumunod ang tingin ng mama niya sa kamay namin. “You’re here ma,” aniya kahit na alam naman niya na nandito. “Bakit? Bawal ba?” “I didn’t say that ma,” Lumapit si Sico sa kaniya at niyakap ito. “Gutom ka na? Nagluto kami ng mommy ninang mo.” “Sige po ma, magbibihis lang ako,” aniya. Tumingin siya sa akin. “Come with me,” “Bakit mo naman isasama si

