Chapter 34 The Video

1519 Words

“Eh, siyempre dinepensahan ko agad ang sarili ko. Pero ayaw maniwala, eh. Tapos sinabunutan ako at sinampal,” nakasimagot kong pagpapatuloy. Naiinis pa rin ako kapag naalala kong nasampal ako sa harap ng maraming tao kanina. Samantalang wala naman akong ginagawang masama. Ni hindi ko alam kung saan nila nasagap ang tsismis na iyon, samantalang wala naman silang maipakitang ebidensya. “Dapat hindi ka pumayag! Dapat sinapak mo nang mas malakas, ano ba iyan!” napalakas ang boses niyang bulalas kaya bigla akong nag-alala. Ibinaba pa niya ang kutsarang hawak at galit na tumingin sa akin. “Eh, nabigla nga ako, ano! Saka siyempre napapaisip ako kung ano ba iyong ibinibintang nila sa akin. Pero mabuti na lang din dumating agad si Keister at talagang binara ng husto si Lanie at iyong mga kasama

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD