“At bakit kailangang may picture mo, aber?” tanong ko. “Eh, siyempre, para sa tuwing magda-drive ka, maalala mo ako. Tapos ngingiti ka kasi maiisip mo na mayroon kang guwapong boyfriend. Ang sweet ko, ‘di ba?” pagmamayabang pa niya. Ako naman ay hindi na napigilan ang paglapad ng ngiti sa kalokohan niya. Kinulong ko sa palad ang ibinigay niyang susi saka huminga nang malalim. “Lagi ka nang laman ng isip ko kaya kahit walang ganito, talagang lagi naman kitang naaala-ala! Ewan ko lang sa iyo,” kunwa’y sagot ko at nilapitan na ang sasakyan. Pinindot ko ang on at lumikha pa iyon ng tunog kasabay nang pag-ilaw. “Aba! Huwag na huwag mo akong pagdududuhan dahil kung ako lang ang masusunod hindi na kita aalisin sa tabi ko. Kung puwede nga lang kitang ibulsa o isabit sa katawan ko ginawa ko na.

